Akira
Nakatitig lang ako sa maamong mukha ng isang anghel na natutulog sa tabi ko. Kanina pa ako gising at mas piniling pagmasdan siya kaysa tumayo na. Napangiti ako nang maalala ang confession niya kahapon. Maingat na sinuklayan ko ang buhok niya gamit ang mga daliri sa isang kamay para hindi siya magising. Alas sais pa lang ng umaga at maaga pa para gisingin siya.
Nalipat ang tingin ko sa nightstand nang tumunog ang phone ko na nakapatong dito. Kinuha ko ito at tumaas ang isang kilay ko nang makita ang pangalan ni Dein. May kasalanan pa siya sa akin. Muntik na niyang masabi na marami akong picture ni Harley sa kuwarto ko!
"Bakit?" Bungad na tanong ko nang sagutin ko ang tawag niya
[Wala man lang good morning?]
"Bakit nga kasi? Ang aga-aga pinapainit mo ang ulo ko."
[Ang sabihin mo, busy ka lang sa pagtitig sa picture ni Harley dyan sa kwarto mo!]
"Actually, katabi ko siya ngayon at—"
[Oh shit! May laro tayo today tapos—]
"Pervert, hindi namin ginawa kung ano man yang iniisip mo."
[Bakit? Ano ba iniisip ko?]
Napatirik ang mga mata ko sa tanong niya. Kilala ko ang Dein na 'to, alam kong nakangisi siya ngayon.
"Bakit ka nga pala napatawag ng ganitong oras?" May halong inis na tanong ko.
[Nasabi sa akin ni Marge na balak pala ng SU ipasok si Harley sa basketball team nila sa Summer Cup]
Sumulyap ako kay Harley na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog habang nakayakap sa akin. "What do you mean?" Wala naman nasabi sa akin si Harley tungkol doon.
[Mas magandang pag-usapan na lang natin ito after ng game mamaya.]
"Okay."
Nagpaalam na rin siya matapos asar-asarin ako. Inlove na raw sa akin ang babaeng kinabaliwan ko. Sira talaga.
"Hmm... anong oras na?"
Tumingin ako sa katabi ko na nagkukusot pa ng mga mata. "6:38 na ng umaga."
"Tulog pa tayo." Sumiksik siya sa leeg ko at niyakap pa ako ng mahigpit.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa ikinikilos niya. Pakiramdam ko ay sobrang espesyal ko sa kanya.
--
Magsisimula na ang laban sa pagitan ng Morrin University at Stillford University. Ito ang hinihintay ng karamihan dahil matinding magkalaban sa lahat ng larangan ang dalawang University. Nagpra-practice shooting kami sa kabilang court nang kalabitin ako ni Dein.
"Bakit?"
"Ang sama makatingin sayo ni Karen. Lagot ka, inagaw mo ba naman ang girlfriend niya eh."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa narinig bago humarap kay Dein. "Ex-Girlfriend." Pagtatama ko.
Umangat at gilid ng labi niya bago lumayo ng kaunti sa akin. "Sabi mo eh."
Nahinto kami nang tumunog na ang hinihintay ng lahat. Magsisimula na ang laban namin at sa tingin ko hindi lang sa basketball ang magiging labanan sa pagitan namin nina Karen at Danielle. Bakit ba kasi ang ganda ni Harley? Ang dami tuloy nagkakagusto sa kanya at naiinis ako! Ako lang dapat ang may gusto sa kanya at nagmamahal.
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...