Magandang Araw.
Lahat ng mga tauhan at pangyayari sa istoryang ito ay pawang mga kathang isip ko lamang bagama't karamihan ay mula sa mga inspirasyon at maihahalintulad sa mga tunay na kaganapan.
Sari-sari na siguro ang mga emosyon na kalakip ng kwentong ito depende na rin sa inyong interpretasyon.
Bukod sa makulit at malawak na imahinasyon, isa sa mga dahilan kung bakit ko ito isinulat ay upang mahasa at maensayo na rin ang aking kasanayan sa wikang Filipino. Dala ng mga naging uri ng aking trabaho, madalas mas komportable na ako sa paggamit ng Ingles at taglish pero sabi nga ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal. "Ang taong di marunong magmahal sa sariling wika ay..." o alam nyo na ang kasunod.
Iba't ibang lengguwahe ang ginagamit ng mga tauhan sa kuwentong ito kaya ganito ang magiging anyo ng ating mga titik
Nakahilig ibig sabihin ay Korean ang ginagamit;
May salungguhit kapag Japanese;
Makapal ang letra kapag Ingles;
Nakahilig at may salungguhit kapag Pranses
Malaya kayong magbigay ng mga komento
Mabuhay!
-JSBriagas
ika-19 ng Hunyo, 2021
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Science FictionKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...