Ika-5 ng Pebrero 2019, 10:00 AM
May mag-asawa sa loob ng kanilang mamahaling sasakyan ang dumadaan sa kabundukan ng Gapyeong. Sa masukal at mapunong kalsada, namataan nila ang isang tolda kung saan may matandang babae na nakasuot ng tradisyunal na damit ang nakaupo at nakabantay sa isang lamesang mahigit walong talampakan ang haba. May kwadernong hawak ang uugud-ugod na matanda at sa may lamesa ay nakasabit ang isang madumi at lumang tarpaulin kung saan may kaligrapiyang nakasulat sa wikang Ingles "Registration: No Violence". May mga kamote ring nakalatag at may presyo na napaskil na 30000 won na kung tutuusin ay lubhang napakamahal.Nakita nang mag-asawa ang istasyon na iyon ngunit nagtinginan lang sila at nawirduhan. Isa pang sasakyan ang dumating at huminto. Dalawang pulis ang bumaba mula sa kotse at may dalang itim na plastic bag.
"Kumusta Lola, may dala pala kaming pagkain sainyo baka nagugutom kayo"
Ngumiti ang matanda, tinanggap ang pagkaing dala ng mga dumating, yumuko at nagpasalamat. Malinis naman ang matanda. Sa tabi nya ay may anim pang plastik na silya at tatlong sako ng kamote.
"Lola, kumusta naman po ang negosyo? "
"Ay mabuti naman mga ginoo"
"Ah mawalang galang na Lola. Pagbibigyan po namin ang inyong kahilingan na isang linggo para pumuwesto dito. Bawal po kasi talaga magbenta dito at kung tutuusin wala masyadong dumadaan. Malulugi lang po kayo"
"Ayos lang naman. Sa katunayan may nabenta akong dalawang dosena kahapon"
Nagtinginan ang dalawang pulis at di makapaniwala sa sinabi ng matanda.
"Talaga dalawang dosena?" Bulong ng isa. Muling nilang sinulyapan ang presyong nakapaskil 30000 won. Nagkibit balikat na lamang sila na parang di nakumbinsi sa sinabi ng matanda
"Ah di na po kami magtatagal, sana mapag-isipan nyo rin po yung alok namin. Meron po kaming kilalang negosyante na pwedeng pakyawin lahat ng paninda nyo kung babawasan nyo ang presyo tutal naman ordinaryo lang naman po ang mga kamote na ito"
"Walang problema mga ginoo, isasara ko na din po ang tindahan sa linggo".
Agad ding nagpaalam ang dalawang pulis. Habang nasa loob ng sasakyan nag-uusap ang dalawa.
"Medyo wirdo talaga ang matanda na iyon pero kung sakaling may bumili sa kanya ng dalawang dosena eh mukhang malaki siya kumita kaysa sa atin"
"Oo nga saan ka makakakita ng kamoteng 30000 Won isang piraso? Mas mahal pa sa ginseng"
Makalipas ang isang oras, nakaidlip ang matandang babae ngunit naalimpungatan siya nang huminto ang isang napakagarang itim na kotse mula sa malayo. Bumaba ang isang napakakisig na binata. Itsurang mayaman at nakaitim na coat at tie.
Kinilatis nya ang tolda at ang mga kamote na nakabalandra
"Lola pabili nga po ng isang kamote"
"Ay iho, hindi ako nagbebenta ng paisa-isa, kada dosena ang benta ko"
Ay ganoon p ba. Sige po pabili ng isang dosena"
Ipinagbalot ng matanda ang binata ng isang dosenang kamote. Nagbigay ng 500,000 won ang binata at hindi na humingi ng sukli.
"Salamat ginoo. Ang kisig mo naman."
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Science FictionKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...