✴ Chapter 10

9.9K 386 13
                                    

Akira

"Wala ka talaga balak na maglaro ngayon?" Pang-ilan na tanong na ba 'to ni Gizelle? Kanina ko pa sinabi na hindi! HINDI!

"Isa pang tanong mo Gizelle? Masasapak na talaga kita." Naiirita ko siyang tiningnan.

"Nagtatanong lang naman eh, at saka di ba nga gusto kang makita ni Harley? Malay mo manood siya sa game natin."

"Ayoko pang magpakita sa kanya. I want to surprise her." May ngisi sa labi na sabi ko na ikinataas naman ng isang kilay niya.

"May plan ka noh?" Tinaas baba niya pa ang dalawang kilay.

Sumandal ako sa bench at inilibot ang paningin sa paligid. Nasa parking lot kami ng school dahil hinihintay pa ang ibang teammates namin. May University bus kasing maghahatid sa amin sa venue ng game. Manunuod kami ng first game para naman mapag-aralan namin ang bagong galaw ng makakalaban namin sa next game. Kung may bago.

"Natanong mo kung saan nakaupo sina Harley?"

Mapanuri niya muna akong tinitigan bago sinagot ang tanong ko. "Sa likod daw ng bench ng team nila." Tumango na lang ako.

"Sorry late ako."

Kapwa kami nag-angat ng tingin ni Gizelle kay Dein. Suot niya ang blue varsity jacket ng team habang nakapamulsa.

"Wala pa rin talaga nabago sayo." Panimula ko at dinagdagan naman ni Gizelle.

"Laging late pa rin."

Inirapan niya kaming dalawa at nagsuot ng headphone bago umupo sa tabi ko.

"May secret kami ni Diane."

"Secret niyo pala eh. Hindi ako mahilig sa tsismis." Susuotin ko sana ang earphones ko nang magsalita siya.

"About Harley and Karen." Nung marinig ko ang pangalan ni Harley ay automatic na bumalik ang tingin ko kay Gizelle.

"Anong tungkol sa kanilang dalawa?"

"Hindi pala mahilig sa tsismis ha?" May ngisi sa labi na pang-aasar niya pa na ikinaikot naman ng mga mata ko.

"Just spill it..." Naiinip na usal ko at itinabi muna ang earphone sa bag ko. Napansin kong nagtanggal na rin ng headphones si Dein at parang naghihintay din kay Gizelle na magsalita.

"Nagiging cold na raw si Harley kay Karen."

"Oh?" Sabay na react namin ni Dein. Nagkatinginan pa nga kaming dalawa eh.

Nakaramdam ako ng tuwa sa narinig ko. So? May possibility na mag-break na sila? Ang gandang ending naman ng love story nila. Napangisi ako sa naiisip ko. Kung magkahiwalay nga ang dalawa ay agad kong babakuran si Harley kahit lamok o tutubi ay hindi ko ipapadapo sa kanya. Akin nga lang kasi siya.

"At alam niyo ba si Danielle," Saglit siyang tumitig sa akin bago nagpatuloy, "She is ready to confess her feelings at tutulungan siya ni Diane para maging sila ni Harley."

"Hell no!" Napatayo ako at inis na tinitigan si Gizelle.

Hindi ako papayag! Akala ko okay na dahil mawawala na sa landas ko si Karen pero may isa pa nga palang naghihintay na mag-break ang dalawa.

Abangers lang? Danielle Lorenzo...

Sisiguraduhin kong sa akin lang babagsak si Harley!

---

"Go! SU!" Ang dami rin tagahanga ng SU kaya hindi nakakapagtaka na dinudumog ng tao ang laban lalo na kapag SU at MU ang nasa finals.

96-57 ang score ngayon at 3:28 minutes na lang ang natitira sa 4th quarter. Masasabi kong mas gumaling pa ang Stillford University lalo na pagdating sa outside shooting. Ang alam ko may nire-recuit silang magaling na player lalo na sa outside pero parang wala naman akong makitang bago sa kanila, dahil iyon pa rin ang mga naglalaro.

"Si Harley Stillford yon di ba?"

Agad naman na hinanap ng mga mata ko si Harley. Nasa isang crowded side lang naman ako at siguradong magkakagulo kapag may nakakilala sa akin. Nagsuot lang ako ng nerdy glass and of course hindi mawawala ang itim na jacket ko.

"Ang sweet talaga nila!" Kinikilig na tili ng nasa left side ko. Sakit sa tenga!

