Akira
"Danielle Lorenzo for three!"
Nakakainis.
Sampu na naman ang kalamangan nila at nasa last quarter na kami. Naibaba na nga namin sa apat ang lamang kanina kaso pangalawang tres na 'yon ni Lorenzo. Bwisit. Kahit mahigpit na ang depensa ko ay nakakawala pa rin siya. Talagang pinaghandaan niya ang laban na 'to.
"Weak." Ngising pang-iinis pa ni Roque nung makasabay ko siya sa pagtakbo papunta sa court side namin. Kung pwede ko lang manapak ngayon? Ginawa ko na. Kaso mafla-flagrant foul ako.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpanggap na hindi narinig ang sinabi niya.
Namalayan ko na lang na naagaw ni Ellen ang bola dahil sa hiyawan ng mga tao. Tumakbo ako agad nang makitang tumakbo si Roque papunta sa court side nila. Isang malakas at mataas na bola ang ipinasa ni Ellen para sa fastbreak. Malapit na sa ring si Roque kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko at tumalon para makuha ang bola. Nahawakan ko ang bola bago pa makatalon si Roque.
Tumakbo ulit ako pabalik sa court side namin dala ang bola. Tumingin ako kay Dein na nasa three-point-line at napunta sa kanya ang atensyon ng SU players. Nang makalapit sa ring ay walang tingin na ipinasa ko ang bola kay Gizelle. Nasa three-point-line din siya pero nasa corner sa right wing ng court. Wala siyang bantay at bago pa makalapit ang isa sa player ng SU ay naitira na niya ang bola. Lahat ay napasunod sa magandang ikot ng bola.
"Gizelle Reyes for three!"
Tumakbo ako papunta sa side ng kalaban para paghandaan ang sunod nilang atake. Pitong puntos na lang ulit ang kalamangan nila at 4:48 na lang ang natitira sa oras ng laro. 84 - 77 ang nasa scoreboard.
Kailangan naming manalo. Ayokong makita ni Harley na matalo ako. Isang kahihiyaan para sa akin kapag nakita niya 'yon!
Though wala naman talagang makakatalo sa'kin. Hindi pa kasi ipinapanganak or sabihin na lang natin na sumakabilang buhay na ang kayang makatalo sa'kin. Smirk.
"Sa wakas, nakita ko na naman yang smirk of kayabangan mo." May ngisi sa labing pansin sa akin ni Gizelle at tinapik pa ang balikat ko.
Gusto ko siyang samaan ng tingin pero papunta na ang SU para sa gagawin nilang opensiba.
Binantayan ko pa ng maigi si Lorenzo para hindi maibigay sa kanya ang bola. Tagumpay naman dahil hindi maipasa ni Ellen sa kanya ang bola kaya ipinasa ito kay Roque.
Nag-dribble si Roque at pilit na sinisira ang depensa ni Gizelle. Kahit matangkad yan, maliksi naman. Magaling siya sa pagdepensa sa mga binabantayan niya. Tumakbo si Roque palapit sa ring at nakasunod sa kanya si Gizelle. Nag-side step siya at tumalon. Dalawa ang sumabay sa kanya, sina Gizelle at Captain. Mukhang natinag siya at lumapag ang mga paa niya habang hawak pa ang bola.
Nag-whistle ang referee at nag-motion kami ng travelling. Iyon nga ang itinawag ng referee kaya turnover at nasa amin na ang ball possession. Saglit na nagkatinginan kami nina Gizelle at Dein.
Inis na tumakbo si Roque papunta sa court side namin. May pa reklamo-reklamo pa siyang nalalaman na hindi raw travelling. Tss.
Huminto ako sa left wing ng court side namin at nakabantay agad si Lorenzo.
"Mababaliwala lang ang mataas mong score." May ngisi sa labing sabi ko.
"Sinasabi mo ba yan para sa sarili mo?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Kahit anong pasikat mo, hindi mapupunta sayo si Harley."
Tumahimik siya at napangisi naman ako dahil totoo naman ang sinabi ko. Asa pa siyang hahayaan kong mapunta sa kanya si Harley.
![](https://img.wattpad.com/cover/87823438-288-k474587.jpg)
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomansaSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...