10-2 Ang Desisyon ni Lee

7 3 0
                                    

Ika-6 ng Pebrero 2019, 10:00 PM

Napakalamig ng gabi, walang mga bituin sa langit at hindi rin maaninag ang buwan. Hindi pa rin natutunaw ang niyebe mula sa isang walang dahon na puno.

Nakatanaw si Lee mula sa isang bangin at pinagmamasdan ang mga gusali ng syudad ng Seoul. Sa kanyang likuran ay nakaparada ang kanyang sasakyan sa isang mapuno at hindi gaanong dinadaanan na kalsada. Blangko ang kanyang mukha at matamlay. Dinukot nya ang kanyang mobile phone mula sa bulsa at sinilip ang kanyang mga CCTV.

Namasdan nya ang duguan at nakahandusay na katawan ni Ragnar. May nakatarak na mahabang sibat sa dibdib nito. Nanlumo siya sa kanyang nakita ngunit mas nabahala siya nang makita ang tatlo sa kanyang mga empleyado na namataan nyang nakagapos rin at walang mga malay malapit kay Ragnar. Nanlambot ang kanyang tuhod at napaluhod. Minabuti nyang tawagan ang kanyang assistant upang muling pagbawalan ang sinuman sa kanilang mga empleyado na pumunta sa Dojo o saan man sa kanilang mga opisina.

"Iyon nga sir, nabalitaan kasi naming nagtungo si Jungshik kasama ang dalawa pang empleyado sa pag-uutos ni Ragnar" sagot ng assistant. Ikinagimbal lalo ni Lee ang narinig.

"Balaan nyo ang lahat na pati na rin ang mga miyembro ni Ragnar na huwag magtutungo sa alinman sa ting mga opisina dahil siguradong hindi iyon si Ragnar at mapapahamak lamang sila! Kung sino man ang susuway sa akin ay hindi ko mapapatawad at magbabayad ng malaki" utos ni Lee. Tumugon at sumang-ayon naman ang kanyang kausap. Pagkatapos ng tawag ay dahan-dahang tumayo ang binata at walang ganang pumasok sa kanyang kotse. Magmamaneho na sana siya nang marinig ang tumutunog na mobile phone sa loob ng sasakyan. Hinanap nya ito sa likuran at dinampot. Walang password ang cellphone at agad nyang nabuksan. Hindi nya sinagot ang tawag na mula sa nagngangalang Zephyr.

Napaisip si Lee. Agad nyang hinalughog ang kotse at ang mga bulsa sa isang jacket at sa mga bag. Nalaglag mula sa bag ang isang aparato na may hawig sa nakuha nyang radar mula sa mga hapones at sa mga sundalo ng WVO na dati na nilang nabihag. Itinabi nya ang radar. Makalipas ang ilang sandali ay napasakamay nya ang cellphone ni Patrice. Lumabas ng kotse ang binata at kumuha ng isang malaking plier mula sa likuran ng sasakyan. Pinukpok nya ang metal na plier sa mga cellphone upang masira. Nagmamadali rin siyang gumawa ng maliit na hukay sa tabi ng puno upang ibaon ang mga iyon. Matapos matabunan ay kumaripas siyang pumasok sa kanyang kotse at humarurot.

Huminga sya nang malalim at nagpokus sa pagmamaneho. Makalipas ang 30 minutos ay nagawa nyang marating ang Benikea Hotel. Huminto sya saglit at sinilip ang gusali.

"Narito na tayo. Gaya ng aking ipinangako"

Matapos matanaw at mausisa ang lugar na iyon ay muli nyang pinaandar ang sasakyan.

"Tumutupad ako sa pangako ko. Ang sabi ko ay dadalhin ko kayo sa hotel... pero hindi ko kayo ibaba" wika ng binata. Lumingon sya sa salamin at nasulyapan ang dalawang dalagang duguan, may mga tama ng baril at kapwa hindi na humihinga.

Makalipas ang isang linggo, lumabas na sa mga balita ang pagkawala ng mga tao sa iba't ibang panig ng mundo. Isang lalaki ang nakaupo sa kama at nanonood ng telebisyon kung saan ibinabalita ang mga naturang pagkawala. May tumawag sa mobile phone ng lalaki.

