Akira
______
I could hear the crowd cheering for another team pero, ang ipinagtataka ko ay bakit nakaupo ako sa floor ng basketball court.
Ano nangyari?
Ang kanina lang na ingay na maririnig sa mga taong naghihiyawan ay nawala, at napalitan ng tunog mula sa bola. Para itong nag-e-echo sa loob ng ulo ko.
Dumilim ang paligid pero, may ilaw mula sa taas na nakatutok lang sa akin. May naaaninag din akong anino na nakatayo sa harapan ko, habang nagd-dribble.
Umangat ang tingin ko para makilala kung sino ito.
"H-Harley?"
Taas noo siyang nakatingin sa akin at huminto sa pagdi-dribble. Pero, ang nakakapagtaka ay ang blank expression sa kanyang mukha.
"Hanggang dito ka na lang ba?"
Naguguluhan ako sa tanong niya pero, ilang sandali lang ay na-realize ko kung ano ang ibig niyang sabihin doon.
Mahina akong natawa at may ngisi sa mga labi habang nakatitig din sa mga mata niya.
"Really? Coming from a rookie and loser?" I scoffed. "Danielle Lorenzo, Xyrish Montenegro and your dumb ex-girlfriend Karen Roque tasted defeat from me. And you gonna taste that too because my downfall only exists in your wildest dreams, Stillford."
Sinigurado ko na mai-intimidate siya sa remarks ko but to my surprise? Siya naman ang nagpakita ng ngisi sa mga labi niya. What the? Hindi ko maintindihan kung bakit nag-send iyon ng shiver sa akin.
Lumuhod siya at gamit ang fore finger ay iningat niya ang chin ko.
"Then, can you explain this?" Saglit na bumaba ang tingin niya. "You've been sitting here for a while now and holding your right knee."
W-What?
Napunta ang tingin ko sa tinutukoy niya at nung mapako ang tingin ko rito? Doon na ako namilipit sa sobrang sakit.
.
.
.
.
.
Bigla akong napabangon at inalis ang kumot na nakabalot sa akin. Para hawakan at pakiramdaman ang right knee ko pero wala naman masakit.
May relief na napabuntong hininga ako dahil panaginip lang pala na nagkaroon ako ng injury at... natalo.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kumot at tumitig sa kabilang direksyon ng silid. Specifically, sa mga trophy na nasa loob ng glass cabinet.
That's right, it's only in their dreams that weaklings like them can defeat me.
No one can beat me.
No one is better than me.
Because I am unbeatable and better than anyone else.
Kahit magsama-sama pa sa iisang team sina Roque, Lorenzo at Montenegro ay wala silang binatbat sa akin! Lalampasuhin ko lang din silang lahat!
Pero bakit hindi pa rin mawala ang malakas na kabog sa dibdib ko? Malamig din ang pawis na lumalabas sa akin at nararamdaman ko rin ang chills sa batok ko.
Kailangan ko kumalma.
Bumaba ako ng kama para sana lumabas ng kuwarto at uminom ng tubig sa kitchen pero, hindi pa ako tuluyan nakakatayo ng tuwid nang bumagsak ako sa sahig.
![](https://img.wattpad.com/cover/87823438-288-k474587.jpg)
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...