✴ Chapter 46

9.6K 254 83
                                    

Akira

Nasa akin ang bola at kasalukuyan itong dini-dribble. Nag-iisip din ako kung anong opensa ang epektibo para makawala ako sa depensa niya at makapuntos.

Hindi ko inasahan na talagang seseryosohin niya ang one-on-one naming dalawa. Nihindi nga niya ako hinahayaang makapuntos dahil sa tuwing nakakalapit na ako sa ring at nagsisimulang tumalon ay wala na sa kamay ko ang bola. Hindi ko alam kung paano yon nagagawa ni Harley at kakaiba ang bilis ng mga kamay niya.

"Akira! Ano na?! Tutunganga ka na lang ba dyan?! Aba kung sa totoong 5 x 5 'to, mauubos mo na ang 24 seconds shot clock!"

Bwisit na Dein 'to. Kahit kailan talaga walang kuwenta at naitutulong ang mga lumalabas sa bibig niya.

Mas lalo tuloy akong hindi makapag-isip ng maayos dahil sa pinaggagawa ni Dein. Bukod sa naiirita ako sa kadaldalan niya? Nadi-distract ako sa panlalamig ng pawis ko pati na rin ang panginginig at panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa lamig ng panahon. Imposibleng wala na akong stamina para makaramdam ng panghihina at panginginig ng mga tuhod. Dahil hindi naman ito katulad sa tunay na laban, na umaabot sa 40 minutes ang buong laro.

Hindi ko talaga maintindihan itong nararamdaman ko. Sinabayan pa ng malakas na kabog sa dibdib.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na ma-o-out balance na pala ako. Para hindi ako matumba ay inihakbang ko ang kaliwang paa ko. Pero isang pagkakamali iyon. Dahil sa paghakbang ko ay kasabay non ang paglapit kay Harley ng kanang kamay ko na may hawak sa bola. Na-swipe niya ito at tumakbo palayo sa akin. Nanatili lang siyang nakatayo sa right wing ng court habang nagdi-dribble at hinihintay ako na lumapit sa kanya.

Malalim ang naging paghinga ko bago naglakad palapit sa kanya.

"Hindi ko inasahan na ganito ka pala ka-seryoso kapag basketball ang usapan."

Sumilay muna ang ngiti sa labi niya bago tumugon. "Ngayon lang ulit ako mas ginanahan sa paglalaro ng basketball dahil ikaw ang ka-one on one ko."

Parang isang adrenaline ang sinabi niya at kusang nabuhay ang katawan ko, pati na rin ang confidence ko sa sarili. Medyo nabawasan rin ang kakaibang nararamdaman ko kanina pa.

Lumawak naman ang ngiti sa mga labi ko. "Kahit sino gaganahan talaga, Basketball Princess kaya ang makakaharap nila."

Isang ngiti na may halong giggle ang tanging naging sagot niya. Cute.

"Harley," Sumimangot ako. "Bawal magpa-cute habang nasa gitna ng laro sa basketball. Isa yon pandaraya."

Ganito rin ba ang nakikita ni Karen nung sila pa? Dahil nung unang beses na makita ko silang magkasama at malaman na siya ang girlfriend ni Karen, naglalaro silang dalawa ng basketball.

Bwisit. Sa isipin pa lang na naging girlfriend niya ang katulad ni Karen Roque na isang talunan? Ako na ang nasusuka para kay Harley. Lalo na kung magkasama silang dalawa pero mas lalong nakakasuka kapag nag-I-I love you sa kanya si Karen at nakikipaghalikan siya sa babaeng yon. Nakakadiri talaga.

Isang mahinhin na tawa ang maririnig mula sa kanya. "Sino nagsabing nagpapa-cute ako?"

Natigil ako sa pinag-iisip ko nung nalipat sa kanang kamay niya ang pagdi-dribble sa bola. Nakatagilid siya kaya hindi ko rin maabot ang bola para ma-steal sana.

Napansin ko rin na nag-bend ng kaunti ang tuhod niya at senyales na anong mang segundo ay bigla na lang siyang susugod.

Umikot ang katawan niya ng pakanan at sa pag-ikot niya ay hindi niya isinabay ang bola. Dahil habang dini-dribble ay isang mabilis na pag-ikot ang ginawa niya kaya naman nahawakan ng kaliwang kamay niya ang bola nang hindi binabago ang direksyon ng bounce nito. Kasabay din ng paglapat ng bola sa palad ng kaliwang kamay niya ay ang pagtakbo niya patungo sa left wing.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon