HarleyNapalayo ako at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. Kapwa kami hinihingal Mabilis na tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lap niya at inayos ang medyo nagulo kong suot na bathrobe. Nag-iinit ang pakiramdam ko at hindi nakatulong na hindi muna ako nagbihis ng dumating si Karen kanina at pati siya.
"Bakit? Upo ka lang dito." Hinawakan niya ang kaliwang braso at hinihila ulit paupo sa lap niya.
"Umuwi ka na."
Walang lingon na naglakad ako palayo sa kanya at pumasok sa loob ng kuwarto ko. Nag-lock na rin ako ng pinto in case lang na sundan niya ako at hindi nga ako nakamali dahil kumakatok na siya.
"Harley, buksan mo ang pinto."
"Umuwi ka na, Morrin."
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang ano man oras ay mage-explode na ito. Huling beses na nakaramdam ako ng ganito ay sa unang taong minahal ko noon.
Nang maramdaman na niya siguro na hindi ko na siya lalabasan ay siya mismo ang kusang umalis. Mas mabuti na rin iyon dahil ayoko muna siyang makita.
Kanina pa ako nakatitig sa kisame at hahawak sa mga labi. Hindi ko naisip na ako mismo ang magpapalalim ng simpleng dikit lang ng mga labi namin. I can't help it dahil nung unang beses na nagdikit ang mga labi namin ay may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa gusto ko na lagi kong nahahalikan mga nakakarelasyon ko.
Naitakip ko ang kaliwang braso sa mga mata ko dahil nakakaramdam ako ng panginginit ng buong mukha. Napabuntong hininga ako bago napatingin sa digital clock na nakapatong sa nightstand. 1:26AM na pala. Mabuti na lang wala akong pasok mamaya kaya ayos lang na tanghaliin ako ng gising.
I sighed. Bumangon ako at sumandal sa headboard. Pinili kong mag-open ng social media account para i-check. Marami akong Messages, Notifications at friend requests na hindi ko pa naa-accept. Naagaw ang pansin ko ng pangalan ng isang account.
arikA nirroM
Parang nararamdaman ko na kung sino ito pero mas magandang makasigurado muna ako. Iba kasi ang gamit niyang profile picture. Mukha ng isang anime character. Pinindot ko name niya para i-check ang account niya at hindi nga ako nagkamali. Ang daming likers kaya siya na talaga ito. Nagdadalawang isip ako kung ia-accept ko ba or hindi?
You are now friends with arikA nirroM
May sariling utak ata ang kamay ko at pinindot ang accept. Itatabi ko na sana ang phone ko pero bigla na lang siyang tumawag. May kakaiba akong naramdaman nang makita ang pangalan niya sa screen.
Aki is calling...
Hindi niya alam na may nickname na ako sa kanya.
(Ohmygosh! Ito ang unang beses na sinagot mo ang tawag ko since nung maging tayo!)
Nahihimigan kong masaya siya. Tama naman kasi na ngayon ko lang sinagot ang tawag niya kahit pa text messages niya ay wala na akong reply simula nung maging kami raw at malaman na siya si A.M.
"Napatawag ka?"
(Hmm... gusto ko lang mag-thank you dahil na-accept mo na rin ang friend request ng maganda mong girlfriend)
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Siya yung tipo ng tao na kahit ipagtulakan mo palayo ay hindi pa rin sumusuko. May mga bagay siyang ginagawa at hindi iniisip ang idudulot nito kung maganda ba o hindi.
"Wala akong girlfriend na maganda."
(Meron ah! At siya ang pinaka maganda at sexy'ng basketball player na si Akira Morrin)
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...