✴ Chapter 31

9.3K 379 40
                                    

Harley

Nakakatuwa ang kapatid ni Aki. Sobrang daldal at parang hindi nauubusan ng kuwento. Marami siyang kinuwento tungkol sa ate niya, like marami raw itong picture ko pati sa kuwarto nito.

"Taki naman! Ibinubuking mo ako kay Harley eh!" Nakasimangot na angal ni Aki nang magsimula na naman itong magkuwento.

"Alam mo ate Hawley? Si ate Ellen away niya si ate, nabweak sila."

Kumunot ang noo ko bago tumingin kay Aki. "Ellen De Guzman?" Siya agad ang unang pumasok sa isipan ko. Tumango lang si Aki sa tanong ko.

Naging sila pala ni Ellen? Pero ang sabi ni Ellen sa amin noon ay si Roxane ang first girlfriend niya and soon to be her wife na nga raw. Kahit naguguluhan ay nabalik ang tingin ko sa batang nakaupo sa lap ko at inosenteng nakangiti sa akin. Napangiti na rin ako at hinalikan ang noo niya na ikinabungisngis niya.

"Ate Hawley, meet Miste Bunny." Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at itinapat sa akin. "And Miste Bunny loves you. Give him a big hug!" Tukoy niya sa malaking stuffed toy na dala-dala niya. Kasing laki ng katawan niya ito at nakasuot ng black tuxedo.

Niyakap ko si Mister Bunny at bigla kong naalala ang dalawang teddy bear na lagi kong katabi bago matulog nung bata pa ako. Takot kasi ako matulog sa kuwarto ng mag-isa at laging sinasabi ni Mom na big girl na ako kaya dapat hindi na ako takot sa mga monsters. Six years old ako non sa pagkakatanda ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang maalala ang closeness namin ni Mom noon na naglaho lang sa isang iglap.

"Dapat hindi mo na isinama si Mister Bunny eh! Magkakalat lang yan dito!"

Natigil ako sa iniisip nang marinig ng sinabi ni Aki. Nakasimangot din siyang nakatingin kay Mister Bunny na yakap ko pa rin hanggang ngayon.

"Hindi kakalat si Miste Bunny. Behave lang siya." Nakasimangot na kinuha sa akin ni Taki si Mister Bunny at niyakap ito ng mahigpit.

"Isip bata tala-aray naman Mine." Kinurot ko siya ng hindi naman ganon kalakasan sa braso.

"Bata pa naman talaga ang kapatid mo."

"Ate antok na ko..." Nakuha ni Taki ang atensyon naming dalawa. Nagkukusot na rin siya ng kaliwang mata Niya.

"Sa wakas! Matutulog na ang makulit kong kapatid." Binuhat niya ito at tinanong kung pwedeng sa kuwarto ko muna matulog ang kapatid niya. "Don't worry Mine, naka-diaper 'to. Girl scout kaya kaming dalawa." Sumaludo pa siya at natatawang pumunta sa kuwarto ko.

"Sinabi ko bang wala?" Naiiling na sagot ko.

"Wait mo ako, Mine. Hindi pa kita nabibigyan ng morning kiss!"

"Kiss! Kiss!" Palakpak ng kapatid niya. "Gusto ko kiss ate Hawley!"

"Matulog ka na. Bawal sa bata yun."

Napailing na naman ako sa dalawa. Nung unang makita ko si Taki na nakayakap sa mga binti ko ay parang nakita ko ang batang Akira. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa.

Nalipat ang atensyon ko sa digital clock na nakapatong sa drawer, na katabi lang ng couch na inuupuan ko. Malapit na pala magtanghalian kaya tumayo ako para magluto.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon