✴ Chapter 43

7.1K 250 26
                                    


Akira

"Tulala ka na naman."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Dein dahil wala ako sa mood na kausapin ang tulad niya. Nanatili lang akong nakatanaw sa labas ng bintana habang nakalumbaba.

Akala ko naman nakuha na niya na ayaw kong makipag-usap sa kanya.

"Hulaan ko. Nabo-bother ka kasi hindi ka pa nakaka" Pinaningkitan ko siya ng mga mata dahil alam ko na kung ano ang nasa isipan niya. Bastos talaga. "in ka na ba ng pizza? Balita ko masarap daw sa bagong bukas na pizza parlor malapit dito."

Inirapan ko siya at muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Narinig ko pang bumubulong siya na ang sungit ko raw.

"Ano bang iniisip mo?" Pinaharap niya ako sa kanya habang hawak ang magkabilang balikat ko. "Baka naman may sakit ka at may taning na ang buhay mo?"

Tumaas ang kilay ko sa pagiging OA ni Dein. Inalis ko nga ang dalawang kamay niya sa balikat ko. "Tigilan mo nga ako. Intindihin mo kung paano mo mahihigpitan ang turnilyo sa utak mo." Muli kong ibinalik sa pangatlong pagkakataon ang atensyon sa labas ng bintana.

"Ay wow! Nagsalita ang mas maluwag ang turnilyo. Hoy, Akira. Akala mo ba hindi namin napapansin na lagi kang tulala?"

Tumayo siya at humarang sa bintana kung saan ako nakatanaw. Bwisit. Pumangit na tuloy ang view.

"Ano ba kasing problema? Ayos lang naman kung magsabi ka sa akin." Ngumiti siya na halatang wala rin naman maitutulong.

"Iniisip ko lang ang nalalapit na Summer Cup." Pagsisinungaling ko. Kainis. Bakit ba ako nagsisinungaling?

"Ano? Eh, next year pa yon. Masyado ka naman excited magyabang ulit sa loob ng court."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh, kung gawin ko kayang bola yang ulo mo nang maging kapaki-pakinabang?"

Napahawak naman agad siya sa ulo niya. "Sabi ko nga. Titigil na ako." Ngumiti na naman siya. "Pero ano nga ba talaga ang iniisip mo?" Titigil na raw pero nagtatanong pa rin.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon