✴ Chapter 28

9.1K 424 52
                                    


Akira

"Ako na ang magbabantay kay Lorenzo." Bulong ko kay Gizelle. Lumingon siya sa akin na may pagtataka. "Basta."

"Ikaw ang bahala pero lagot ka kay coach, si Roque ang na-assign na bantayan mo."

"Bahala siya magalit, hindi naman siya ang naglalaro."

Napailing siya sa sinabi ko.

Kasalukuyan naming hinihintay ang pagsisimula ng second half. Tumingin ako sa direksyon ni Lorenzo na umiinom ng tubig. Naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya. Nagtama ang tingin namin at nakita ko ang palihim na pag-angat ng gilid ng labi niya.

That's it. Balato lang para sa kanya ang first half.

Sa kanila ang ball possession at si Danielle ang nagtawid nito papunta sa court nila. Tumakbo ako palapit sa kanya at si Gizelle naman ang nagbantay kay Karen.

"Bakit ka nakipagpalit?"

Nginisian ko siya bago i-spread ang mga braso ko para harangan siya papunta sa ring. "Bakit? Natatakot ka bang malampaso ko ng paulit-ulit?"

"Hindi."

Tumalikod siya sa akin at pilit na sinisira ang depensa ko sa pasimpleng pagbangga niya. Tumakbo siya papunta sa right side kaya sumunod ako pero may humarang sa akin, si Roxane. Malayang nakapasok si Lorenzo palapit sa ring nila pero ipinasa niya ang bola kay Ellen na nasa right wing. Si Dein ang nagbabantay kay Ellen kaya hindi ito makaporma para makapag-shoot. Napansin ko na nawala si Lorenzo sa gitna ng ring kaya hinanap ko agad siya. Nag-overhead pass si Ellen at nakita ko na lang si Lorenzo na nasa corner ng left wing at nasa labas ng three-point-line. Bago pa ako makalapit ay natira na niya ang bola. Nagsigawan ang mga supporters nila nang pumasok iyon.

Inis na kinuha ko ang bola bago lumabas ng court at ipinasa kay Gizelle. Nakakainis, naisahan ako.

"Kalma lang, mawawala ka sa concentration kapag nagpadala ka sa inis mo."

Tumango na lang ako kay Gizelle. Ipapakita ko kay Danielle na hindi niya ako kayang talunin. Hinihingi ko ang bola pero kay Captain naman niya ipinasa. Alam naman niyang babawian ko pa ang Danielle Lorenzo na yon eh!

Nagtaka ako sa sigawan ng mga tao at nakita ko na lang na patakbo na si Danielle sa kabilang court kaya hinabol ko siya. Na-steal niya pala ang bola. Mabilis na nakasabay ako sa pagtakbo niya nang bigla siyang huminto at itinira ang bola. Sinubukan kong mai-block siya kaso ang nakakainis dumikit ang kamay ko sa braso niya bago itinira ang bola. Natawagan tuloy ako ng foul at may additional one free throw siya dahil pasok din ang tira niya kanina. Naipasok niya rin ang bonus shot.

"58 - 43." Sabi niya habang nakatalikod bago tumakbo pabalik sa court side namin.

Hindi sinasadyang madako ang mga mata ko kay Harley. Nakatingin siya kay Danielle, those beautiful green eyes ay humahanga kay Lorenzo!

No!

I need to stop her. Kapag nagpatuloy ito ay malalamangan na niya ako sa atensyon ni Harley. Tumakbo ako papunta sa court namin at nang mahawakan ko ang ipinasang bola ni Dein ay tumawag ng timeout si Coach.

"Akira, ano bang nangyayari sayo? Kakasimula pa lang ng third quarter ay naka-foul ka na agad."

Hindi ko pinapakinggan si coach. Naiinis ako sa nakita ko kanina. Bakit ganon ang nakita ko sa mga mata niya? Sinabi ko na kasing sa akin lang siya titingin eh! Dahil alam kong pwedeng mangyaring humanga siya sa iba at nangyayari na nga.

Nakasimangot akong sumulyap kay Harley at nakatingin din pala sa akin. Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. Pampalakas ng loob ang ngiting iyon at sa akin niya lang ginawa iyon. Ibinalik ko ang atensyon sa itinuturo ni Coach. Nakalimutan ko ang inis na nararamdaman ko dahil sa ngiti ni Harley. Hays.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon