Chapter 53

1.8K 85 5
                                    

Harley

Kakatapos ko lang kumain habang si Aki ay hindi pa nangangalahati sa dish na nasa harapan niya. Naiintindihan ko naman kung bakit. Maraming customer ang nagpapa-picture sa kanya.

Mahirap talaga maging sikat. Kahit gusto mo magkaroon ng tahimik at maayos na dinner sa lugar katulad nito, hindi mo magagawa.

Nalipat ang tingin ko sa bag nang mapansin ang pag-ilaw ng phone ko. Hindi nakasara ang bag ko kaya nakikita ko ang phone ko ngayon. Wala sana akong balak sagutin kung si Cathy na naman ang tumatawag, kaso caller ID ni Mom ang nasa screen.

"Aki, pupunta muna ako ng restroom." Paalam ko.

Gusto pa nga sana niyang sumama sa akin pero pinigilan ko. Hindi pa nga siya tapos kumain. Kaya sinabihan ko na ubusin na muna niya, para pagbalik ko ay aalis na kami.

Tahimik at bukas ang lahat ng cubicle nang pumasok ako sa loob ng restroom. Kinuha ko ang phone sa loob ng bag at sinagot ang tawag.

"Mom..."

Tahimik ang kabilang linya kaya naririnig ko ang breathe niya. Hindi ko maiwasan na matawa sa isipan ko. Dahil kahit sa paghinga lang niya ay mararamdaman mo ang fierce at pagiging firm niya.

[Mukhang hindi masaya ang bunso namin sa pagtawag ko? Naistorbo ko ba ang date niyong dalawa?]

"N-Nandito rin po ba kayo?" Kinakabahan na tanong ko. Pero tahimik ang kabilang linya kaya imposibleng nandito rin siya.

[I'm here in my office...] Huminto siya at may naririnig akong tunog na katulad sa paglilipat ng pages. [and I know your whereabouts, Harley. Kaya ipapaalala ko ulit sayo na wag kang gagawa ng kalokohan, na magiging kahihiyan sa pamilya natin. Hindi pa ba sapat na kahihiyan ang pagiging gay mo?]


Pagkatapos ay in'end na niya ang tawag. Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone dahil sa huling linya na sinabi niya.

When will she accept me?

Inilapag ko sa sink ang phone ko at pinagmasdan ang sariling reflection sa salamin. Sabi ng iba malaki raw ang resemblance ko kay Mom, at minsan nang nasabi sa akin ni Dad na habang tumatagal, ay mas lalo ko pa raw nagiging kamukha si Mom. Para na raw kaming kambal. Sinasabi rin ng iba na ako ang young version niya. Siguro kung isang bata o ibang babae ako ay matutuwa ako, pero hindi. Hindi ako natutuwa. The more na sinasabi nila ang mga iyon? The more na hindi ko na nakikilala ang sarili ko. Parang nabubuhay ako na walang sariling mukha.

I am only a resemblance, a young version of my mother, and I'm starting to dislike this face. Hindi ko alam kung dapat ko ba sabihin na akin ang mukha na 'to. Dahil si Mom ang laging nakikita nila sa akin.

Natigil ako sa iniisip nang makarinig ng tawanan. Mula sa salamin nakita ko ang pagpasok ng tatlong babae sa loob ng restroom. Nakuha ang attention ko ng mga suot nila, green na uniform, at sa left side ng blazer nila nakalagay ang logo ng Hayes University. Nag-uusap at tawanan sila pero nahinto nang makita ako. Naglakad ang dalawa palapit sa harapan ng salamin, habang ang isa sa kanila ay pumasok sa cubicle.

Nagtama ang tingin namin ng babaeng raven ang buhok, at nakataas ang isang kilay niya.

Ako na ang nag-iwas ng tingin. Sobrang tahimik at tila nagpapakiramdaman kami.


"Mine?"

Pumasok sa loob ng restroom si Aki at may ngiti sa mga labi. Pero, natigilan siya nang malipat ang tingin sa dalawang babae na narito rin. Tumaas na rin ang kilay niya at nararamdaman ko ang nabubuong tensyon sa pagitan nila. Kaya naman lumapit na ako sa kanya.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon