Akira
Nakahiga ako sa damuhan kasama sina Dein at Gizelle. Nakasandal sila sa katawan ng puno. Kapwa sila busy magkalikot sa phone nilang dalawa. Tiningnan ko ang phone ko kung may message na ba galing kay Harley pero wala. Kagabi pa siya walang sagot sa mga text messages ko at kahit pa ang tawag ko. Pinuntahan ko siya kanina sa unit niya bago ako pumasok pero wala na siya at maagang umalis.
Napapansin ko na napapadalas na ata ang pag-a-upload ni Gillan ng photos sa Social Media account niya na nasa student council siya. Nasa background si Harley na busy sa pagbabasa ng mga folders sa ibabaw ng table niya.
Napabangon ako at naniningkit ang mga mata na tumitig kay Gizelle. Kakambal niya ang malditang 'yon na anghel kung kumilos sa harapan ni Harley.
"Oh? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Tanong niya nang mapansin ang ginagawa ko.
"Anong problem ni Gillan?" Inis na tanong ko.
"Ha?"
"Gizelle! Bakit lagi silang magkasama ni Harley?!"
"Ah, hindi ko alam. Hindi naman kami schoolmate para malaman ko at hindi rin kami masyado nakakapag-usap sa bahay." Sagot nito at muling itinuon ang tingin sa phone niya.
"Student council President ang girlfriend mo kaya asahan mong mawawalan siya ng time sayo." Pagsali ni Dein sa usapan pero ang atensyon niya ay nasa paglalaro ng games sa phone.
Humiga ulit ako sa damuhan at namayani na naman ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Ang tanging maririnig lang ay ang putok ng baril sa nilalaro ni Dein.
Nami-miss ko na talaga siya!
Bumangon ulit ako at tumingin sa wristwatch. Uwian na nila pero didiretso pa yon sa Student Council.
"Hoy! Saan ka pupunta?! May practice pa tayo!" Sigaw ni Gizelle nang magsimula na ako maglakad palayo sa pwesto nila.
"Pupuntahan ko lang ang girlfriend ko, at hindi muna ako magpra-practice ngayon!" Walang lingon na sigaw ko rin.
"Walanghiya ka talaga Morrin! Sa Wednesday na ang laban natin sa Stillford University!"
Hindi na ako sumagot pa. Malapit na pala ang laban namin sa team nila Karen at sigurado ako na maraming pupunta sa laban namin. Syempre maraming makakakita kung paano namin lalampasuhin ang team nila. Napangisi ako sa isiping mapapahiya na naman si Roque at isama na rin si Lorenzo.
Hindi naman nagtagal ang biyahe ko. 5:47 ng hapon ako nakarating sa school nila Harley. Pinakita ko ang School ID ko sa guard at nagtaka ito nang makita kung saan school ako nag-aaral.
"Ano po ang kailangan niyo?"
"Gusto ko lang bisitahin si Harley Stillford."
"Ah, kaibigan o suitor po ikaw?" Tumaas ang isang kilay ko sa tanong niya. "Marami na po kasi kaming na-encounter na si miss Harley ang laging hinahanap. Pero hindi namin pinapapasok para po sa security niya."
Aba, mga loko yon ah! At wala akong alam na pagdating kay Harley ay mas mahigpit ang guards nila.
"Hindi niya ako kaibigan o suitor, girlfriend niya ako." Nagsisimula nang mag-init ang ulo ko.
"Ma'am may patunay po ba kayo? Marami na rin kasing nagsabi niyan pero hindi naman pala totoo."
What the! Pinagtri-tripan niya ba ako?! At tama ang narinig ko? Maraming nagsasabi na girlfriend sila ni Harley?!
Kinuha ko ang phone ko at pinakita ang huling convo namin ni Harley kung saan nag-I love you pa siya. Kahit ipinakita ko na ay hindi pa rin ito naniniwala.
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomantizmSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...