Ika-7 ng Pebrero 2019, 3:00 PM
"Woof Woof!"
Masaya at nakangiting tumatahol ang lalaking pasyente na katatapos lamang pakainin ni Jawoon. Medyo naaliw ang matanda dahil masigla ang lalaki at parang nais siyang pasalamatan.
"Naku, gustung-gusto ko talaga ang mga aso pero siyempre hindi kita pwedeng alagaan"
Lumapit si Jawoon ngunit naglaan siya ng kalahating metrong distansya upang hindi siya mahawakan ng bilanggo. Sabik na sabik sa saya naman ang bilanggo na pilit siyang inaabot.
"Ang dogy dogy.. Cute cute ng Doggy" paglalambing ng matanda.
Tumunog ang mobile phone sa kanyang bulsa at nabasa ang mensahe mula kay Zephyr.
Napaisip ang matanda at minabuting pabalikin na muna ang binata. Magpapadala na sana siya ng mensahe ngunit habang pumipindot sa kanyang cellphone ay may naramdaman siyang mainit sa kanyang pantalon.
Nang lumingon ay nakita nya ang lalaking bilanggo na nakangiti, nakataas ang isang paa at iniihian siya. Napatalon paatras si Jawoon.
"Eewww! kadiri!" nadidismayang sambit ng matanda.
"Bad dog Bad dog!" sigaw nya sa lalaki. Naupo ang pasyente at nagpakita ng malungkot na mukha na waring nais umiyak. Nahabag ang matanda at humingi ng paumanhin.
"Ay pasensya na! nagulat lang ako.. Mabait ang doggy mabait! Good doggy Good doggy." Muling lambing ni Jawoon. Sumigla uli ang lalaki at nagtatalon sa tuwa.
"Ano ba tong nangyayari sakin? Tao ang kausap ko, isang pasyente, at hindi hayop" bulong ng gurang sa sarili. Muli nyang nilingon ang lalaki ngunit lalo siyang nandiri nang makita itong dumumi sa kanyang harapan at waring may dinadakot sa sahig upang tabunan ang dumi. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasipa nito ang tae at tumalsik sa mukha ni Jawoon. Diring-diring tumakbo palabas ang matanda at naligo.
Matapos makapaglinis ng sarili ay pinuntahan na nya ang huling silid na hahatiran ng pagkain.
"Ek ek ek!"
Bumubungisngis, nag-iingay, at nagtatalun-talon ang binatang pasyenteng nakagapos sa loob. Gamit ang isang patpat, Itinulak nya ang maliit na palangganang may mga prutas, karne, at kanin palapit sa binata na nakakadena at nag-aasal unggoy.
"Hello, Patrick. Pasensya na hindi ako pwede lumapit sa'yo. Mahirap na baka makagat mo pa ako"
Wika ng matanda habang pinagmamasdan ang binata na nilalantakan ang pagkaing dala. Naupo si Jawoon at nagpatuloy na kausapin ang bilanggo.
"Ayon sa pagsusuri ay babalik ka na din sa katinuan pagkatapos ng isang linggo. Gayunpaman mananatili pa rin sa katawan nyo ang virus at maaari nyo pa rin itong ipasa kaya pasensya ka na hindi ka pa namin pwedeng palayain."
Walang pakialam ang kausap na abalang-abala sa pagngatngat habang sinusuri ang paligid.
"Huwag ka mag-alala dahil hindi ka namin pababayaan lalo na at kaibigan ka ng aking pinuno"
Lumabas ng silid si Jawoon at muling kinandado ang pinto. Napansin nyang nalinis na ng mga siyentipiko ang gulong idinulot ng nagwalang pasyenteng bampira.
Muling nagising ang matandang test vampire at pinilit na kumawala sa pagkakagapos. Nakahiga ito sa sahig, at nababalutan ng kadena. May tuwalya rin na nakatali sa bibig nito upang hindi makapangagat at upang mabawasan ang ingay. Nagtulong-tulong ang tatlong siyentipiko na ipinatong ang nagdedeliryo at naglalaway na bampira sa isang higaan.
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Science FictionKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...