✴ Chapter 11

9.7K 403 12
                                    

Harley

Alam ko kung ano ang nais niyang gawin kanina. Dahil naramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa mga labi ko. Pero bakit hindi ako kumilos para itulak siya? Hindi ko rin alam kung bakit nakagat ko ang ibabang labi ko. Baka kung ano pa ang isipin niya.

"Where have you been?" Salubong sa akin ni Karen habang nakasandal sa kotse niya. Nasa Parking lot kami ng Arena at nag-text siya na dito na lang niya ako hihintayin.

"Restroom."

Bumuntong hininga siya bago hawakan ang isang kamay ko at ngumiti ng tipid. "Tara, umuwi na tayo."

Habang nasa biyahe ay walang pag-uusap na naganap hanggang sa makarating ng unit ko. Wala rin naman kasi akong maisip na sasabihin.

"Napapansin ko na parang lagi atang bago ang white roses sa vase." Napatingin ako sa kanya nung lumabas ako ng kuwarto dahil nagpalit ako ng damit.

"Ah. Nagagandahan kasi ako sa bulaklak. Kaya gusto ko na laging may bago sa vase." Umupo ako sa tabi niya at yumakap sa bewang niya. "Bakit?" Tanong ko dahil halata sa mga mata niyang nagdududa siya.

"Wala lang." Sagot niya bago halikan ang mga labi ko.

"Anong gusto mong inumin at kainin?" Pag-iiba ko para mawala kung ano mang iniisip niya.

"Juice at ikaw." Sagot niya at kumindat pa sa akin kaya hinampas ko siya sa braso ng throw pillow.

"Tumigil ka nga." Naiiling na tumayo ako at pumunta ng kusina. Hindi ko napansin na nakasunod pala siya sa akin at yumakap mula sa likod.

"Harley..." Bulong niya sa kaliwang tenga ko. "Isang taon na tayo pero wala pa rin nangyayari sa ating dalawa." Naramdaman ko ang paglanghap niya sa leeg ko.

Nang hindi ako magsalita ay sinimulan na niyang halikan ang leeg ko paakyat sa jaw. Napahawak ako ng mahigpit sa isang braso niya na nakayakap sa bewang ko. Nagsisimula na rin ako maging uncomfortable sa ginagawa niya. Lalo na nung maramdaman ko ang pagpasok ng isang kamay niya sa loob ng damit ko. Paakyat sa parteng dibdib. Napapikit ako ng madiin.

"K-Karen, please... s-stop..."

Sa sinabi ko ay huminto na siya sa ginagawa at iniharap ako sa kanya. "Hey, open your eyes." Nagmulat ako ng mga mata at sinalubong ang tingin niya. "I'm sorry." Matapos sabihin ay niyakap niya ako. "Hindi ko na uulitin." Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.

"Hindi pa ako ready, I'm sorry." Yumakap na rin ako pabalik.

"Shh... It's okay."

--

"Ang galing nina Gizelle at Dein maglaro kahapon." -Diane

"Oo nga eh, si Dein ang galing mag-steal ng bola." -Margarette

"Nakakatawa kaya yung score tambak." -Elaiza

Usapan yan nilang tatlo habang ako ay hindi maka-relate dahil nga hindi naman ako nanood ng game. Kaya pala hindi ko na sila nakitang tatlo bago kami umalis ni Karen.

Matapos ang klase at gawain sa Student Council ay umuwi na ako. Kasalukuyang nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame. May practice sina Karen kaya wala siya rito.

Habang nakatitig sa kisame ay naalala ko ang itinanong nung isang araw ni Diane.

"Harley, magsabi ka nga ng totoo, mahal mo pa ba si Karen?"

Hindi ako makaimik pero sa tanong niya ay bigla naman akong napatanong sa sarili.

Mahal ko pa ba si Karen?

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon