✴ Chapter 23

10K 392 13
                                    

Harley

"Ipinahiya mo na naman ako, Harley." Madiin na sabi ni Mom at mababakas sa boses niya ang matinding galit. "Hindi ka ba talaga magtitino?"

"Matino ako Mom."

Mapakla siyang natawa sa sinabi ko. "Matino? Straight nga yang pag-iisip mo pero ikaw?"

Napayuko ako at nasasaktan dahil sariling nanay ko pa ang humuhusga sa pagkatao ko. Hindi ako nagsalita at pinili na lang ang manahimik.

"Pang-ilan na ba si Aldwin sa mga lalaking ipinakilala ko sayo para makarelasyon mo?" Lumapit siya na kaunti at mahigpit na hinawakan ang chin ko para iangat ng tingin ko. "Pero babae pa rin ang pinipili mo." Madilim ang mga mata niya dahil ito sa galit at kahihiyan na nararamdaman niya.

Kahit isa sa mga ipinakilala niya sa akin ay wala akong nagustuhan. Karamihan sa kanila ay pagnanasa lang ang nararamdaman sa akin at hindi tunay na pagmamahal.

Disappointment. Iyan ang naramdaman ni Mom nung umamin ako at hanggang sa ngayon. Fourteen years old pa lang ako nung umamin sa sexuality ko. Sobrang nagalit si Mom dahil mataas ang expectation niya sa akin pero sinira ko lang iyon.

"Hanggang kailan mo ba ako susuwayin at ipapahiya?" Nalipat ang kamay niya sa jaw ko at mahigpit na humawak dito. "Tama ba ang narinig ko? Isang Morrin pa talaga?" Matalim na pinagkatitigan niya ako.

Hindi ako makapagsalita dahil hawak niya ang panga ko at kahit ilang beses akong nagmatigas, hindi pa rin maitatanggi na natatakot ako sa kanya.







"Harley."

Nahinto ako sa pagtitig sa ballpen na hawak ko nang may tumawag sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nasa harapan ko pala si Margarette. Nag-aalala siyang nakatingin sa akin. Nasa student council room kaming dalawa.

"Okay ka lang ba? Ilang araw ka nang tulala at parang wala sa sarili."

"Okay lang ako, Margarette." Umayos ako ng upo at isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair. "May kailangan ka?"

"Ibibigay ko lang ang mga folder ng bawat department para sa nalalapit na school festival."

Nakita ko naman ang iba't ibang kulay ng folder na nasa ibabaw ng table ko. Tumango ako pero ang isipan ko ay wala sa pinagmamasdan kong folders.

"Umuwi ka na at magpahinga. 5:13 na ng hapon."

"I'm fine Marge, may iniisip lang ako."

"About na naman ba sa Mom mo?"

Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik.

"Alam mo kaysa mag-emote ka dyan? Pumunta ka na lang sa bar at don maghanap ng babae yung hindi pang—alam mo na."

"Ayoko, may girlfriend na ako."

Biglang natahimik si Margarette kaya tiningnan ko siya. Nagtataka ang mukha niya.

"Girlfriend?! Kailan pa yan?!"

Natawa ako sa reaction niya. "Hmm, siguro magwa-one month na kami?"

"Holyshit! May girlfriend ka na pala tapos hindi mo sinasabi?" Bakas sa boses niya ang pagtatampo. "Alam ba 'to nina Diane?"

"Hindi pa."

"Hays... kilala kita Harley, high school pa lang tayo ang dami mo nang babae." Napataas ang kilay ko doon at nagpamewang lang siya sa harapan ko.  "Saan nakapabilang yang girlfriend mo ngayon? Days or months?"

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon