✴ Chapter 6

11.2K 395 14
                                    

Harley

Masakit na ulo ang sumalubong sa akin nang magising ako. Hindi muna ako bumangon at hinilot ang sentido. Hindi talaga ako sanay uminom ng alcoholic drinks. Kahit nga kalahating laman ng bote pa lang ang naiinom ko ay tinatamaan na agad ako.

"Inom pa ha?"

Nagmulat ako ng mga mata at tumingin sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Nakasandal siya sa door frame at naka-cross arms. Naglakad siya palapit sa kama at humiga sa tabi ko.

"Babe, kahit bagong gising ka pa lang ay sobrang ganda mo pa rin." Isiniksik niya sa leeg ko ang mukha niya at nilaro ang mga daliri sa kaliwang kamay ko.

Nanatili lang kami sa ganong posisyon nang may mapansin ako. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi dahil ang huling natatandaan ko ay may humila sa akin.

"Babe?" Tawag pansin ko sa kanya.

"Bakit?"

"Paano o sino ang nag-uwi sa akin dito?" Naguguluhan pa rin ako. Wala naman kasi akong napagsabihan na pupunta ako sa bar.

Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot sa tanong ko.

"Ako, nakita kitang pumasok sa bar nung mapadaan ako roon kaya sinundan kita at hinayaan munang uminom bago inuwi."

"Ah..." Kung ganon ay nakita niya rin ang paghila sa akin ni Cathy? "Nakita mo rin si Cathy?"

"Cathy?"

"Oo, nandon din kasi siya."

"O-Oo nakita ko rin siya. Hindi ka pa rin ba niya tinitigilan?"

"Parang ganon na nga pero hayaan na lang natin."

"Tulog muna tayo, maaga pa." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin ako nakakatulog ulit. Habang si Karen ay mahimbing nang natutulog sa tabi ko. Hanggang ngayon kasi ay may gumugulo pa rin sa isipan ko. Ang huling natatandaan ko ay may humatak sa akin mula kay Cathy at hindi familiar sa akin ang boses na narinig ko. Napabuntong hininga ako at pilit na iniwaksi sa isipan ang gumugulo sa akin. Baka sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na-recognize ang boses niya. Imposible rin na magsinungaling sa akin ang girlfriend ko.

Pinagmasdan ko muna ang mukha ni Karen bago tuluyang nakatulog na. Nagising na lang ako sa mahinang pagtapik sa balikat ko. Nagmulat ako ng mga mata at ang una kong nakita ay ang maganda niyang ngiti. Nalipat ang tingin ko sa spatula na hawak niya.

"Lunch time na Princess."

"Susunod na lang ako."

Tumango lang siya at hinalikan ang noo ko bago umalis. Nanatili akong nakahiga bago napagdesisyunan na bumangon na. Maliligo na muna ako para naman mabawasan ang hangover ko. Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko siyang nakaupo na sa harapan ng lamesa. Nang makita niya ako ay inaya na niya akong kumain.

"Wala ba kayong practice?" Tanong ko sa pagitan ng agahan namin.

"Meron pero mamaya pang 3pm, babantayan muna kita rito."

Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Bakit naman niya ako babantayan?

Hindi kaya... alam na niya? Na ang white roses sa vase na nasa ibabaw ng coffee table ay hindi ko binibili? Kundi may nagpapadala sa akin. Pero kung alam na niya ay kanina pa niya dapat ako na-confront.

Pinagmasdan ko muna siya bago nagsalita. "Hindi naman ako aalis. Dito lang ako sa unit buong weekend."

"Basta..."

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon