✴ Chapter 26

10.5K 449 20
                                    


Harley

Matapos ang practice nila ay patakbong lumapit sa akin si Aki. Inabot ko sa kanya ang tumbler niya para makainom siya ng tubig. Kinuha ko rin ang towel na nakapatong sa sports bag niya para dampian ang pisngi niya.

"Nakita mo ba yon? Minsan lang ako magmintis at ngayong practice lahat ng tira ko pasok." Nakangiting pagkukuwento niya.

Sa napanood ko ay masasabi kong napakagaling nga niya. Maaaring dahil sa camp na pinasukan niya sa loob ng isang taon ay mas na-improve pa ang skills niya. Lahat ata ng mapuwestuhan niya sa loob ng court ay puro pasok ang tira niya. Pero hindi siya makasarili, dahil hindi lang siya ang umi-score sa team nila. Kapag mahigpit ang bantay sa kanya ay hindi na siya nagpupumilit pa na pumuntos.

"Mine."

"H-ha?"

"Tinatanong kita kung pwedeng sa likod ng bench ka namin umupo bukas."

Hindi ko napansin na may sinasabi pala siya. Nasa likod niya ako nakaupo habang siya naman ay nasa baba, at nakasandal ang likod sa mga binti ko.

"Okay."

"Ayan! Kahit na team mo ang kalaban namin, dapat sa side kita."

Natawa ako sa sinabi niya. Minsan talaga lumalabas ang pagka-childish niya. Nahinto lang ako nang mapansin na nakatitig na lang siya sa mga mata ko.

"Bakit?"

"W-wala lang. Uhm, ngayon ko lang kasi nakita na ganyan kasaya ang mga mata mo." Hindi makatingin na sabi niya.

Imbis na sumagot ay idinampi ko ang mga labi sa noo niya.

"Lovers tama na yan, naiinggit ako."

Nag-angat ako ng tingin kay Gizelle at mahinang natawa dahil nakasimangot siya.

"Aki, maligo ka na bago ka pa matuyuan ng pawis." Sabi ko dahil tapos na yung dalawa.

"Dito ka lang ha?"

Tumango ako at nagmadali namang tumabi sa akin si Dein nung nakatalikod na si Aki. Pero nung nasa pinto na siya ng locker room nila ay lumingon siya sa direksyon naming tatlo. Nagsalubong ang perpekto niyang mga kilay.

"Hoy! Dein! Lumayo-layo ka nga!"

"Maligo ka na lang dyan!"

Nakasimangot na pumasok sa loob ng locker si Aki habang ang dalawang katabi ko ay nag-eenjoy na asarin ang siya.

"Ang cool ng ginawa mong pagpapakilala kay Akira nung family dinner."

Tipid akong ngumiti at naalala na naman ang naging usapan namin ni Mom nung gabing iyon. Simula non ay hindi na niya ako kinakausap. Hindi na rin siya nagm-message tungkol kay Aldwin.

Ngumiti siya at may inabot sa akin na photograph at galing ito sa isang Polaroid. Si Aki na mahimbing na natutulog habang nakahiga sa damuhan. Ang cute niya rito at nakaunan pa siya sa sports bag niya.

"Cute." Itinabi ko na sa bag ko at baka makita pa niya. Hindi raw alam ni Aki ito.

"Ayan? Cute? Duh! Halimaw yan!"

Tumingin ako kay Dein.

"Malabo na ata ang mga mata ni Harley at tinawag na cute si Halimaw."

"Halimaw?" Natatawang tanong ko.

"Kaya halimaw tawag namin dyan kasi halimaw siya sa loob ng court, di ba Gizelle?"

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon