Akira
Kakaparada ko pa lang ng kotse sa parking lot, kinakatok na agad ako ni Dein. Kasama niya si Gizelle na busy na naman sa phone niya. Ibinaba ko ang bintana at nakataas ang kanang kilay na sinalubong siya.
"What?"
Tumawa siya at ganon din si Gizelle pero, ang atensyon niya nasa phone pa rin. Nakangiti siya kaya mas lalo akong nainis.
"Ang aga-aga grumpy ka na agad." Pang-aasar ni Dein kaya inirapan ko siya.
Paano ako hindi maba-bad mood? Kahapon pa ako hindi nire-reply'an ni Harley. Tinatawagan ko siya pero hindi naman niya sinasagot. Nag-send na nga rin ako ng message pati sa social media account niya, wala rin response.
Inalis ko na sa pagka-buckle ang seat belt, at kinuha ang bag ko na nasa shotgun seat. Binuksan ko ito para hanapin ang headphone.
"Akira, ipinapatanong ng girlfriend mo kung naiwan sa kotse mo ang phone niya."
Natigilan ako at kunot noo na nag-angat ng tingin sa kanya.
"Nawawala ang phone niya?" Tumango siya at ipinakita sa akin ang text message ni Margarette.
Tinulungan ako ng dalawa na hanapin ang phone ni Harley sa loob ng kotse ko. Tiningnan namin pati ilalim ng seats pero wala.
"Sigurado ba si Harley na naiwan niya sa kotse mo?" Kamot ulong tanong ni Dein at isinara ang pinto sa back seat.
"May pinuntahan ba kayo kahapon?" Tanong din ni Gizelle habang pasulyap-sulyap sa phone niya. Nadi-distract ako sa ginagawa niya. Edi siya na may ka-textmate.
Sinabi kong sa New Castle Restaurant kami pumunta, at maaaring doon nga raw naiwan ni Harley ang phone niya. Mas magandang pumunta kaming dalawa mamaya para magtanong sa mga staff ng restaurant.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa first subject namin. Naisipan ko naman ikuwento sa kanila kung sino ang nakita ko sa New Castle kahapon. Pinagtatawanana nga nila ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw ako maka-move on.
"Practice lang yon, Akira. Bakit ba inis na inis ka kung nalamangan ka?"
Ang sarap pasakan ng crumpled paper sa bibig si Dein. Ang lakas pa ng tawa. Ang aga-aga pero sira na mga eardrums namin.
"Ipinapamukha niya kasi sa lahat na siya ang pinaka magaling. Lalo na sa akin. Sa tuwing nakaka-shoot siya, lagi niya ako tinatapunan ng tingin. Parang sinasabi niya na mahina ako."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Gizelle na nasa tabi ko. "Ikaw lang siguro ang nag-iisip niyan. Ilang beses ko na siyang nakaharap sa court, pero never ako nakaramdam na minamaliit niya ako. Though may pagkamasungit lang talaga siya."
"Oo nga, kung si Montenegro masungit? Ikaw naman mayabang."
"What?"
Bago ko pa mahawakan ang strap ng bag niya ay nakatakbo na siya palayo sa akin. Tumatawa pa nga ng malakas. Bwisit na Dein 'to. Nauna na rin siyang umakyat ng hagdan.
Malapit na kami sa entrance ng building namin, nang magsalita si Gizelle.
"Napanood ko ang ilang videos ni Montenegro sa Basketball Tournament, na ginanap sa City nila ngayong taon. Masasabi kong nag-improve na rin ang skills niya katulad sayo."
Napaikot ang mga mata ko dahil narinig ko na naman ang name niya. "Sigurado naman ako na matatalo ulit natin ang Hayes University at babawiin sa Walker University ang title."
Parehas na kaming umaakyat ng hagdan at may ilang estudyante rin kaming nakakasabay.
"Nakalimutan mo na ba ang Stillford University?"
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomantikSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...