"Ah oo, mabuti naman dito. Bukas ililipat ko na sa bahay ko ang mga tao ko... Madali lang pala makahanap ng mga babae sa bar"

Kumuha siya ng isang baso ng dugo mula sa katabing mesa at lumagok mula rito. Nanlisik ang kanyang mga mata, lumalim ang boses at naglabasan ang mga pangil.

"Ayos talaga. Imumungkahi ko na snake variant ang bilihin mo. Hindi maingay gaya ng ibang mga virus. Uy hindi sa kanila galing ang iniinom ko ngayon ah. Galing ito dun sa isang lalaki na nakilala ko din sa bar. Sumusunod ako sa panuto"

Lumingon siya kanyang tabi at namasdan ang dalawang babaeng nanghihina at nakakagapos ang mga kamay at braso at may takip sa bibig.

"Siguradong yayaman tayo sa oras na matapos ang gamot ni Jaffar. Pwede nating paanakin at paramihin ang mga ito"

May kumatok sa pinto at narinig iyon ng lalaki.

"Sandali may kumakatok. Tatawag ako sa iyo uli mamaya"

Naglakad siya patungo sa pinto.

"Benikea Hotel... Sa ngayon ako pa lang ang naririto. Pwede kayong magcheck in dito walang problema. sige ibababa ko na"

Pinutol ng lalaking bampira ang usapan at sinilip kung sino ang nasa labas ng pinto. Nakita nya ang ginoo sa reception area kasama ang isang binibini.

"Anong kailangan nyo? wala naman akong order ha"

"Sir gusto daw kayo makausap ng aming manager kasi nanalo kayo ng free accommodation sa aming raffle draw"

"Ano? Uso na ba iyon ngayon?" pagtataka ng lalaki.

Binuksan nya ang pinto at hinarap ang mga kumakatok. Nakangiti lamang ang ginoo samantalang nanlilisik naman ang mata ng kasamang binibini.

"Nanalo ka ng free accommodation patungo sa impiyerno" sambit ng babae

Nakaramdam ng pagkahilo ang lalaki at napaatras. Sinubukan nyang pumasok sa silid at ikakandado ang pinto ngunit may pumigil sa kanya. Dalawang binibini pa ang dumating at tuluyang pinasok ang kanyang kuwarto. Isinara ng dalawang binibini ang pinto at pinagbabaril ng tranqilizer ang lalaking bampira.

Samantala, kinakausap naman ng isa pang binibini ang receptionist na waring ginagamitan ng hipnotismo. Bumalik sa katinuan ang ginoo at lumakad pabalik sa reception area.

"All clear, Takara. Wika ng isang babae sa loob"

Papasok na sana ang tinawag na biibini sa silid nang dumating ang isa pang napakakisig na ginoo.

"Kumusta?" tanong ng binibini.

"Wala, malinis, mukhang walang kahina-hinalang bagay doon sa kuwarto nung Karmela at Patrice"

"Gayun ba, Lee? Puwes mabuti siguro pag-usapan na muna natin paano lilinisin ang problema dito"

Pumasok ang dalawa sa silid at ipinakita nina Kazuko at Suzume ang sitwasyon sa loob.

Nahabag ang lahat sa sitwasyon ng dalawang bayarang babae na nakagapos at naturukan ng virus. Agad nilang kinalagan, dinamitan, at pinainom ng tubig ang mga iyon.

Pinagmamasdan ni Lee ang lalaking bampira.

Parang nawala ito sa sarili, tumagilid ang ulo, tumaas ang mga balikat, lumabas ang dila, tumingin sa kisame, at itinaas-baba ang mga siko. Pinipigilan ng tatlong dalaga ang pagtawa.

"Ano ba ang nangyayari dito?" pagtataka ni Lee.

Halatang may kumokontrol sa lalaking bampira na gumagalaw ng kakatuwa

"Welcome, to the team, Lee. Let us kick vampire ass!" nauutal na binanggit ng halimaw.

"Tama na, Takara please. Gawin na natin ang trabaho natin" mungkahi ni Kazuko Habang humahagikgik pa rin si Suzume.

Itinigil ni Takara ang ginagawa.

"Pasensya na namiss ko lang to" nakangiting paliwanag ni Takara.

"Okay, mga binibini. Kailangan na natin magseryoso" wika ni Lee habang nakataas ang isang kilay. 

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon