✴ Chapter 37

7.9K 283 34
                                    

Akira

Apat na oras na lang ang hinihintay namin sa game na magaganap mamaya. Nasa University pa kami at kinakausap ni coach para sa game plans namin. Paulit-ulit na lang niya 'yang sinasabi, eh kung i-record na lang kaya niya 'yan para hindi siya mapagod sa pagsasalita.

"Bored?"

Sinamaan ko ng tingin si Dein na nakaupo sa tabi ko. Inilayo ko rin ang mukha niya sa akin dahil masyadong malapit. Tawa naman siya ng tawa. Baliw talaga.

"Sana ma-in love na sa akin mamaya si Diane. Gagalingan ko na kasi."

"Warm-up pa lang ba ang mga nagdaan na rounds?" Manghang tanong ni Dein na parang di na sanay sa basketball skills ni Gizelle.

"Oo?"

Pero wala naman akong pakialam sa usapan nilang dalawa. Magyayabangan lang kasi ang mga yan.

"Kung kay Harley siguro yon, para lang siyang nagja-Jackstone noh?"

Mabilis ang mga matang napatingin ako kay Dein. Nasa tabi ko lang siya pero kay Gizelle siya nakatingin. Narinig ko ang pangalan ni Harley at tama ba ang narinig ko? Para lang nagja-jackstone?

Seriously? Hindi naman sport ang jackstone. Larong pang bata at girly masyado.

"Yeah."

Hindi na ako umimik nung sumang-ayon si Gizelle. Sabi niya, kung gusto kong makita ang itinatagong galing ni Harley? Ako raw mismo ang gumawa ng paraan.

-
+
-

Lumabas kaming lahat sa gym para sumakay sa University Bus na naghihintay sa amin. Tiningnan ko ang oras sa phone ko.

02:16pm

Alas quatro ng hapon ang start ng game namin sa SU. Alam ko naman sa sarili ko na matatalo namin ang team nila pero hindi ko dapat maging complacent dahil nasa team nila si Lorenzo.

Habang naglalakad sa daan ay may mga estudyanteng sumasalubong sa amin para mag-goodluck. May mga lumalapit din sa akin at isang tipid na ngiti lang ang ibinibigay ko.

"Okay tama na yan. Taken na po si Akira." Humarang sa harapan ko si Dein at pinaalis ang mga lumalapit pa sa akin. "Baka mapalipat ng wala sa oras ang girlfriend niya rito, sige kayo." Pananakot pa niya.

Mukhang naging effective dahil nagsilayuan sila. Paano kaya kung lumipat na lang siya rito? Mas masaya yon! Para naman mas mabantayan ko siya. Hindi kasi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita.

"Hindi mangyayari yang iniisip mo." Tumingin ako kay Gizelle na kasabay ko lang maglakad. "Hindi papayag si tita Stacia na lumipat ng ibang University ang anak niya."

Wala talaga akong laban sa Mom ni Harley. Like her daugther? Nakaka-intimidate rin siya. Nung unang beses na ma-meet ko siya ay nagulat pa ako. Dahil sobrang laki ng pagkakahawig nilang dalawa ni Harley. Sa kanya nga namana ni Harley ang berdeng mga mata nito.

Kaya pala ganon na lang kataas ang expectation niya kay Harley.

Pumasok kami sa loob ng bus at umupo ako sa tabi ng bintana. Nakita kong may mga kumakaway pa sa labas. Sa tabi ko naman umupo si Dein at ang ingay-ingay niya.

"Ang dami talaga nating fans."

"Fans ko ang mga 'yan." Paninira ko sa imagination niya. Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala.

"Ang hangin mo talaga. Buti natitiis ni Harley pagiging mahangin mo."

Hindi ko na lang siya pinansin at piniling umayos ng umupo. Kailangan kong magkaroon ng tahimik na biyahe at pag-aralan ng mabuti ang mga galaw nina Roque at Lorenzo mamaya. Ayokong maka-score sila ng ganon lang kadali.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon