AkiraNakamasid lang ako sa magandang babaeng nasa harapan ko. Nakangiting pinapanuod ko siya habang naghahain ng pagkain sa ibabaw ng table.
Pakiramdam ko nga ay live-in partners na kami. Pero masyado pa kaming bata para pumasok sa ganon. Umupo siya sa tabi ko nang matapos sa ginagawa. Hindi ko naman maiwasan mapapikit nang malanghap ko ang natural scent niya.
Nakakabaliw...
"Aki?"
Napamulat ako at nagtatakang napatingin sa kanya. "B-bakit?"
"Ang creepy ng ngiti mo."
"C-creepy?" Medyo natawa ako roon. "Ang bango naman kasi ng Mine ko." Niyakap ko siya at inamoy ang leeg niya.
"Mamaya mo na ubusin ang amoy ko, itong pagkain na muna natin ang unang ubusin mo."
Bumitaw na ako pero humirit pa ako ng isang kiss sa cheeks niya. Ngumiti siya at sinubuan pa ako. Ugh! Sweet ng girlfriend ko.
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresinta na maghuhugas ng mga plato. Marunong ako dahil nagpaturo ako sa kanya. After ko maghugas ay naabutan ko siyang nakatayo sa harapan ng bintana. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.
"May problema ba?" Masyado kasing seryoso ang facial expression niya habanh nakatingin sa baba. Makikita mula rito ang ilaw ng mga sasakyan sa highway.
"Wala naman."
"Kung may gumugulo man sa isipan mo? Nandito lang ako at handang makinig."
Napansin ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Si Mom..."
"Bakit?" Tanong ko kahit na alam ko ang sagot.
"Halos tatlong buwan siyang hindi nagparamdam pero kahapon, nag-message siya."
"Anong sabi niya?" Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya at nakakaramdam din ako ng kaba.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin para harapin ako. "Kilala mo ba ang number one business Tycoon sa buong bansa natin?" Umiling ako. Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan dahil sa basketball lang ako naka-focus. Masyado pang maaga para ipatakbo sa akin ng parents ko ang family business namin. "Si Ricardo Villafuerte at ang isa sa mga anak niya ay nag-aaral sa Stillford University."
Napalunok ako at mas lalong tumindi pa ata ang kabang nararamdaman ko. Muling nagpatuloy si Harley.
"Villafuerte is one of our family friends. Laging kasama ang arrage marriage para mas mapalago ang business at mapatatag ang partnership."
Nanginginig na napahawak ako sa dalawang kamay niya. "D-Did s-she..." Hindi ko matuloy dahil naghahalo na ang nararamdaman at iniisip ko.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para halikan ako sa labi. Ngumiti siya nang matapos. "Shhh... Don't worry. Nakausap ko na si Luke, Tito Ricardo's son. Naiintindihan niya kung ano ang mayroon sa ating dalawa, because his sisters are in love with a girl too. So, he will help us para hindi mangyari ang arrange marriage. Besides hindi rin siya payag."
Sa sinabi niya ay nakahinga ako ng maluwag. I want to meet that guy para pasalamatan, unlike Aldwin Soriano. Tsk. Itsura pa lang halatang pervert na.
-
NGAYONG araw ang huling practice ng team dahil bukas na laban namin. Kailangan namin talunin ang team ng SU para manatili kaming top team at para na rin sa back-to-back title.
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...