AkiraAlam ko kung ano ang nakita ko kanina. Ang expression niya kanina at ang aura niyang ngayon ko lang din nakita. Kakaiba sa lagi kong nakikita at nararamdaman.
Ito na ba?
"Aki?"
Nabigla ako nang kalabitin niya ako sa balikat. Humarap ako sa kanya habang hawak ng mga palad ang bola.
"Kanina ka pa nakatayo at nakatalikod sa akin, ayos ka lang ba?" Tumango lang ako.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Puno ako ng kaba na nagpapalamig sa mga kamay at paa ko. Parang nanlalambot din ang mga tuhod ko.
Ito na ba ang sinasabi ni Gizelle?
"Akira! Harley!"
Sabay kaming napalingon sa tumawag sa pangalan naming dalawa. Si Gizelle at Dein. Anong ginagawa nilang dalawa rito? Naglalakad sila palapit sa amin at nang makalapit ay huminto na. Ang lawak ng ngiti ni Dein.
"Bakit hindi niyo kami sinabihan na maglalaro pala kayong dalawa ng basketball?"
"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko habang nakataas pa ang isang kilay.
I feel in trouble dahil sa biglaan na pagdating ng dalawang ito at hindi ko alam kung bakit!
"Napadaan lang kami rito. Kanina pa namin kayo pinagmamasdan. Akala pa nga namin ay kahawig niyo lang ang nakikita namin, hindi pala." Paliwanag ni Gizelle. Mula sa noo ay sinuklay niya ang buhok para hawiin ang ilang hibla habang nakatitig sa akin. "Umpisahan niyo na ang one on one niyong dalawa. Kanina pa kami naiinip. Akala namin tatayo na lang kayo rito." Parang may gusto siyang iparating dahil sa kung paano niya ako titigan.
Parang hindi ko gusto kung ano man iyon.
"Doon muna kami sa gilid." Ngumuso siya sa direksyon kung saan ako nakatalikod. Naglakad sila at bago pa nila ako lagpasan ay may ibinulong si Gizelle sa akin. "Sana walang magbago after nito."
Sinundan ko lang siya ng tingin at may pagtataka. Sa dami ng pwedeng sabihin ay iyon pa. Wala naman talagang magbabago. Hindi naman ako ganon ka-immature para gawing personal ang one on one na ito. Gusto ko lang malaman kung totoo nga ba ang sinasabi nila at kung siya ba ang tinutukoy ni Danielle.
"Go! Harley! Talunin mo yang si Akira!"
Ang sarap batuhin ng bola sa mukha si Dein. Ang ingay-ingay. Hindi nakakatulong ang ginagawa niya dahil nakakaramdam ako ng pressure.
At ang nakakainis ay hindi ko alam kung bakit!
Huminga muna ako ng malalim para mawala ang pressure na nararamdaman ko. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. Hindi ko pa nakikita ang basketball skill ni Harley ng harap-harapan pero ganito na ang nararamdaman ko?
Nagsimula na akong mag-dribble. Pansin ko ang seryosong mga mata niya. Mukhang gagawin niya nga ang sinabi ko kanina. Mas magandang isipin na nasa totoong laro kami. Yumuko ako ng kaunti at inilipat sa kaliwang kamay ang bola. Sa bola lang nakatingin si Harley na halatang binabasa ang paggalaw nito.
Heto na.
Inilipat ko papunta sa kanang kamay ang bola at ibinalik ulit sa kaliwang kamay. Nang maramdaman ko ang paglapat ng bola sa palad ko ay doon na ako tumakbo. Sa right side niya ako dumaan at nakawala ako sa depensa niya. Napangisi ako dahil mukhang hindi naman totoo ang sinasabi nina Gizelle. Dahil walang kahirap-hirap na nakawala ako sa depensa ni Harley.
Hindi ko siya makita sa right side ko na humahabol sa akin. Mukhang naiwan ko na siya. Malapit na ako sa ring at isang easy layup ang unang score ko. Hinawakan ko ang bola at humakbang ng dalawang beses bago tumalon.
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...