Sinundan ko kung saan nakatingin ang katabi ko. At ayon! Naglalandian sa harapan ng maraming tao. Nagyayakapan lang naman sila at ang daming kumukuha ng picture sa dalawa. Nalaman ko kay Gizelle na hot couple ang dalawa lalo na sa University nila.

Anong pake ko?

Gusto ko man iiwas ang tingin ko ay hindi ko magawa. Feeling ko tuloy nagmulat ako ng mga mata sa ilalim ng maalat na dagat. Mahapdi pero kailangan mo pa rin imulat ang mga mata mo sa katotohanang, parang hindi naman cold ang relationship nila. Bwisit! Nakakainis!

"Aww... ang swerte ni Karen! Pinupunasan siya ni Harley." Kinikilig na sabi na naman ng katabi ko. Kapag ako hindi nakapagtimpi? Sasakalin ko na 'to.

Tumayo ako at lilipat ng magandang puwesto. Sa puwesto na malaya kong mapagmamasdan si Harley. Sa likod ako ng pakay ko pumwesto. Mas malaya ko siya mapagmamasdan dito. Kahit likod lang niya ang nakikita ko.

"Ang galing talaga ng twin ko, di ba Harley?" Tumaas ang kaliwang kilay ko sa sinabi ni Diane. Talagang boto siya para kay Danielle. Natural kakambal eh. Psh.

"Yeah, ang galing niya sa outside shooting at ang bilis din ng reflexes niya." Komento ni Harley.

Palihim na umikot ang mga mata ko nang makitang napangisi si Diane. Hindi yon nakita ni Harley dahil tutok siya sa game. H'wag nang pabanguhin ang kakambal mo kay Harley, dahil sa akin lang siya babagsak. Gusto kong sabihin sa harapan niya dahil naiinis ako.

"Punta muna ako ng restroom." Agad na nabalik ang tingin ko sa kaharap ko.

"Samahan na kita?" Tanong ni Diane pero tumanggi si Harley. Tumayo ito at naghintay ako ng ilang segundo bago siya sunundan. Tanaw ko pa naman siya at sa restroom daw siya pupunta.

Pagpasok ko ay naabutan ko siyang naghuhugas ng mga kamay sa sink. Kakatapos niya lang ata gumamit. Nakasuot na rin ako ng itim na mask bago lumapit sa kanya. Halatang nagulat siya pero nung tumitig siya sa mga mata ko.

"A.M.?" May ngiti sa mga labi niya na ikinatuwa naman ng puso ko. Sa likod ng suot kong mask ay nakagat ko pa ang ibabang labi ko. Ang ganda kasi ng ngiti niya eh. "Nanunood ka rin pala ng game?"

"Parang?" Kumunot ang noo niya sa sagot ko.

Ikaw lang naman kasi ang pinapanood ko at hindi ang game.

"Sino ang sinusuportahan mo?" Tanong ko kahit na alam ko kung ano at sino.

"My school and of course my girlfriend."

Parang may dumaan na patalim at tumarak sa dibdib ko dahil sa word na girlfriend. Mas sumakit pa dahil nakangiti siya.

"Siguro naman ipapakita mo na ang mukha mo?"

Umiling ako. Not yet, baby

Matagal ko nang gustong gawin 'to. "Close your eyes. Saglit lang." Kahit nagtataka ay ginawa pa rin niya ang sinabi ko.

Tinakpan ko ang mata niya gamit ang kaliwang kamay ko. Nakikiliti ako sa long eyelashes niya dahil napadilat siya sa ginawa ko. Ibinaba ko ang suot kong mask at unti-unting inilalapit ang mukha sa kanya. Sa bawat pagliit na distansya ng mga mukha namin ay ikinabibilis naman ng tibok ng puso ko. Nararamdam namin ang hininga isa't isa at napansin kong kinagat niya ang ibabang labi niya.

Kaunti na lang...

Agad kong ibinalik ang pagkakatakip ng mask sa bibig ko at tinanggal ko na rin ang kamay ko sa mga mata ni Harley. Nagri-ring kasi ang phone niya kaya agad niya itong sinagot.

"Babe? Uh, nandito pa ako sa restroom. Okay papunta na ako dyan."

Si Karen pala ang walang hiyang istorbo.

"Mauna na ako. Tapos na raw ang game." Kumaway pa siya sa akin bago lumabas ng restroom.

Inis kong naihilamos ang palad sa mukha ko dahil malapit na eh!

Nakakainis talaga!

-----

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon