ʜᴀʀʟᴇʏ
________"Ma'am nandito na po tayo."
Tila nagising ako sa mahabang pagkakatulog nang magsalita ang taxi driver.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at ang una kong napansin ay ang malaking gate ng Village. Dahil sa pag-o-overthink ko, hindi ko namalayan na narito na pala kami.
Matapos kong magbayad lumabas na ako at naglakad palapit sa maliit na gate, katabi nito ang isang guard house. Inabot ko sa isang guard na nakaharap sa computer ang black colored plate na resident ID ko. Ginamit niya ang scanner para i-verify ang identity ko.
Isa itong exclusive village. Karamihan sa mga nakatira rito ay mga politicians at may ari ng malalaking company o corporation. Kaya ganon na lang kahigpit ang security dito.
Hindi naman naging matagal ang security check sa akin. Matapos ma-verify na resident ako rito, sila na ang naghatid sa akin.
"Good morning, Ma'am."
May ngiti sa labing bati sa akin ni kuya Nestor, labing-dalawang taon na siyang nagsisilbi sa pamilya namin. May bago siyang kasama, nakatulala ito habang nakatitig sa akin. Kaya siniko ni kuya Nestor ang katabi kaya naman taranta itong bumati sa akin.
"Pasensya na po ma'am, bago lang siya."
"Ayos lang po." May ngiti sa labing sagot ko at nagpaalam na papasok sa loob.
Habang naglalakad, pinagmamasdan ko ang paligid. Parang kailan lang. Halos walang ipinagbago ang landscape.
Tumigil ako sa tapat ng main door ng bahay namin. Hahawakan ko pa lang ang doorknob nang bigla itong bumukas.
"Ma'am," May ngiti sa labing nilakihan ni Sita ang pagkakabukas ng pinto. "Natanaw kita habang nagpupunas ako ng bintana."
Mahina akong natawa dahil nandon ang nahihiyang ngiti niya. Medyo magulo pa ang nakatali niyang buhok, at pinagpapawisan din siya. Siguro kanina pa siya nagpupunas. Malalaki pa naman ang salamin sa mga bintana kaya hindi talaga ganon kadaling punasan.
Halos magkalapit lang ang edad namin, ahead nga lang siya ng dalawang taon sa akin. Kaya nga sa lahat ng kasambahay dito, siya ang pinaka close ko.
"Nasaan po ang gamit mo?" May pagtataka na tanong niya.
"Next week pa ako mag-e-stay dito." Sagot ko at saglit na sumulyap sa end ng staircase sa second floor. "May kukunin lang ako sa room ko at aalis din agad."
Hindi naman siya nagtanong kung ano ang kukunin ko, dahil nagpaalam din siya na babalik sa pagpupunas.
Tinungo ko ang sariling silid at hinanap ang sinadya ko rito. Hindi naman naging pahirapan ang paghahanap ko, dahil nakita ko agad ang box ng phone sa ikalawang drawer.
Umayos ako ng tindig at napako ang tingin ko sa mga picture frames na nasa ibabaw ng cabinet. Lumapit ako rito at muling itinaob ang tatlong picture frames.
Parang panaginip lang ang lahat ng childhood memories ko with Mom.
Napabuntong-hininga ako at humarap na sa direksyon ng pintuan pero, ganon na lang ang gulat ko nang makita si Mom. Nakasandal siya sa doorframe habang naka-cross arms and her usual expressionless face. Kakabangon niya lang siguro. Dahil nakasuot pa siya ng itim na nightie at pinatungan ng black silky robe.
Bumaba ang tingin niya sa hawak ko bago muling bumalik sa mga mata ko.
Nag-iwas ako ng tingin at naglakad palapit sa pinto. Walang salita na nilagpasan ko siya.
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomansSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...