2-3 Patibong

12 6 0
                                    



Ika-2 ng Pebrero 2019, 4:20 PM

"Dito nanggaling ang malakas na enerhiya kanina pitong minuto na ang nakalilipas" salaysay ni Suzume habang nakatingin sa radar. Nasa ilalim sila ng isang malaking tulay sa ibabaw ng isang ilog. Bukod sa ilog, puro bato at matataas na damo lamang ang makikita sa ilalim ng malaking tulay na karugtong ng isang malawak na kalsada.

Nagmamatyag naman sa paligid ang dalawa pang dalaga.

"Wala akong makitang kakaiba sa lugar na ito. Gayunpaman, medyo kubli at hindi ito tanaw ng mga taong dumadaan, maaaring pugaran o daanan nga ito ng mga halimaw. Huwag mong sabihing nanggaling sa ilog ang nilalang na nakalap ng radar?" pagkukumpirma ni Kazuko

"Mula dito unti-unting nawala ang awra ngunit base sa trend ng paggalaw, patungo sa gusali ng ating mga target ang direksyon nito. Dapat ay nakasalubong natin ito sa daan" Paliwanag ni Suzume.

"Mabuti pa muli akong babalik sa gusali mula rito. Maglalabas ako ng kaunting enerhiya, kapag may napansin kayong kakaiba, tawagan nyo ako" mungkahi ni Kazuko.

"Sasama ako" ang sabi ni Suzume.

Muling binaybay ng dalawa ang daan habang nagmamasid sa mga tao sa paligid. Hindi na sila gumamit ng sasakyan upang mas mabilis nilang matungo ang iba't ibang direksyon. Hawak nila ang cellphone upang abangan ang balita mula kay Takara. Nadaanan nila ang isang pamilihan, malapit na sana nilang marating ang gusali ng Kingdome-e, nang biglang tumawag si Takara.

"May 15 DME ang narecord 125 meters kanan mula sa target nating gusali, ngunit agad ding nawala. Meron pang isang 20 DME ang narecord 243 meter mula sa inyong kaliwa "

Naghiwalay ang magkapatid upang puntahan ang magkabilang awra na nasagap.

Makalipas ang ilang sandali, narating ni Kazuko ang isang liblib na bangketa. Wala siyang nakitang tao.

Samantala, isang mataong lugar naman ang narating ni Suzume. Mga pangkaraniwang tao lamang na dumadaan at namimili ang kanyang nakikita.

"Suzume mag-ingat ka, papunta sa direksyon mo ang isang isang enerhiya. 35 meters mula sa iyo. Pero unti unti itong humihina"

Naghanda ang dalaga. Napatingin siya sa isang kanto na maaring panggalingan ng awra. May mga taong dumadaan mula roon. May matandang babae, may dalawang batang lalaki, isang lalaking nagbibisikleta, isang estudyante, at marami pa.

"Takara, ano na?"

"Nawala na naman ang awra. Parating na si Kazuko patungo sa kinatatayuan mo"

Mula sa magarang kotse, kinakalikot ni Takara ang radar upang hanapin ang mga enerhiya na nakalap.

"Ladies, ang tanging nasasagap ko nalang ay ang mga enerhiya na nasa gusali na pokus. Higit 5-20 DME pa rin ang nilalabas ng isa doon"

"Takara, bigyan mo kami ng limang minuto, magoobserba lang kami sa paligid"

"Sige, pagkatapos nyan ay kailangan na natin bumalik sa base upang maghanda ng armas"

Wala nang nasasagap na malapit na awra si Takara. May mga kotseng dumaan sa kalsada na iyon. Maya-maya pa, may napansin siyang isang lalaki na nagbibisikleta at papunta sa kanyang direksyon.

Nakaramdam siya ng kakaiba. Malaki ang katawan ng lalaki, kayumanggi ang balat, nakasumbrero, may takip sa bibig, at nakashades. Naghinala si Takara.

Napansin ng lalaki ang kotseng nakaparada. Nilampasan nya ito at huminto. Nilabas nya ang isang di pangkaraniwang cellphone na waring may binabasa. Sinundan siya ng tingin ni Takara mula sa loob ng sasakyan.

"Ladies, nandito na siya"

Matapos maisend ang message sa dalawang kasama, Napansin niya na huminto ang lalaki sa kabilang ibayo malapit sa lugar na nakunan nila ng malakas na enerhiya. Halos 50 metro lamang ang layo noon sa kanyang sasakyan. Hinila ng lalaki ang bisikleta pabalik sa isang masikip na hagdanan pababa ng tulay.

Agad na nagsuot ng jacket at lumabas ng kotse si Takara upang sundan ang suspek. Tumawid siya ng kalsada at bumaba din sa makipot na hagdanan. Paikot ang ang daan at nang siya ay makababa bigla siyang nasindak nang hindi na makita ang lalaki. Tanging ang ilog lamang at mga damuhan ang kanyang namamasdan. Inilabas nya ang maliit na baril mula sa kanyang hita at marahang naglakad upang suriin ang paligid.

Halos tatlong minuto siyang tahimik na nagmasid. Tanging mga ibon lamang ang kanyang naririnig. Muli niyang pinag-aralan ang radar at gamit ang telepathy, ibinalita nya kina Kazuko at Suzume ang nadiskubre

"Siguro ay may portal o sikretong daanan sa lugar na ito. Tatlong enerhiya ang narecord ng radar sa loob ng tatlong minuto. Isang 25, 19, at 2 DME ngunit wala na ang mga ito ngayon "

"Takara, Siguro kailangan mo iadjust ang radar sa mas mababang frequency upang matukoy mo ang lokasyon ng mga mababang enerhiya. Kung pababa ang mga data ay hindi malayong may mas mahina pang enerhiya ang nasa iyong paligid" payo ni Suzume.

Kinalikot ni Takara ang radar upang iadjust ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakaramdam siya ng parating na panganib. Agad siyang umalis mula sa kinatatayuan at gumulong ngunit huli na ang lahat. May bumabaril sa kanya at isang metal ang tumusok sa kanyang kaliwang braso. Nakita nya ang isang pako. Tinanggal nya iyon at nakaramdam siya ng pagkahilo. Batid nya kung ano iyon.

Tumakbo siya upang umiwas sa bumabaril. Habang kumakaripas, may kinuha siya sa kanyang bulsa at itinurok nang dalawang beses sa sariling balikat. Iniulat nya ang nangyayari.

"Ladies, tinamaan ako ng elephant tranquilizer. Inaatake ako ngayon"

Isa pang bala ang tumusok sa kanyang leeg at siya ay tumumba. Nabitawan nya ang kanyang baril at unti-unting pumikit ang kanyang mga mata habang nakahandusay.

Makalipas ang 30 segundo, may mga narinig siyang hakbang sa batuhan ng ilog, papalapit ito sa kanya.

Isang armadong nilalang na nakasuot ng itim na coat, bonnet, at puting maskara ang dumating. Sinuri nito ang paligid at ang balang tumama sa leeg ng dalaga. Nang makumpirma na nawalan na ng malay ang babae. Isinukbit nito ang baril sa kanyang likuran at lumapit sa nakahandusay na biktima. Nang tuluyang makalapit, kumuha ito ng posas mula sa bulsa ng coat.

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon