Chapter 49

1.8K 72 3
                                    

Harley

Two and half weeks na lang pala bago ang Christmas. Pero, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang ire-regalo kay Aki.

Napabuntong hininga ako nang maalalang suspended siya ng one week sa school nila, ban sa SU at grounded. Na-g-guilty ako dahil kasalanan ko kung bakit nangyari sa kanya iyon.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. Nakita ko agad sa notification na si Diane ang nag-text kaya binuksan ko agad.

Nasa bar kami ngayon. Hihintayin ka namin dito. Kapag nalasing ka, nandito naman si Marge para maghatid sayo pauwi.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Wala naman ako ibang gagawin kaya nag-reply ako na susunod sa kanila. Naligo at nag-ayos muna ako ng sarili bago umalis.

Habang nasa biyahe ay napapansin ko ang kakaibang tingin sa akin ng taxi driver. Sa reflection ko sa rear view mirror niya ako tinitingnan. Nakakaramdam ako ng kaba dahil nakakatakot ang mga mata niya. Pasimple ko pang tiningnan ang suot ko kung may mali ba sa jeans at white shirt na may tatak ng isang brand.

Nakahinga ako ng maluwag nang maibaba niya ako sa tapat ng bar kung nasaan sina Diane. Hindi ko na rin kinuha ang sukli ko para makalabas agad ng taxi.

Pumasok ako sa loob ng bar at hinahap sina Diane. Madali ko lang sila nakita dahil nandon sila sa table na madalas namin ino-occupy. Habang papalapit ako ay napansin ko na apat sila at parang ang sersoyo ng usapan nila.

"Hey." Tawag pansin ko at lumingon sa akin ang tatlo maliban sa isa.

Umupo ako sa nag-iisang vacant na upuan sa gitna ni Marge at nung babaeng kasama nila. Nung makaupo na ako at napagmasdan sila? Ramdam ko na kakaiba at mabigat din ng atmosphere rito.

"May problema ba?" Tanong ko at isa-isa silang tiningnan hanggang sa madako ang tingin ko sa isang katabi.

Natigilan ako nang makilala kung sino siya. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaction ngayon. Ilang taon siyang nawala at ngayon ay parang kabute na sumulpot. Alam kong nakauwi na siya dahil sinabi sa akin ni ate Angeline pero, hindi ko inasahan na sa ganitong lugar ko siya makikita ulit.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at makahulugan na tiningnan si Marge. Mag-pinsan silang dalawa at alam kong may kinalaman siya kung bakit nandito si Andrei.

"Harley, bakit parang hindi ka natutuwa na makita ulit ako?"

"Aba nagtanong ka pa talaga ha?" Sabat ni Diane, at sarcastic na natawa habang masamang nakatitig sa katabi ko. "Wag ka nga umarte na parang wala kang ginawang mali noon."

"Wala akong ginawang mali noon. Ginawa ko lang kung ano ang tama."

"Yeah, tama nga para sayo ang iwan si Harley sa ere."

Napahawak ako ng mahigpit sa gilid ng inuupuan ko. Parang bumalik yung sakit na naramdaman ko noon. Puppy love lang naman kung iisipin iyon dahil bata pa kami non pero, sobra akong nasaktan. Isa siya sa reason ko noon kung bakit nag-plan na akong humiwalay sa pamilya ko. Tutol si Mom sa relasyon naming dalawa. Kahit patago lang ang relasyon namin ay nalaman pa rin niya. Hindi ko alam kung sino nagsabi o paano niya nalaman. Pero nagsimula na rin maging magulo ang unang maayos na relasyon namin ni Andrei. Nung una ay ayos lang sa parents niya ang relasyon namin. Lalo na nung malaman nila na isa akong Stillford pero, bigla na lang din sila nagbago at naging tutol.

Honestly, wala kaming proper break up dahil bigla siyang nawala. Pero ang absence niya noon ay ang another term ng break up.

"Mauna na ako." Sabi ko. Tumayo na at naglakad palabas ng bar.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon