Ika-7 ng Pebrero 2019, 4:00 PM
Sa botika kung saan nag-aagaw buhay si Zephyr ay patuloy na binabaril ng babaeng empleyado ang mga bayolenteng bampirang umaatake. Nakadikit pa rin sa pintuan ang ginang at imposible nang makaalis dahil sa mga sapot. Nagawa nyang mabaril sa ulo at tuluyang mapatay ang anim na guwardiyang biktima. Umiiyak ang ginang at nawawalan na ng pag-asa. Nabilang nya na apat na lamang ang natitirang bala ngunit may lima pang bampira ang nangingisay at handa nang makatayo at maging bayolente. Naisip nyang itutok ang baril sa kanyang ulo dahil ayaw nyang matulad sa mga guwardiya. Ipuputok na sana nya ang baril nang makarinig ng tinig.
"Huwag!" sambit ng naghihingalong tinig. Nilingon iyon ng ginang at nakita ang binatang si Zephyr na pinipilit tumayo.
"Asintado ka pala. Pwede bang unahin mo na muna ako?" nanghihinang pakiusap ng binata.
Napaisip ang ginang at napalunok. Napagtanto niyang sundin ang binata at itinutok ang baril dito.
"Asintado talaga ako. Dati yata akong sundalo...Mabuti naman pareho tayo ng iniisip" tugon ng ginang.
"Siguraduhin mong sabog ang ulo ko para hindi ako magaya sa mga pangit na ito" dagdag pa ni Zephyr ngunit nagtaka siya ng ibinaba ng ginang ang baril.
"Hey! Anong ginagawa mo?"
Napangiti ang ginang at natawa.
"Anong nakakatawa?" tanong ni Zephyr.
"May oras pa naman tayo. Hindi pa bumabangon ang mga iyan. Siguro mabuti pa ay sulitin na muna natin ang mga huli nating sandali"
"Madaling sabihin sa iyo yan kasi wala sa harap mo ang isang ito . mukhang ilang segundo nalang magiging halimaw na ito at lalapain na ako!" Nababahalang tugon ni Zephyr habang pinagmamasdan ang nakabulagta at naglalaway na bampirang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.
Makalipas ang ilang segundo ay tuluyan na ngang naging bayolente ang nakadapang bampira at pinipilit hablutin ang paa ni Zephyr. Sa sobrang takot ay nagawang makaupo ni Zephyr at kahit duguan at naghihina ay nakagapang siya palayo.
"Barilin mo! barilin mo!"
"Sino? Ikaw?" tanong ng ginang.
"Tanga! Iyong halimaw ang barilin mo!" pakiusap ng binata.
"Pero apat nalang ang bala ko at hindi ko siya maasinta nang maayos"
"Basta barilin mo!"
Pinutukan ng ginang ang gumagapang na bampira. Tinamaan nya ito sa mukha at napahinto sa paggalaw. Nakahinga nang maluwang ang dalawa.
"Salamat!" wika ni Zephyr. Kapwa sila kumalma ngunit agad ding nabahala nang gumalaw galaw ang tuhod ng nabaril na halimaw na katabi ni Zepyr. Muli itong lumingon sa kanya.
"Mukhang hindi ko sya nasapul sa utak. Mukhang pisngi lamang nya ang aking natamaan" paliwanag ng ginang. Muling kinalibutan si Zephyr
"Akala ko ba asintado ka bakit di mo tinamaan?"
"Eh ang hirap ng posisyon ko at alanganin ang kanyang anggulo"
"Tae! Akin na ang baril. Ako ang titira!" mungkahi ni Zephyr habang patuloy na gumagapang palayo sa halimaw at palapit sa ginang. Inabot ng ginang ang baril sa binata. Itinutok ni Zephyr ang baril sa papalapit na halimaw.
"Siguraduhin mong masasapul mo ha. Tatlo na lang ang bala nyan"
"Oo huwag ka mag-alala hintayin ko lang siya makalapit pa"
Umatake ang halimaw, mabuti na lamang at nabaril sya gayunpaman ay nanatili itong nakatayo dahil sa bunganga lamang ito tinamaan. Sa ikalawang putok ay nagawa nyang matamaan ito sa utak. Bumagsak ang bangkay ng halimaw.
"Bull's eye!" masayaat masiglang sigaw ng binata ngunit hindi natutuwa ang ginang
"Bakit? Ang galing ko diba? Sapul na sapul!" nakabungisngis si Zephyr.
"Bobo! Bakit dalawang putok! Paano ngayon yan isa nalang ang bala ng baril!" naiiyak na paliwanag ng ginang.
"Tae! Oo nga noh!"
"Pakiusap! pag bumangon na ang isa pa sa kanila. Barilin mo na ako sa ulo!" pakiusap ng ginang.
Napaisip si Zephyr. Makalipas ang ilang segundo. Itinutok ng binata ang baril sa sariling ulo.
"Hindi, para sa akin toh!"
"Hoy! Hindi pwede yan, niligtas ko ang buhay mo! Wala ka bang utang na loob?"
"Kasalanan mo kaya kasi hindi mo tinamaan yung halimaw sa unang putok"
"Eh ikaw din naman sinayang mo yung dalawang bala"
Matapos ang sumabatan ay nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Nakita ni Zephyr ang ID ng ginang nakasaad na ang pangalan nya ay HyeJin.
"Ginang Hyejin, hindi ko kayang pumatay ng inosente. Wala pa akong napapatay. Hindi matatahimik ang aking kaluluwa pag pinatay kita"
"Para sabihin ko sa'yo. Mas matinding kasalanan ang pagpatay sa sarili. Iyon ang pinaka matinding kasalanan. Siguradong habang panahon kang magsisisi at mahihirapang huminga sa impiyerno! Manilwala ka sa akin dahil mas matanda ako sa iyo at sigurado ako diyan!"
"Ganoon ba? Oo nga gayundin ang paniniwala ko. Oh etoh ang baril. Ikaw nalang bumaril sa akin"
Hindi kinuha ng ginang ang baril.
"Pag binaril kita wala na akong bala para sa sarili ko kaya ikaw ang dapat bumaril sa'kin."
Napaisip at naguluhan ang dalawa. Naudlot ang pagtatalo nang bumangon ang isa pang halimaw at umatake. Agad na kinuha ng ginang ang baril at ipinutok sa sa ulo ng sumugod. Nasapul iyon sa utak at bumagsak.
"Ganyan ang tamang pagbaril!" maangas na pagmamayabang ng ginang kay Zephyr.
"Wow!.. Mahusay asintado ka nga!"namamanghang pagbati ni Zephyr habang pumapalakpak.
Nagngitian ang ginang at si Zephyr ngunit matapos ang halos limang segundo lamang ay muling pagkabalisa ang namutawi sa kanilang mga mukha nang maunawaang muli ang kanilang sitwasyon.
"Wala na tayong bala.. wala na tayong bala!" naiiyak na sinabi ng binata. Kapwa humagulgol ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Science FictionKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...