✴ Chapter 16

10.2K 387 3
                                    

Akira

Hindi ako makapaniwalang pinaglutuan ako ni Harley at favorite ko pa! Ang sarap sa pakiramdam na paglutuan ka ng taong mahal mo.

"May balak ka pa bang umuwi?" Masungit na tanong niya.

Kanina lang ang ganda ng mood niya tapos ngayon sungit mode?

Hindi natuloy ang date sana namin dahil ayaw niyang lumabas na kasama ako. Naiisip ko ngang ikinahihiya niya ako pero kailangan ko pa rin intindihin ang totoong dahilan niya. Parang nagi-guilty na tuloy ako sa ginawa ko.

"Dito ako matutulog dahil hindi ka pumayag na mag-date tayo kanina." Pagmumukmok ko.

"A-ano?"

"Narinig mo ako, mine." Kumindat pa ako sa kanya.

"Dito ka matulog sa living room."

"Eh?!" Napanguso ako. "Gusto ko katabi kita." Pinahaba ko pa para maging effective.

"No."

"Yes."

"No."

"Yes."

"No."

"Mahal mo pa si Karen?"

"No."

Napangisi ako sa sagot niya at mukhang na-realize na niya kung ano ang itinanong ko. Parehas kaming nakaupo pero sa magkaibang couch. Lumalayo kasi siya kapag lumalapit ako kaya nag-stay na lang ako kung saan ako nakaupo.

"Mine," Tawag ko pero hindi siya sumagot. "Bukas lutuan mo ako ng pang-lunch ko ha?" Sa sinabi ko ay kumunot ang noo niya.

"Bakit?"

"Eh, nagsasawa na ako sa mga pagkain sa canteen at mas gusto ko ang luto mo." Reklamo ko. Totoo naman eh!

"Okay."

Napangiti ako nung pumayag siya. Gusto ko sanang yakapin at halikan siya kaso baka magbago isip.

Nabalot na naman kami ng katahimikan at parang hindi ako mapakali na hindi niya ako kinakausap.

"May game kami sa Wednesday, nood ka ha?"

Kailangan kong magpakitang gilas para ma-fall na siya sa akin!

"Try ko."

"Hindi mo man lang susuportahan ang girlfriend mo?" Pagd-drama ko.

Tiningnan niya ako na parang may mali akong sinabi.

"Hindi kita girlfriend, Morrin. Wala rin akong girlfriend dahil break na kaming dalawa ni Karen."

Ouch.

Hanggang ngayon pa rin talaga hindi niya ako matanggap na girlfriend niya. Ano bang wala sa akin? Hindi naman ako pangit!

"Girlfriend mo ako at girlfriend kita." Diin ko. Sa ayaw at gusto niya? Ipipilit ko pa rin na kami!

Napabuntong hininga siya at napapikit. "Ang kulit mo naman."

"Please? Hayaan mo naman ako na iparamdam kung gaano ako kaseryoso sayo."

Nagmulat siya ng mga mata at tiningnan ako ng mata sa mata. Parang hinahalukay kung totoo ba ang sinasabi ko. Pero siya ang unang nag-iwas.

Bumalik ang tingin niya sa akin nang tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Hinawakan ko ang chin niya at mabilis ko siyang hinalikan

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon