HarleyNapapangiti na lang ako habang naglalakad sa hallway. Ganito na ako nang magising at ang magandang mukha ni Aki ang bumungad sa akin. Sa unit ko na siya natulog at nagpumilit na tabi kami sa kama. Wala na rin akong nagawa dahil ang hirap makahindi sa kakulitan ng babaeng yon.
"Hi."
Nahinto ako sa paglalakad at ngayon ko lang napansin na papalapit sa direskyon ko si Danielle. Mukhang galing siya sa room namin dahil ang alam ko ay lagi na niyang hinahatid si Diane.
"Hi." May ngiti sa mga labi na balik ko. "Nasa room na ba si Diane?" Tanong ko.
"Oo, nandon na siya at hinahanap ka nung pumasok siya sa room niyo."
Medyo natawa ako sa sinabi ni Danielle. Napansin kong nakatitig lang siya sa akin at medyo nakaramdam ako ng pagkailang.
"M-mauna na ako."
Ngumiti lang siya kaya naman nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad patungo sa classroom. Natahimik ang mga classmate ko nang pumasok ako at mga nagmamadaling nagsiupuan ng maayos.
"Iba talaga kapag si Harley ang pumapasok sa room." Natatawang komento ni Elaiza nung makaupo ako sa tabi ni Diane.
"Nagkasalubong kayo ni twin?" Tumango ako sa tanong ni Diane. "Oh?" Ngumiti siya na parang nanalo na sa lotto.
"May napapansin ako..." Seryosong nakatingin si Margarette kay Diane na ikinataas naman ng kilay ng isa.
"Ano?" Mataray na tanong nito.
Nagtitigan muna sila hanggang si Margarette na ang unang nag-iwas. "Wala..." Yon na lang ang sinagot niya.
Dumating na ang Prof namin kaya nawala ang kakaibang atmosphere na bumalot sa dalawa. Habang nagtuturo sa harapan ang Prof namin ay hindi maiwasang sumagi sa isip ko si Danielle. She was my crush way back in high school at ang pinsan ko lang na si Tamara ang pinagsabihan ko noon.
Hanggang sa makilala ko si Karen. Sinundan ko noon si Danielle nung makita ko siyang naglalakad mag-isa palabas ng school. Pero dahil sa ginawa ko ay muntikan na akong mapagsamantalahan nung tatlong lalaki na humablot sa akin papasok sa isang eskinita. Pero bago pa mangyari ang binabalak nila ay dumating si Karen at iniligtas ako. Doon nagsimula ang lahat sa amin.
Kahit pa sabihin na hindi sila nagtagumpay sa binabalak nila sa akin noon? Hindi pa rin nawawala ang trauma na idinulot nito sa akin.
"Kanina ko pa napapansin na tahimik ka."
Nag-angat ako ng tingin at napansin na nakatitig sa akin si Margarette. Nakaupo ako swivel chair dito sa Student council room. Nasa couch nakaupo si Margarette habang nakapatong sa center table ang dalawang pa niya. Kaharap lang ng table ko ang kinaroroonan niya.
"Kaninang umaga ka pa ganyan."
Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng mga folder sa ibabaw ng table ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at pagpuwesto sa likod ko. Kinuha niya ang folder na hawak ko at inilapag ito sa ibabaw ng table.
"May gumugulo ba sa isip mo?"
Naramdaman ko ang paghilot niya sa noo ko na ikinapikit ng mga mata ko at pagsandal sa backrest ng swivel chair. Ganito ang ginagawa niya kapag alam niyang marami akong iniisip.
"Sa tingin ko ay hindi ko talaga minahal si Karen." Panimula ko.
"Ha? Tumagal kayo ng one year tapos hindi mo mahal?"
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...