✴ Chapter 14

10K 407 12
                                    


Akira

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa marating ko ang gym. Araw-araw na maganda ang araw ko. May practice kami ngayon at makikita sa mukha ng mga teammates ko ang pagtataka habang nakatingin sa akin. Isang linggo na pala ang nakakalipas simula nung maging balibalita ang hiwalayang Harley Stillford at Karen Roque.

"Kuwento ka naman dyan oh?" Pabirong binangga naman ako ni Dein nang makalapit ako sa bleacher kung saan sila nakaupo dalawa.

"Isang linggo ka nang masaya ah? Dahil ba break na yung dalawa?" Tinaas-baba pa ni Gizelle ang dalawang kilay niya.

"Hmm... parang ganon na nga?" Nagkibit-balikat ako bago nagpalit ng rubber shoes.

"Yung totoo? Parang hindi naman tayo mag-bestfriend." Pagd-drama ni Dein at mukha siyang ewan.

Tumingin muna ako sa paligid. Malayo naman ang puwesto ng mga kasama namin at kaming tatlo lang ang nandito sa dulo. Inilapit ko ng kaunti ang mukha sa kanila bago sinabi ang dahilan kung bakit ako masaya.

"Dahil girlfriend ko na si Harley."

Lumayo ako ng kaunti para makita ang reaction nilang dalawa. Gusto kong matawa dahil sa itsura nila. Para silang natuklaw ng ahas. Ilang segundo pa ata bago sila nakabawi sa shocking news ko.

"ANO?!" Magkasabay pa talaga sila. Napatingin pa nga sa amin ang mga teammates namin.

"N-nagbibiro ka ba?" Hindi mapakapaniwalang tanong ni Dein.

Muli kong ipinagpatuloy ang pagsintas sa rubber shoes ko. "Hindi ako nagbibiro."

"Nung nakaraan stalker ka lang niya tapos ngayon girlfriend mo na siya?" Mabagal na pumalakpak si Gizelle habang umiiling na parang nang aasar pa. "Galawang Akira Morrin."

"Paano mo napasagot si Harley? Kaka-break lang nilang dalawa ni Karen last week." Naguguluhan na tanong ni Dein.

"Kilala ko si Harley, hindi siya yung tipong magche-cheat sa karelasyon niya kahit maraming lumandi sa kanya." Mapanuri akong tinitigan ni Gizelle at parang nase-sense na niya kung ano talaga ang ginawa ko.

"Idinaan ko sa mabilis at madaling paraan."

Nagkatinginan sila at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

"Sa madaling salita ay inagaw mo siya kay Karen?" Taas kilay na tanong ni Gizelle. Hindi naman ako nakasagot.

"Grabe ka." mahina naman na sinuntok ni Dein ang braso ko. "Paano mo ginawa ha?"

Napakamot naman ako sa ulo kasi halata sa boses at tingin ni Gizelle na hindi nagustuhan ang ginawa ko. Masasalita pa sana ako kaso sumigaw si captain na start na ang practice namin.

"Hindi pa tayo tapos, Akira." Makahulugan akong tinitigan ni Gizelle. Tumango na lang ako.

Gusto ko mang bawiin ang ginawa ko pero kung pinakawalan ko siya? Siguradong hindi na siya magiging akin. Isipin ko pa lang na magkakabalikan sila ay kumukulo na ang dugo ko. Malakas na ipinasa ko ang bola sa teammate ko. Sa lakas at bilis tumama sa mukha niya ang bola.

"Aray!" Napaupo siya sa floor at agad naman siyang nilapitan ng iba.

Lumapit ako at nag-sorry. Tsk hindi kasi tumitingin.

Nang matapos ang practice namin ay ikinuwento ko sa dalawa ang mga nangyari nung gabing iyon. Parehas silang napabilib pero nandon pa rin yung part na hindi nila nagustuhan ang ginawa ko. Lalo na si Gizelle.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon