Akira
Kanina pa ako nabwi-bwisit dito kay Manansala. Fourth quarter na pero idinadaan pa rin sa pagpapa-cute ang basketball. Wala naman epekto sa akin kaya nagmumukha lang siya tanga sa pinaggagawa niya.
"Double digit na ang score mo Morrin, pahinga ka naman."
Tumaas lang ang isang kilay ko bago ipinasa kay Captain Yna ang bola, na kanina niya pa hinihingi.
"Si Karen mas lalong na-badtrip sayo. Inagawan mo ba naman ng girlfriend eh." Kumunot ang noo ko dahil alam niya ang ginawa ko. "Kabarkada ko si Karen at gusto niyang basagin ang mukha mo." May ngisi sa labing dagdag niya.
"Hindi ako natatakot sa kanya at siya dapat ang matakot. Dahil baka mabulgar na lang bigla ang baho niya kay Harley."
"Ano bang nakita mo kay Harley? Eh mas maganda naman ako ron."
Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang kapal niya. "FYI Manansala, kulang pa ang paligo mo para pumantay sa kagandahan niya." Inirapan ko siya at sinenyasan si Dein na ipasa ang bola sa akin. Nang maipasa sa akin ay nagpick na rin siya.
Pumasok ako sa loob at halos lahat ng kalaban namin ay sa akin nabaling ang atensyon. Mabilis kong ipinasa kay Captain Yna ang bola dahil wala na siyang bantay at mula sa baseline ay naka-shoot siya. Sigawan ang mga manonood.
"Nice assist, Morrin." Nag-fist bump kaming dalawa ni Captain.
Bumalik na rin agad kami sa depensa. Papunta na sila rito sa court nila at hawak ng point guard ang bola.
Nagtinginan kaming tatlo nila Dein at Gizelle. Humarang ako sa harapan ng point guard at hindi niya napansin na nasa likod niya si Dein. Na-swipe nito ang bola at pinulot ko agad para ibato kay Gizelle, na tumatakbo na papunta sa court namin. May dalawang kalaban na humabol sa kanya at nang huminto siya sa three-point-line ay nalagpasan siya ng mga 'to. Mula sa labas ay itinira niya ang bola. Pumasok ang tres niya. Natuwa naman kami dahil tinginan pa lang namin ay alam na kung ano ang dapat gawin. Nag-apiran kaming tatlo nang tumawag ng 30 seconds timeout ang kabilang team.
"Good job girls." Puri sa amin ni coach Steve. "Sigurado na ang panalo natin dahil one minute and twenty three seconds na lang ang natitira."
Kinuha ko ang bottled water na inabot ni Alyana sa akin at ininom ito. Nakikinig naman ako sa utinuturo ni coach pero, ang mga mata ko ay nasa dalawang tao lang. Nag-uusap sila at wala na ata sa game ang atensyon nilang dalawa. Nakakabwisit! Sinong may sabi na magtabi silang dalawa ng upuan?!
"Layo naman ng tingin mo." Pang-aasar ni Gizelle dahil alam niya kung saan at kanino ako nakatingin.
Imbis na patulan siya ay nagtalukbong na lang ako ng towel sa ulo. Sinabi ko kay coach na kayang-kaya na nila Dein na tapusin ang laban. Masisira lang ang laro ko at mabawasan pa ang trentang lamang namin. Hmp!
Nagtakip ako ng mukha at sinilip ang dalawa. Sa isipan ko ay sinusuntok ko ang mukha ni Danielle Lorenzo. Ang lakas ng loob niya na makipag-usap kay Harley. Alam kong may gusto siya sa Girlfriend ko at dapat malaman niyang off limits na.
Nung matapos ang game ay diretso dugout kami. Kinuha ko ang cellphone sa sports bag ko para i-check kung may messages galing kay Harley. May lakad daw silang magkakaibigan. Tinanong ko pa nga kung may kasama pa ba siya bukod kina Diane. Nabwisit ako nang malamang kasama si Lorenzo! Si Diane ang gumagawa ng tulay sa dalawa! Akala niya siguro ay walang nakakapansin sa ginagawa niya pero, nagkakamali siya at ibahin niya ako!
Hanggang sa parking lot ng arena ay hindi pa rin nawawala ang inis na nararamdaman ko.
"Ilang lamok na ba ang napatay mo?" Natatawang tanong ni Dein.
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...