Chapter 50

1.8K 69 0
                                    

Akira

Ang sarap talaga sa pakiramdam na makalabas ng bahay. Sa loob ng isang linggo na suspended at grounded ako? Pakiramdam ko ay nasa kulungan ako.

"Welcome back!" Bati nila Dein at Gizelle nang makapasok ako sa classroom. Umupo ako sa gitna nilang dalawa.

Na-suspend ako at wala rin akong school activities na ginawa dahil kasama yon sa suspension. Kaya kailangan ko tuloy maghabol sa missed activities or quizzes. Kung papayag ang mga Professor namin.

Tiningnan ko ang phone ko kung may message galing kay Harley pero wala. Ayos lang kaya siya?

"Ano kayang meron?"

Nalipat ang tingin ko kay Dein na nakatingin sa screen ng phone niya. Dahil nasa tabi ko lang siya ay nakita ko ang tinitingnan niya. Updated status pala ng pinsan niya.

'Cathy Alejandro is feeling happy'

Ngayon ko lang nalaman na nakakaramdam pala ng happiness ang mga makakati? Tsk.

"Ngayon lang siya nag-update ng ganito."

"Malay mo may bagong nilalandi kaya masaya." Sabi ko at naiisip na sobrang malas ng nilalandi niya.

"Siguro? Wala pang nakakarelasyon si Cathy, kaya baka pwede rin ang sinabi mo na may ka-fling siya ngayon."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Sa landi niyang yon hindi pa siya nagkaroon ng jowa?!

Oo nga pala, sa appearance lang niya ako nag-base ng judgement ko. Kahit sino siguro mapapaisip na malandi siya at marami nang nakarelasyon. Dahil sa pananamit at sa kung paano siya kumilos.

——*——

Kakalabas pa lang namin ng room sa last subject, nang maisipan kong mag-message kay Harley na susunduin ko siya. Pero, nag-reply siya na wag na raw. Magt-taxi na lang daw siya pauwi dahil may tatapusin pa raw siya sa school.

Ganon ba kahirap maging Student Council President? Sobrang busy? Ngayon na nga lang kami magkikita ulit tapos ganito pa.

"Lungkot naman natin, Morrin?" Inakbayan ako ni Dein pero naalis agad yung braso niya nang sikuhin ko siya. "G-Grabe ka!"

"Masama na nga araw ko, dadagdag ka pa."

Nagtawanan silang dalawa ni Gizelle, at nagsimulang mang-asar na ayaw daw ako makita ni Harley. Sa ganda kong 'to? Imposibleng mangyari yon.

Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Dein at ganon din ang ginawa niya kay Gizelle.

"Daan muna tayo sa Pizza Parlor. Nagugutom na ako eh!"

Kahit kailan talaga. Puro siya pagkain. Buti hindi nat-turn off sa kanya si Margarette.

Nag-agree na lang ako dahil ayaw magpasundo ni Harley. Sa condo unit na lang niya ako didiretso at maghihintay mamaya. May spare key naman ako sa unit niya.

Hindi naman ganon katagal ang naging biyahe namin, dahil nasa kabilang kanto lang itong Pizza Parlor. Pero kapag minamalas ka nga naman. Nandito rin pala ang ex ni Harley. Inaya niya sina Gizelle at Dein na maupo sa table niya. Hinila lang ako ni Gizelle paupo sa tabi niya dahil hindi naman ako kasama sa inaya ng isa. Tsk.

"Where's my cousin? Akala ko ba mapapadalas na ang bonding niyo, dahil ilang taon kayong hindi nagkita?" Tanong ni Dein sa babaeng katabi niya.

"Inaya ko siya pero sabi niya may kailangan pa raw siyang gawin. Medyo malayo ang Stillford University dito kaya baka nag-inarte lang."

Nagsimula silang magtawanan dalawa at parang nakalimutan na nandito pa kami ni Gizelle. Ilang sandali lang ay nalipat ang tingin sa akin ng katabi ni Dein, at tinaasan pa talaga ako ng kilay. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya dahil nung huling beses na nagkita kami ay minaliit niya ako.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon