7-1 Pagpaparehistro

5 3 0
                                    


Ika-6 ng Pebrero 2019, 8:15 AM

Nagmamadaling naggayak si Patrice upang muling lumabas. Saglit nyang siniguro na dala nya ang kanyang lipstick at bolpen. Sa pag-aapura ay hindi na nya nagawang tingnan ang kanyang radar upang makasagap ng maaaring mapanganib na awra. Pagkalabas ng pinto ng kanyang silid, hindi nya akalaing masisilayan muli ang dalagitang tinangka nyang patayin na nakaupo at nagsusulat.

"Anyeong haseyo" nakangiting pagbati ni Karmela. Maaliwalas ang kanyang mga mukha at suot ang jacket na binili nila kahapon. Waring nakalimutan na nito ang nangyari noong nakaraang gabi.

Bagamat nagulat binati na rin siya ni Patrice.

"Anyeong haseyo" nauutal nyang sinabi at nagmamadaling umalis.

"Akala ko tuluyan na siyang magpapakalayo matapos ko kunin ang USB at papel? Hindi ko patapos basahin kasi kailangan ko pang isalin sa Ingles pero karamihan tungkol sa kanyang talambuhay" bulong ni Patrice sa sarili.

Habang naghihintay sa elevator ay naisipan nyang sulyapan ang kanyang radar. Kinalikot nya ito at napagtanto na may isang bampirang malapit sa kanyang lokasyon. Inadjust nya ang distansya at nadiskubre na isang metro lamang ang layo ng awra sa kanya. Agad syang lumingon sa kanyang kanan at kaliwa ngunit wala namang tao. Dinukot nya ang bolpen sa kanyang bag. Nararamdaman nyang nasa likod nya ang bampira. Mabilis syang lumingon patalikod hawak ang bolpen.

Laking gulat ni Patrice nang madiskubreng si Karmela pala ang nasa likod. Yumuko at bahagyang ngumiti lamang ang Koreana nang makita. Tinitigan ng dalagita ang bolpen. Agad ding kumalma si Patrice at dali-daling pinasok ang mapanganib na sandata sa kanyang bag..

"Oh it's you"

"Ano na naman ba ang pakay niya? Akala ko hindi na nya ako gagambalain sa oras na makuha ko na ang USB" bulong ni Patrice sa sarili.

"I join you" nauutal na pag-eenglish ni Karmela. Nasurpresa si Patrice at hindi alam ang isasagot. Naalala niya ang pangalan ng pook sa papel na binigay ng dalagita. Iyon din ang lugar na kailangan niyang mapuntahan.

"sure" tangi nyang nasambit.

Sabay silang lumabas sa hotel at sumakay ng bus. Mahigit isang oras na silang bumabyahe at dalawang bus na rin ang kanila nang nasakyan ngunit hindi pa rin sila nag-uusap. Napakalamig at -7 degrees Celisius noong panahon na iyon at may 20 minutos pa bago dumating ang ikatlong bus kaya minabuti ni Patrice na pumasok sa isang convenience store upang maghanap ng mababaon at magpainit. Nakabuntot pa rin ang tahimik na si Karmela.

Namili ng tubig, tinapay, biskwit, at kape si Patrice. Umupo siya malapit sa bintana. Bumili rin ng tubig at biskwit si Karmela at tumabi sa kanya.

Inalok ni Patrice ng tinapay ang kasama at tinanggap naman iyon ni Karmela. Gayundin, binigyan ng biskwit ni Karmela si Patrice. Masayang tinanggap iyon ng dalaga at kapwa sila ngumiti. Habang kumakain, naglakas loob magsalita si Karmela.

"Miss, nabasa mo na po yung laman ng USB?" tanong ni Karmela. Hindi iyon agad naintindihan ni Pilipina dahil Korean ngunit narinig nya ang salitang USB. Inilabas nya mula sa kanyang bag ang USB at ipinakita.

"Hindi ko pa tapos mabasa lahat. Siguro mamaya ay babasahin ko uli" sagot ni Patrice ngunit hindi nya sigurado kung naintindihan suya ng kausap. Kapwa na lamang sila tumango-tango at ngumiti.

Nais na rin makipagkaibigan ni Karmela ngunit batid nya na hindi nya maaring gambalain nang husto ang babaeng kasama. Masaya na siya dahil pinahintulutan siya ng kanilang master na personal na samahan si Patrice at tiwala din siya doon na babasahin ang laman ng kanyang USB. Laking pasasalamat na rin nya at hindi siya pinarusahan o pinatay ng kanilang master dahil sa pagkapansin sa kanya ng target at sa pangangahas nyang tumakas noong nakaraang gabi.

