Akira
Kakahinto ko pa lang sa position ko nang bantayan agad ako ni Danielle. Umangat ang gilid ng labi ako na ikinakunot ng noo niya.
"Masyado kang pasikat. Ang tanong? Naa-appreciate ba ng pinapasikatan mo?"
"At least, hindi ako katulad mo na ginawa siyang bola ."
"Hindi ko siya ginawang bola." Madiin na sagot ko.
Tumakbo ako palapit kay Gizelle na nasa right wing ng court. Ipinasa niya sa akin ang bola. Hinarangan ako ni Lorenzo nang makalapit ako sa ring. Nag-dribble ako sa kaliwang kamay bago nalipat sa kanan.
Gusto mo ng one on one ha? Papakitaan kita.
Humakbang ang kanang paa ko paabante na ikinasunod niya. Gamit ang kaliwang paa, mabilis na itunulak ko ang sarili paatras. Nang parehas lumapag ang dalawang paa'y tumalon ako. Hindi siya nakapag-react agad.
Lahat ay napasunod sa bolang itinira ko at nang pumasok ay nagsigawan ang mga manonood. Nginisian ko si Lorenzo nung tumingin siya sa'kin. Wala naman siyang naging sagot pero sigurado akong babawi siya.
Hawak ni Ellen ang bola habang nakatayo sa three-point-line. Si Dein ang nagbabantay sa kanya. Nasa right wing si Karen at nasa left wing naman si Danielle na kasalukuyang binabantayan ko. Tumakbo si Danielle papunta kay Ellen kaya hinabol ko siya. Ipinasa sa kanya ang bola at palapit na sana ako sa kanya pero, nahinto ako nang humarang si Karen sa harapan ko. Kaya naman si Gizelle ang nagbantay kay Denielle. Hindi ako makalapit dahil sa pagbabantay na ginagawa ni Karen.
Nakatakas naman ako nang lumuwag ang depensa niya. Tumakbo ako palapit kay Danielle pero pataas niyang ipinasa ang bola at napasunod ako rito. Papunta kay Karen ang bolang dumaan sa ibabaw ko. Wala siyang bantay kaya nakapag-jump shot siya at pumasok ang tirang 'yon.
Lorenzo and Roque's connection.
Nasa kabilang court na ang SU at nakahanda agad ang depensa nila. Kasabay ko naman tumakbo si Gizelle. Nang makarating sa court namin ay ipinasa niya kay Dein ang bola na kanina pa hinihingi. Umaatake siya sa loob pero hindi niya napansin si Jaz na nasa likod niya at natapik ang bola. Nakuha ni Ellen ito at ipinasa kay Denielle na tumatakbo na papunta sa court nila. Hinabol namin ni Gizelle pero malayo na siya at nakapag-lay up. Pasok ang bola.
Napatawag ng timeout si coach dahil sa larong ipinapakita namin. Inis na kinuha ko ang towel na inabot ng isang teammate ko pati ang energy drink.
"Akira, ano bang nangyayari sayo? Iniiwan mo ang binabantayan mo. Imbis na bantayan mo si Karen iniwan mo pa."
Hindi ako sumagot at uminom na lang. Matapos ako pagalitan ay nagpaliwanag siya ng sunod na gagawin. Pumasok din kami sa loob ng court matapos ang timeout.
Kasalukuyang inaayos ko ang pagkaka-tuck in ng jersey ko nang lumapit si Gizelle sa akin.
"Sinadya ni Karen na palusutin ka para malibre siya."
Kaya naman pala biglang lumuwag ang depensa niya kanina para hindi ako makalapit kay Danielle.
Tumingin ako sa taas para makita ang minuto at score. 2-6 ang score at lamang ng apat na puntos ang kalaban. Nasa 08:29 pa sa 1st quater. Masyado pang maaga para magdiwang ang SU.
Ako ang nag-in-bound ng bola para sa team. Tumakbo ako at sinundan din ako ni Danielle. Naiinis ako dahil masyadong mahigpit ang pagbabantay niya sa akin. Hindi nga ako mabigyan ng bola ni Gizelle.
Mula sa likod at malapit kay Danielle, sumenyas si Captain. Tumakbo ako sa right side at si Captain ang humarang kay Danielle para hindi ako masundan. Ipinasa sa akin ni Alyana ang bola at si Roxane ang nagbantay sa akin. Mula sa kanang kamay, dumaan sa ilalim ko ang bola bago mapunta sa kaliwang kamay. Nasa bola ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...