✴ Chapter 22

9.4K 417 11
                                    


Akira

Lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin. Parang isang piece ng gem ako na kanilang kinikilatis. Kung tunay nga ba or hindi. Nasa living room kaming lahat at kanina pa magkausap sina Harley at ang Mom niya. Nag-aalala ako.

"Talaga bang girlfriend ka ni Ley?" Curious na tanong ng kuya niya. "Wala pa ata ang three months rule ng moving on. Wala pa ngang one month eh."

"Kuya." Saway ng ate niya at sa pagkakaalala ko ay Angeline ang pangalan nito.

Siya ang unang nakaalam sa relasyon namin. Sa totoo lang ay malaki ang pagkakahawig ni Harley sa Mom niya. Nakuha niya ang kulay berdeng mga mata nito. Ang kuya at isang ate niya ay katulad sa Dad nila na blue ang mga mata habang si ate Angeline ay blue-green.

"Nakakapagtaka lang naman kasi. Ay! oo nga pala. Maraming babae si Ley. Tinalo pa ako."

Tumawa ang mga nandito sa sinabi ng kuya niya. Ang dalawang ate naman ni Harley ay napailing. Dito na rin matutulog sina Gizelle at nakagawian na ng pamilya nila iyon.

"Akira."

Natahimik ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa at napatingin sa akin. Ako naman ay nakatingin lang sa Dad nila Harley na seryosong nakatitig sa akin. Kinakabahan ako. Paano na lang kung hindi nila ako tanggap? At mas boto sila kay Karen? Lintik na Roque yan.

"Sa lahat na naging girlfriend ni Ley ay ikaw pa lang ang dinala niya rito sa bahay at isinama sa family dinner namin."

Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Gizelle. Tinanguan lang ako nito kaya bumalik at tingin ko kay Mr. Stillford.

"Oo nga noh? Si Karen kasi hindi sinasama ni Ley dito sa bahay dahil mainit ang dugo sa kanya ni Mom." Sang-ayon ng kuya niya.

Bakit ba ayaw tanggapin ng Mom nila si Harley? Siya ang magulang nito. Dapat siya ang unang makaunawa at makaintindi sa pinagdadaanan ng anak nila.

"Sana naman ay ikaw na ang last girlfriend ng bunso namin. Dahil nung high school siya ay sumasakit ang ulo namin. Marami kasi naghahanap sa kanya rito sa bahay." Medyo natatawa ang Dad niya na parang may naaalalang nakakatawa.

"Pero sana talaga ay walang maghahanap sa kanya at sasabihing nabuntis niya."

Nagtawanan ang lahat kasama na ako sa sinabi ng kuya niya. Masaya pala talaga kasama ang pamilya ni Harley. Sigurado akong nami-miss na niya ang buhay rito sa bahay nila. Lalo na ang makasama ang pamilya niya.

"Kuya, mas sasakit ang ulo nila Dad kapag maraming naghanap sayo at mga buntis." Bawi ni ate Hannah.

"Ayaw niyo non? Nagkakalat ng magandang lahi ang kuya niyo."

"Ang kapal." Irap sa kanya ni ate Hannah at ate Angeline.

"Bro, sayo ata nagmana si Ley sa dami ng chicks na naghahabol sa kanya." Gatong ni kuya Gret, ang kuya ni Gizelle.

Ang kwela nila at ang sayang mapabilang sa pamilya nila. Minsan lang namin makasama ni Taki sina Dad at Mom dahil busy ito sa company namin sa Cebu.

Pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin kaya sinubukan kong ilibot ang paningin ko. Nakita kong masamang nakatingin sa akin si Gillan, ang twin ni Gizelle. Hindi sila identical twins pero maldita ang babaeng 'to. Sobrang laki ng kabaliktaran nila ni Gizelle.

I smell something fishy here.

Natahimik ang lahat nang pumasok sa living room si Harley. Napatayo ako nang makitang namumula ang gilid ng labi niya. Lalapit sana ako pero si Gillan ang nagmamadaling lumapit sa kanya. Hindi ko gusto kung paano niya hawakan ang mukha ng girlfriend ko.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon