Harley
Game day.
"Anong nakain mo at manonood ka ng game nila?" Hindi makapaniwalang tanong ni Diane.
"Gusto ko lang mapanood ang laban ng MU."
Magkakasama kaming apat na manonood sa laban ng MU at SMU na isa rin sa laging nakakapasok sa final four.
"Syempre gusto niyang makita si Akira." Nandoon ang nanunuksong tingin ni Elaiza sa akin.
"Naku baka si Akira naman ang next gf mo ha?" Biro ni Margarette.
Napailing ako sa isip-isip ko dahil hindi nila alam na girlfriend ko na ang taong itinutukso nila sa akin. Gusto ko sanang sabihin ang totoo pero hindi pa ito ang tamang panahon. Naguguluhan pa rin ako sa relationship na mayroon kaming dalawa.
"Hindi pwede!"
May pagtataka na nalipat ang tingin naming tatlo kay Diane. Nakaupo siya sa right side ko habang nasa left side ko si Elaiza at katabi si Margarette.
"At bakit naman hindi puwede?" Taas kilay na tanong naman ni Margarette.
"Single si Harley at Akira kaya pwedeng-pwede!" Diin naman ni Elaiza.
"Eh, kasi naman ano." Napakamot siya sa pisngi niya bago nagsalita ulit. "Kakagaling lang ni Harley sa breakup."
"Ah... akala kung ano eh."
"Ano?" Mataray na tanong naman niya kay Margarette.
"Wala lang—uy! Magsisimula na!"
Ilang sandali lang ay tatawagin na ang starting five ng bawat team. Napansin kong patingin-tingin sa paligid si Akira na parang may hinahanap. Sino naman ang hinahanap niya? Nasa vip section kami at katapat lang namin ang bench nila. Umakbay sa kanya si Gizelle at tumuro kung saan kami nakaupo. Sumilay ang isang matamis na ngiti mula sa kanya nung makita ako. Mabuti na lang ay hindi iyon napansin ng tatlong kasama ko.
Nag-umpisa na ang first quarter pero bangko lang si Akira at nakasimangot siyang nakatingin sa coach nila. Palihim na natatawa ako dahil ang haba na talaga ng nguso niya at baka mamaya'y matapakan sa floor ng coach nila.
"What's funny Harley?" Taas kilay na tanong ni Diane.
"Natatawa yan kasi bangko lang yung kaaway ng gf niya—ex pala haha!" Mapang-asar na tinawanan ako ni Elaiza at ewan ko ba't parang tuwang-tuwa siya kapag 'ex' na ang usapan.
Itinuon ko ang atensyon sa game hanggang sa matapos ang first half na walang Akira Morrin na naglaro sa loob ng court. 59-38 ang score sa first half at mukhang hindi ata siya maglalaro today dahil hindi pa bumaba sa kinse ang lamang nila simula pa nung first quarter.
Nagpaalam sina Elaiza at Margarette na pupunta lang sa restroom. Kaming dalawa lang ang naiwan ni Diane rito na busy sa paglalaro ng color switch.
"Harley."
"Hmm?"
"After ng game ay foodtrip tayo kasama si twin sis."
Napaisip naman ako at sa pagkakatanda ko ay gusto ni Akira na diretso kami sa unit ko after ng game nila.
"Uy ano?"
"Uhm.. kapag wala na akong gagawin."
"Sus, busy-busy-han."
Ilang sandali lang ay bumalik na sina Elaiza sa puwesto namin pero may dalawang taong kasunuran lang nila na dumating.
"Oh? Hi Harley." May ngisi sa labing kaway ni Cathy sa akin. "I'm here to support my cousin, Dein." Dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...