✴ Chapter 2

18K 514 17
                                    

Akira Morrin

"Morrin, late ka na naman!"

Ayan agad ang bungad sa akin pagpasok ko sa room ng Prof kong walang ginawa kundi ang tumalak. Dinaig pa ang matandang menopause. Hindi ko siya pinansin at diretso lakad lang ako papunta sa upuan ko sa likod.

"Tsk! Wala ka pa rin ipinagbago."

"Shut up. Makinig ka na lang sa harapan nang magkalaman na yang utak mo."

"Ouch! Ang sakit non Dein!" Panunukso ni Gizelle sa mahinang boses.

"Shut up ka rin dyan! Hmp!" Sagot ni Dein sa mahinang boses din.


Dein Alejandro and Gizelle Reyes. Mga kaibigan ko at teammates din. Member kami ng Women's basketball Club ng Morrin University.

Matapos ang morning subjects namin ay lumabas na kami ng classroom. Here we go again, our fangirls na laging sumasalubong sa aming tatlo tuwing naglalakad kami sa hallway ng school. Ang sakit sa tenga ng mga sigaw nila.

"Sa tingin niyo? Magkakaroon na ba tayo ng new boyfriend?" Tanong ni Dein.

"Tayo? Or ikaw?" Taas kilay na tanong ko. Wala akong balak magkaroon ng boyfriend.

"Tsk! Bitter. Bakit ba kasi kayo nag-break ni Ellen?"

"Kasi nga ipinagpalit siya kay Roxane at parehas silang nasa SU." Sagot ni Gizelle.

SU stands for Stillford University. Our University's rival pagdating sa academics at lalo na sa sports.

Hindi na lang ako sumagot dahil matagal na akong nakapag-move on. Graduation namin nung high school nang makipag-break siya at sumama doon sa bestfriend niya. May nararamdaman na pala sila sa isa't isa at ang malala ginamit lang niya ako para mapaamin si Roxane.

Bakit nga ba pinag-uusapan pa ang taong manggagamit?!

"Nandito na po tayo sa cafeteria, nakakunot na naman yang noo mo."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Dein at nauna nang pumasok sa loob. Ang ingay talaga ng bibig ng babaeng 'to.

Silang dalawa na ang um'order ng kakainin namin dahil alam naman nilang ayokong makipagsisikan. Dahil bawas ganda lang. Nakangiti si Gizelle nang bumalik sa table namin.

"Textmate ko si Diane."

"Sinong Diane?" Tanong ni Dein.

"Diane Lorenzo, Danielle's twin sister." Nakangiting sagot ni Gizelle

"Oh?" Magkasabay na reaction namin ng katabi niya. "May kakambal pala si Danielle?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dein.

Kilala ko si Danielle Lorenzo dahil isa siya sa mahigpit kong kalaban pagdating sa basketball bukod kay Karen na taga-SU rin.

"Ano naman sa amin kung textmate mo siya? " Tanong ko.

"Syempre crush ko yon simula pa nung high school. Nahihiya akong lumapit sa kanya dati at makipagkilala."

Bigla kaming natawa ni Dein sa sinabi niya.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon