Ika-3 ng Enero 2019, 10:10 AM
"Patrice ang tagal mo naman! Ano pa bang ginagawa mo diyan?" ang tawag ni Nanay Mila sa kanyang panganay na anak.Naghihintay na sa kotse ang buong mag-anak at handa nang ikandado ng ama ang gate ng bahay. Mag diriwang ng ika-75 kaarawan ang kanilang lola na lalo pang naging mas masaya dahil sa biglaang pag galing ng mga sugat at pagiging masigla ng matanda.
Katatapos lang maggayak ni Patrice. Palabas na siya ng kwarto nang mapansin ang mabilis na paggalaw ng rebultong pinaniniwalan ng kapatid na nakakasagap ng masamang awra. May narinig siyang ingay na parang lumagabog mula sa kuwarto ng kanyang kapatid na lalaki.Batid nya na nasa loob na ng kotse si Patricio kaya agad niyang pinuntahan ang silid at nakiramdam. Muli siyang nakarinig ng mahinang langitngit. Sinubukan nyang buksan ang pinto ngunit ito ay nakakandado na tanging si Patricio lamang at ang ama ang may susi.
Saglit nyang kinalikot ang isang radar mula sa kanyang bulsa at nakumpirmang wala namang banta ng panganib sa paligid. Nakahinga siya nang maluwang.
"Baka dinadaga lang ang silid nya" bulong ng dalaga sa sarili.
Kinuha nya ang isang lipstick at bolpen mula sa kanyang maleta na muli nyang kinandado. Hinila rin nya mula sa isang kulay asul na malaking envelope ang kanyang passport.
Pagkalabas ng bahay ay agad na ikinandado ng ama ang pintuan at ang gate. Pumasok si Patrice sa van kung saan naghihintay ang kanilang buong pamilya.
"Tagal mo naman Ate" ang sabi ni Jane.
"Sorry na po, may kinuha lang" paliwanag ni Patrice.
"Oh sigurado kayo wala na kayo nakalimutan ha" ang sabi ng ama habang nagsusuot ng seatbelt.
Habang umaandar ang kotse, niyaya ni Nanay Mila ang lahat na manalangin para sa matiwasay na biyahe. Matapos ang tatlong minuto, tinapos ni Jane ang kanyan panalangin sa pagsambit ng isang malakas na"Amen".
Samantala, tanghali sa isang malaki at marangyang bahay, sa isang subdibisyon sa Andong, Korea, isang matipunong lalaki na may maskarang puti sa mukha kahalitulad sa jabawakis, at nakasuot ng maong pants at itim jacket, ang nasa basement ng bahay kasama ang matandang may-ari na nakasuot lamang ng pambahay na sweat shirt at jogging pants.. Binuksan ng matanda ang mga ilaw. May sampung nitsong puro walang takip ang nasa basement na iyon.
Mula sa isang nitsong may nakaukit na pangalang "K.A. Park", hinila nila ang isang mamahaling puting kabaong at inilapag sa sahig. Gayundin, nagtungo siya sa isa pang nitsong may nakaukit na pangalang "Zephyr" upang ilabas ang isa pang ataul.
Dinukot ng nakamaskarang lalaki ang mga susi mula sa bulsa, pumili ng isa sa mga iyon, at unang binuksan ang puting ataul. Tumambad ang isang balingkinitang babae na may kulay gintong buhok. Hindi pa naaagnas ang bangkay sa loob ng kabaong na para lamang may isang kolehiyalang natutulog. Gayunpaman, hindi humihinga ang bangkay.
Tinanggal din sa pagkakasara ang sumunod na kabaong. Tumambad naman ang bangkay ng isang tuyot na lalaking nasa edad 35. Isang iyong black American na matangkad, maitim, kulot ang buhok,at nakabukas ang bibig nito.
Kumuha ng syringe mula sa isang maleta ang nakamaskarang lalaki at lumapit sa babaeng bangkay. Pinitik pitik muna niya ang syringe pagkatapos ay tinusok sa braso ng nakahimlay. Unti-unting nabuhay ang mga ugat sa katawan ng dalaga at nagkulay manilaw-nilaw ang kanyang maputlang balat. Matapos ang ilang segundo gumalaw na ang kanyang mga pilik-mata na waring nagising at naaalimpungatan. Namulat ang kanyang mga mata sa loob ng isang minuto ngunit tumagilid din ng higa at mistulang isang batang ayaw pang bumangon.
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Fiksi IlmiahKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...