Ika-6 ng Pebrero 2019, 11:10 AM
Tapos na sa pagsagot ng registration form si Patrice. Kinuha iyon ng matandang si Seri at itinabi. Matapos niyon ay pinayuhan nya ang mga dalaga na umupo muna at maghintay ng 15 minutos. Dahan dahang naglakad palayo ang matanda patungo sa isang malaking bato kung saan ay may signal. Inilabas nya ang kanyang cellphone at tumawag.
Sa pagkainip ay inilabas rin nina Patrice at Karm ang kanilang mga cellphone ngunit napansin nilang walang signal ang kanilang kinalulugaran. Sinubukan ni Patrice na maglakad-lakad upang sumagap ng signal ngunit bigo siya at minabuti na lamang na bumalik sa istasyon. Makalipas ang ilan pang minuto ay bumalik ang uugud-ugod na matanda at inanyayahan si Patrice sa kagubatan. Pumayag naman ang dalaga.
Bago umalis, bumaling ang matanda kay Karmela na halatang nanghihina at nababalisa. Pinahawak nya sa dalaga ang isang pulseras na gawa sa maliit na itim na bato Pinakalma nito ang binibini.
"Hawakan mo lamang ang batong ito. Ikaw muna ang magbantay dito at kung sakaling may dumating, sabihin mo lang na maghintay sila sa aming pagbabalik. Baka apat na oras lamang kaming mawawala."
Napatango na lamang si Karmela at sumunod. Napanatag siya sa pulseras na ipinasuot.
Binalaan ng matanda si Patrice na tandaan ang mga punong madadaanan at huwag magsasalita o maging maingay habang sumusunod sa kanya sa kakahuyan.
Mahigit sampung minuto na nilang binabaybay ang kagubatan. Unti-unting napansin ng dalaga na bumabata at lumalakas si Seri na parang naging 40 anyos lamang habang sya naman ay nanghihina at nababalisa. Huminto sya panandalian. Napansin iyon ni Seri at ipinasuot ang isa pang itim na pulseras sa dalaga. Muling nanumbalik ang lakas ni Patrice at nagpatuloy sila sa paglalakad. Makalipas ang dalawampung minuto, narating nila ang isang bahay. Sinalubong sila ng isang nasa 70 anyos na hardinero at masayang binati.
Simple lamang ang maliit na bahay. May bakuran ito at mga halamanan. Mayroon ding lumang puting van at motorsiklo na nakaparada. Medyo nahiwagaan si Patrice dahil wala namang kalsada sa lugar na iyon bagamat may patag at hindi mapunong lugar ang pwedeng madaanan ng sasakyan.
Sinamahan sila ng hardinero mula gate patungong pintuan ng bahay.
"Kailangan ko ang bumalik at iwan ka dito. Makipag-usap ka muna kay Amaka para sa iyong tiket. Maghihintay uli kami sa may tindahan"
Nagulat ang dalaga nang biglang magsalita si Se-ri na babalik na sa Registration Area. Kailangan ni Patrice kausapin mag-isa ang nakatira sa bahay bilang parte ng pagpaparehistro sa seremonya. Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod. Pumasok siya sa bahay at isinara ang pinto.
Ordinaryo at simple lamang ang bahay.
"Tao po" wika ng dalaga ngunit walang sumasagot.
Nanatiling nakatayo lamang si Patrice. Inilabas nya ang kanyang radar at kinalikot. Nakumpirma nya ang isang mahinang enerhiya ng bampirang papalapit sa kanyang kinatatayuan. Mula sa isang kuwarto naaninag ni Patrice ang imahe ng isang babae na lumabas at parang tumingin sa kanya. Kinapa nya mula sa kanyang bag ang lipstick na kanyang sandata at naghanda. Iika-ika at mabagal na lumalapit sa kanya ang anino
Hinintay ni Patrice makalapit ang nilalang na kalaunan ay nakumpirma nyang isang matandang babae na waring nasa edad 90 at medyo balot ng sugat sa katawan. Nakasuot ito ng belo sa ulo at may salamin sa mata. Baluktot at hindi na gumagalaw ang kaliwa nitong kamay at mayroon siyang itim na kuwintas na gawa sa mga bato na halintulad sa pulseras na kanyang suot. Nagsalita ito sa Pranses.
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Science FictionKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...