Noong oras na iyon ay nais na rin makipagkaibigan ni Patrice ngunit may mas importante siyang kailangang gawin. Hindi siya dapat magsayang ng oras lalo na sa bampirang hindi pa nya lubusang kilala at dagdag pa roon ay ang di nila pagkakaintindihan dahil sa magkaibang wika.

Pagkatapos kumain ay lumabas na ng tindahan ang dalawa at sumakay sa kadarating lang na bus. Maiging binabasa ni Patrice ang mga pangalan ng lugar na dinadaanan at kinukumpara sa google map sa cellphone. Napakaganda ng kabundukan bagamat tuyo ang mga puno at may mga niyebe pa sa paligid. Nakaupo sa tabi nya si Karmela na halatang nalilibang din sa mga tanawin.

Makalipas ang 30 minutos ay bumaba na sila sa Bus. Nakita ni Patrice ang tindahan ng kamote at ang malaking tarpaulin kung saan nakabantay ang isang matandang babae. Napansin din nya ang bahagyang pagkabalisa at panghihina ng kasamang dalaga.

"Ayos ka lang?" tanong nya . Tumango lamang ang kausap. Napagtanto ni Patrice na totoong sagrado ang lugar na iyon at may dalang epekto sa mga bampira. Minabuti na lamang nyang iwanan ang kasama at puntahan ang nagbabantay sa tindahan.

"Annyeong haseyo, Pabili po ng isang patatas" pagbati ni Patrice. Pamilyar sa matanda ang mukha ng dalaga.

"Magandang umaga, hindi kami nagbebenta ng paisa-isa , kada dosena ang benta namin" malambing na sagot ng matandang nagititinda. Mahusay itong mag-Ingles

"Walang problema. Pabili ng isang dosena" tugon ni Patrice. Mukhang tama ang naging pag-uusap nila na tanda na ng lihim na dayalogo bago siya makapagparehistro. Pinagbalot ng matanda ng isang dosenang kamote ang dalaga.

"Oh etoh, binibini"

"Salamat, Ikaw po ba si Madam Seri?"

"Ako nga"

"Narito po ako para magparehistro sa Seremonya sa pagtatanggal ng Masasamang Espiritu"

"Sigurado ka ba? Karamihan sa mga nagpaparehistro ay tumatanda at nagkakaroon ng komplikasyon"

"Wala pong problema"

"Kung gayon ay pakipunan ang mga tanong sa papel na ito. Ngayong linggo na magsisimula ang seremonya"

Inilabas ng matanda ang isang kwaderno na syang sinagutan ni Patrice. Kabilang sa mga katanungan ay tungkol sa tunay na pangalan, araw ng kapanganakan, kung kailan nabiktima ng masamang nilalang, at kung bakit nais sumali sa seremonya.

Habang abala sa pagsusulat si Patrice ay nabaling naman ang atensyon ng matanda kay Karmela. Nilapitan nya iyon. Batid nya sa itsura na isa ring Korean ang dalaga kaya nakipagusap siya sa sariling lenggwahe.

"Binibini, maganda ka rin at ramdam kong maaliwalas ang iyong awra pero baka sa susunod na taon pa kami magkaroon ng seremonya para sa inyo"

Kahit nababalisa, napagtanto ni Karmela na ito ang pagkakataon na matagal na nyang inaasam. Ito ang isa sa mga propesiya na sinabi sa kanila ng kanilang Master na si Wiwat.

"Pag-iisipan ko pa po. May mga kailangan pa po ako gawin"

"Kasama mo ba siya? Ano ang relasyon nyo sa isa't isa"

"Ang totoo nyan hindi kami tunay na magkakilala. Magkapitbahay lang kami at sinasamahan ko lang siya"

"Malamang alam mo na, depende pa din sa iyong mga gawa at puso kung ano ang magiging kalagayan mo matapos ang seremonya. Maari kang mamatay, maging matanda, o maging normal sa edad na nararapat sa iyo. Ang mahalaga ay mawala ang lahat ng elementong diyablo na namamalagi sa iyong katawan"

Napaisip si Karmela. Magkahalong takot at pagkasabik ang kanyang naramdaman. Medyo namangha naman si Patrice sa naririnig na nag-uusap bagaman hindi nya nauunawaan.

"Pag-iisipan ko po Lola. Sa ngayon ay nais kong tuparin ang aking obligasyon at pangako"

"Mabuti, ipapaalala ko lamang na kailangan mo na maghanda. Bawal ka tumikim ng dugo sa loob ng 400 araw bago ang seremonya"

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon