Akira
Paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ni Harley simula pa nung isang gabi. Seriously? No make love hanggang next year? For real?
I was planning to make love with her bago kami umuwi ng Isabela, four days before Christmas. Pero, ano pa nga ba magagawa ko? Ayoko naman na i-force siya na gawin ang bagay na ayaw niya.
Napahilamos ako ng mga palad sa mukha at nagpagulong-gulong sa ibabaw ng kama. Madalas hindi ko maintindihan si Harley pagdating sa ganong bagay. Sobrang ilap niya sa usapin na yon at madaling magulat kapag hinawakan mo siya. Siguro kapag braso or mukha lang ang hinawakan mo sa kanya, nasa level 1 ka ng tolerance niya. Parang ayos lang sa kanya na hawakan ko ang part na yon. Pero kapag yung natatakpan na ng damit niya ang hinahawakan ko, doon na siya mabilis na umiiwas.
Tama nga sila, hindi ko pa nga talaga lubos na kilala si Harley. Tanging ang mga taong nakasama niya ng matagal ang mas nakakakilala sa kanya, katulad nina Gizelle at Margarette. Minsan, nakakaramdam ako selos kay Gizelle, dahil mas kilala pa niya kaysa sa akin si Harley. Kahit pa ako girlfriend nito. Medyo nakaka-frustrate ang part na yon.
Napabangon ako nang maalala na malapit na nga pala ang pasko at monthsary namin Wala pa akong gift sa kanya. 25th naging kami pero hindi namin mac-celebrate ng magkasama, dahil uuwi kami nila Mom sa province.
Ano ba ang mga gusto niya?
Geez, kahit iyon hindi ko rin alam? Nakakainis!
Kinuha ko ang phone ko na nasa ibabaw ng nightstand para hanapin ang number ni Gizelle. Pero, natigilan ako nang makita ko na. Tama bang sa kanya ako magtatanong? Baka isipin pa niya na magf-four months na kami ni Harley, pero hindi ko pa rin alam ang mga bagay na gusto at ayaw nito.
Inis na binitiwan ko ang phone at nag-isip ulit.
Masarap siyang magluto, pero hindi ko alam kung passion niya ang pagluluto. Ah! Ano ba gusto ni Harley?
Nalipat ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito. Sumilip si Mom at ngumiti nang makita ako.
"Akala ko tulog ka na. Bakit gising ka pa?" Tanong niya at tuluyan nang pumasok sa loob ng room ko.
"Mom," Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa gilid ng higaan ko. "Hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi kung ano ang ireregalo kay Harley this Christmas. Hindi ko kasi alam ang mga bagay na gusto at ayaw niya."
Ito ang unang Christmas na magkakilala kami at in relationship. Gusto kong maging special ang taon na 'to para sa aming dalawa.
Nalipat ang tingin ko kay Mom nang mag-hum siya. "Saglit ko lang siya nakita pero sa tingin ko? Siya yung tipo ng tao na maa-appreciate ang kahit na anong ibibigay ng taong importante sa kanya. Hindi siya mukhang maarte." Tumango ako.
Naaalala ko pa nung time na dinala niya ako sa lugar kung saan maraming nagtitinda ng street foods. Hindi talaga ako makapaniwala nung mga oras na yon. Dahil wala sa itsura ni Harley na mahilig siya sa mga ganong klaseng pagkain.
"Paano kayo nagkakilala dalawa?"
Bumalik ang atensyon ko kay Mom nang marinig ang tanong niya. "Sa coffee shop po. Nakabangga ko siya."
Medyo natawa si Mom. "Ang cliché naman ng first meet niyo."
"Mom!"
Tinawanan niya lang ako dahil sa naging reaction ko.
But, our relationship started as unique. Nag-guilty ako sa totoo lang, but at the same time naiisip ko na kung hindi ko ginawa iyon? Baka sila pa rin ni Roque hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
Любовные романыSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...