CHAPTER 57

3K 101 24
                                    

Akira

Crossed arms na nakasandal ako sa bar counter, at naniningkit ang mga mata sa babaeng kasama ko. Nakaupo siya sa tapat ng undercounter wine cabinet at namimili ng kukunin.

Kakagaling lang namin sa food storage room nila, para lang kumuha ng limang packed chips! Request kasi ng ibang pinsan niya na ayaw kumain ng steamed pork meats. Puro green leaves lang kinukuha lalo na nung mga babae niyang pinsan. Isa sa mga nag-request ng chips ay ang makati niyang pinsan. Kung gusto pala niya edi sana siya na lang kumuha!

“Kanina ko pa nararamdaman ang tingin mo.”  Lumingon siya sa direksyon ko at mahinang natawa.  “Masamang tingin pala.”  Naiiling na dagdag pa niya.

Annoyed na bumuntong hininga naman ako.  “Kung gusto pala niya ng chips, dapat siya na lang isinama mo.”  Hanggang ngayon naiirita pa rin ako.

Nung sabihin ng mga pinsan niya na makakasira raw sa diet nila ang meat? Nag-land sa akin ang tingin ni Dein, at balak ko sana tumanggi. Kaso hindi ko pa naibubuka ang bibig ko nang hatakin niya ako paalis. Hindi tuloy ako nakapagpaalam kay Harley. Baka hinahanap na ako.

“Si Cath ba? Ganon mo ba talaga siya ka-dislike kaya lagi kang bad mood kapag nakikita siya? Pero mabait naman yon.”  Naiiling na sabi pa niya bago tumayo. May hawak na siya dalawang bottled wines. “Ikaw na pala magdala niyan, may hawak na ako eh.”  Natatawang tukoy niya sa mga kinuha namin sa loob ng storage room nila.

Ikot matang binitbit ko ang mga packed chips at sumunod sa paglalakad niya.

Normal lang naman ang pace ng mga hakbang naming dalawa. Nagh-hum pa nga si Dein. Pag-hum na nga lang masakit pa sa tenga, what more kapag kumanta pa siya?

Huminto lang siya sa ginagawa nung may maisip sabihin.

“Akira...”

“Oh?”

Malapit na kaming dalawa sa living room. Naririnig ko pa nga ang mga tawanan at kantyawan ng mga pinsan niya.

“Feeling ko hindi natin mababawi sa Walker University ang title sa Summer Cup.”

May kunot sa noo na nalipat kay Dein ang tingin ko, na kanina lang ay nasa harap. Napaikot ako ng mga mata dahil ang nonsense ng sinabi niya.

How could she say that right in front of me? Nakalimutan na ba niya kung sino ang kaharap niya?

“C'mon, I'm back. Nakuha lang naman nila ang title because I wasn't there pero, ngayon sigurado na ang panalo natin. Sisiw lang mga yan.”

Biglang huminto sa paglalakad si Dein at ganon din ako. Hindi makapaniwala ang nababasa ko sa reaction niya.

“Wow,”  Mahina siyang natawa pero, pilit.  “Iba talaga ang confidence mo. Kaya nang magpatumba ng pinaka mataas na gusali sa buong mundo.”  She sounded sarcastic pero, hindi ko na lang pinansin.

Confident naman talaga ako. Dahil alam ko sa sarili na ako ang pinaka magaling sa lahat, at walang makakatalo sa akin. I'm the top and always will be.

Xyrish Montenegro?

Karen Roque?

Danielle Lorenzo?

Wala silang binatbat sa akin. Dahil lahat sila ay mga talunan.

“Hindi magtatagal makakahanap ka rin ng katapat, at baka nga iyon pa ang magpabagsak sayo.”

Bumalik ang atensyon ko sa kanya pero, nagsisimula na siyang maglakad kaya sumunod ako.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon