5-2 Si Lee at ang mga Himura

6 3 0
                                    



Ika-5 ng Pebrero 2019, 2:00 PM


Naka-abang ang tatlong hapones na Himura sa loob ng isang magara at puting sasakyan. Nasa kanang bahagi nila ang kosteng minamatyagan. Mula sa likod na upuan ay hawak ni Suzume ang radar.

"Sigurado akong siya ang nasa loob ng itim na kotseng iyan. Naglalabas siya ng 12 DME. Halos saklaw ng range nito ang buong sasakyan. Mukhang handa siya sa mga maaaring umatake"

"Bakit kaya siya naririto?" tanong ni Kazuko na siyang nakaposisyon sa manibela ng sasakyan.

"Susubukan kong tanungin ang matanda sa Regisration" ang sabi ni Takara na nasa kanang unahang upuan, sabay panayam sa matanda sa tolda gamit ang telepathy.

"Sa wakas makikita ko na siya nang personal" mahinang bulong ni Suzume

Narinig iyon ni Kazuko at tinignan nya ng masama ang nakababatang kapatid. Napabungisngis na lamang si Suzume habang pinapalutang-lutang ang apat na napakatalim na kusilyo. Nagmasid siya sa paligid at binuksan din nya nang hindi hinahawakan ang kaliwang bintana ng sasakyan sa kanyang tabi. Dahan dahan nyang inilabas roon ang apat na kutsilyo at pinalutang papunta sa ibabaw ng sanga ng isang puno sa likuran ng dalawang kote. Nang mailapag, muling bumaling si Suzume sa hawak na radar.

Makalipas ang tatlong minuto. Inilahad ni Takara ang naging usapan nila ng matanda.

"Ladies, hindi ko talaga magawang mapaamin ang matanda tungkol sa totoong pakay ni Lee kung bakit siya narito. Kung ating nanaisin ay maari naman daw natin siyang kausapin. Gayunpaman ay nasabi nya na may posibilidad na magparehistro ang binata ngunit hindi pa ngayon. Sa kasalukuyan ay mayroon pa daw siyang hinihintay"

"Baka guluhin nila ang sagradong lugar na ito" sabat ni Kazuko.

"Ito ang pinakamagandang oportunidad upang mailigpit natin si Lee ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng dahas sa lugar na ito. Alam iyon ng lahat ng dumadayo dito"

Napaisip ang tatlo

"Sandali lang, paano kung magparehistro sila o kahit ang isa sa kanila sa seminar? Nangangahulugan iyon na wala na tayong problema. Mawawala ang kanilang mga abilidad at maaari na rin natin silang mahuli" pahayag ni Takara.

"Mabuti pa, Suzume, imonitor mo din ang lokasyon ni Ragnar habang tayo ay naghihintay" mungkahi ni Kazuko. Agad namang tumugon ang kapatid.

Samantala magkahalong pagkainip at pagkabagabag naman ang nararamdaman ni Lee mula sa kabilang sasakyan. Alam nyang wala siyang magagawa kung hindi magtiyaga at magbakasakali na magagawi sa lugar na iyon ang dalagang kanyang target. Gayundin medyo naiirita siya sa kahelerang kotse na hindi nya mawari kung ano ang pakay. Kumuha siya ng isang bote ng tubig at uminom sa pagkakabatid na bahagyang nababawasan ang kanyang enerhiya sa pagpapanatili ng kanyang kalasag bilang proteksyon sa maaaring maging panganib.

Lumipas ang isang oras at kapwa na naiinip ang mga pasahero ng dalawang sasakyan. Wala pa ring ibang bisita ang matandang nakabantay sa tolda.

Minabuti ni Lee na bawasan muna ang enerhiyang kanyang inilalabas. Nasagap agad iyon ng radar ni Suzume at agad niyang ibinalita sa dalawang kasama. Muling nagpulong ang tatlong dalaga.

Isang oras pa ang lumipas at labis na nabagot si Lee. Minabuti nyang umalis na sa lugar na iyon at bumalik na lang uli kinabukasan. Muli nyang pinaandar ang makina ng sasakyan at kumabig ngunit hindi pa man nararating ang kalsada ay sabay-sabay sumingaw ang mga gulong ng kanyang kotse. Tumirik ang kanyang sasakyan malapit sa isang bangin. Agad siyang lumabas upang suriin. Pagkasilip sa mga gulong ay agad nyang nakita ang mga butas na indikasyon ng matutulis na bagay na tumusok sa mga ito. Wala naman siyang nakitang anumang mataliim na bagay sa paligid.

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon