AkiraPinagmamasdan ko ang dalawa na nanonood ng palabas sa tv. Nagtatanong din ang kapatid ko kapag may napansin siya at nakangiti naman na sinasagot ni Harley. Nakaupo pa nga si Taki sa lap niya.
Napangiti ako dahil nakakatuwa silang pagmasdan.
Akala ko gising pa si Harley kagabi para sana i-surprise siya kaso ang lalim na ng tulog niya. Hindi ko na siya ginising para makapagpahinga siya.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ng suot kong jeans nang maramdaman ang vibration nito. Nasa kitchen ako at napansin na napatingin sa direksyon ko si Harley.
Si Dein ang tumatawag.
"Bakit?"
[Wow! Wala man lang hello? Maka-bakit ka naman dyan, wagas!]
"Ano ba kasi ang kailangan mo at ang aga mo atang tumawag?" Alas siyete pa lang ng umaga. Hindi siya ganito, unless importante ang sasabihin niya.
(Nasaan ka? Bakit hindi ka pumasok? Ang daming reporters ang naghahanap sayo rito.)
Ang dami naman nitong tanong.
"Kasama ko si Harley pati si Taki."
(Aba! Bumubuo na kayo ng sariling pamilya ah!)
Hindi ko mapigilang mapangiti. Pamilya.
"Bakit ka nga napatawag?" Ulit ko pa sa tanong ko kanina.
Matagal bago ulit siya nagsalita. [Ayon lang, itatanong ko lang kung bakit hindi ka pumasok.]
Akala ko naman importante ang sasabihin niya. Wala naman palang kuwenta. At saka, ayokong pumasok dahil inaasahan ko na ang mga reporter at sport news publishers.
Paulit-ulit lang naman din ang itatanong nila. Nakakatamad din sumagot tapos ang sakit sa mata ng mga camera flash.
Mabuti na lang hindi pa niya naibaba ang tawag dahil may naalala akong itanong.
"Napagsabihan mo na ba yang pinsan mo?" Mahinang tanong ko para hindi marinig ni Harley.
[Pinsan? Si Cathy ba?]
Muntik nang tumirik mata sa sobrang pagkairita. "Sino pa ba sa mga pinsan mo ang may makating pangalan?" Kahit inis na inis na ako ay pinilit ko pa rin hinaan ang boses ko.
Naaalala ko na naman yung nakita kong mantsa ng lipstick sa jaw ni Harley. Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko sa isipin na dumikit ang nguso ng babaeng yon sa Girlfriend ko.
[Ay grabe ka naman! Kahit ganon si Cath, mabait yon.]
Ayon? Mabait? Halata nga sa mukha niya na hindi siya gagawa ng matino. Parang kalandian lang ang alam gawin. Ang hilig pa magsuot ng mga revealing clothes.
Hinding-hindi talaga ako makakapante hanggat alam ko na may makating babaeng umaaligid sa girlfriend ko.
Nakakainis. Ang hirap pala magkaroon ng girlfriend ng katulad ni Harley. Nakaka-paranoid na baka maagaw siya.
[Natatakot ka ba maagawan ng pinsan ko?] Nahihimigan kong pigil na tawa niya nung itanong ito. Bwisit.
"Of course not!"
Sa lakas ng pagkakasabi ko ay sabay na napalingon sa direksyon ko sina Harley at Taki.
[Hahaha! Pakiramdam ko natatakot ka lang maunahan ng pinsan ko na maka-iskor kay Harley.]
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...