10-3 Bala ng Paghihiganti

10 3 0
                                    


Ika-7 ng Pebrero 2019, 5:00 PM

Kapwa tahimik at nanginginig sa takot si Zephyr at ang empleyadong si Hyejin habang nakatanaw sa isang halimaw na guwardiyang nakatayo at naglalakad nang wala sa sarili

Nakaupo at Nakasandal sa pintuan ang nanghihinang si Zephyr. Basa na ng dugo ang kanyang jacket at pantalon. Malapit sa kanya si Hyejin na nababalot ng sapot at nakatayong nakadikit sa pinto at hindi makaalis. Madalas silang nagtitinginan na waring nagkakaintindihan na huwag gumawa ng kahit anumang ingay.

Humihinga nang malalim ang binata upang mapabagal ang malakas na kabog nang kanyang dibdib. Nanlaki ang kanyang mga mata nang masilayan ang baril malapit sa kamay ng isang nakahandusay na guwardiyang naliligo sa dugo. Halos kalahati na lamang ang napinsalang ulo nito ngunit humihinga pa ang katawan.

Nagtitigan si Zephyr at si Hyejin. Naunawaan ng ginang ang tangkang pagkuha ni Zephyr sa baril sa oras na makaipon siya ng lakas.

Isang guwardiya pa na naging halimaw ang iika-ikang tumayo habang nakakahindik na umuungol. Napansin ito ng naunang halimaw at waring naging bayolente. Sumigaw ito at mabalasik na inatake ang katatayong halimaw. Inundayan nya ito nang mahigit limang kalmot, binuhat, at inihagis sa direksyon malapit kay Zephyr.

Muling nilapitan at sinunggaban ng halimaw ang nabalibag na kaaway at muling inundayan ng maraming kalmot. Ginamit na oportunidad iyon ni Zephyr upang gumapang at abutin ang baril. Nagawa nya itong makuha at itinutok sa nagwawalang halimaw. Kinalabit nya ang gatilyo ngunit hindi iyon pumuputok. Nanginginig ang kamay ng binata at hindi alam ang gagawin.

Natanaw ng binata na tinatawag siya ni Hyejin. Gumapang siyang muli palapit sa ginang upang ibigay ang baril. Iaabot na sana nya ang sandata ngunit aksidente nya itong nabitawan dahil sa labis na panginginig. Nalaglag ang baril sa sahig at nagdulot ng ingay na narinig ng halimaw.

Nakita ng halimaw si Zephyr at Hyejin. Binalingan sila nito at sinugod. Napapikit na lamang ang dalawa sa takot. Makalipas ang ilang sandali ay narinig nila ang malalakas na ungol. binuksan nilang muli ang kanilang mga mata at nasilayan ang isang lalaking may hawak na patpat. Nakasuot ito ng kulay itim na jacket, nakamaong na pants, may sumbrero, at nakamaskara sa mukha na halintulad sa jabawakis.

Laking pagtataka ni Zephyr at Hyejin kung saan nanggaling ang lalaki. Muling tumayo ang halimaw at umatake ngunit pinaghahampas siya ng patpat ng lalaki. Tuluyang nabugbog at hinimatay ang halimaw. Nang makumpiramang ligtas na ang paligid, naglabas ng patalim ang lalaki at lumapit sa binata at empleyado na kapwa natatakot pa rin.

"Huwag mo kaming saktan!" pakiusap ni Hyejin.

Unti-unting hiniwa ng lalaki ang mga matitibay na sapot na nakapalibot sa ginang. Gumapang naman paatras si Zephyr upang hindi malaglagan ng malalagkit na sapot.

"Sino ka?" tanong ni Hyejin. Hindi sumagot ang nakamaskara. Lumingon iyon kay Zephyr at ipinagpatuloy ang pagputol sa mga sapot. Tahimik lamang and duguang binata sa sulok. Makalipas ang isang minuto ay medyo nakakagalaw na ang ginang. Binigay ng nakamaskarang lalaki ang patalim upang ang babae na ang magpatuloy sa pagkalag sa kanyang sarili.

"Salamat" sambit ni Hyejin. Pinagpatuloy nyang hiwain ang mga sapot upang tuluyang makawala. Bumaling naman ang nakamaskarang lalaki sa mga nakahandusay na katawan upang mag-imbestiga.

"Kilala mo ba siya?" tanong ng ginang kay Zephyr.

"Oo, kasamahan ko siya" sagot ng binata na waring naunumbalik na ang lakas.

"Mabuti naman"

Dinampot ng ginang ang nalaglag na baril. Napag-alaman nyang may bala pa ito.

"Bata ka pa talaga at mukhang baguhan sa paggamit ng armas. Hindi mo pa alam ang tungkol sa safety"

Nagawang makatayo ni Zephyr at dumampot din ng isa pang baril.

"Mas maaga pa sanang umaksyon ang mga guwardiyang iyan kung hindi dahil sa iyo"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Naghinala kami na isa kang tao at naghintay na ikaw ay makaalis bago paulanan ng bala ang mga kriminal na umatake sa'tin"

"Wow ha! Parang mga inutil naman ang mga guwardiya dito. Ramdam ko yung unang bala, ako yung nasapul eh"

"Maiba tayo ng usapan. Sino siya? Mukhang kanina pa siya nag-iimbestiga"

"Ang pangalan nya ay Wiwat. Siya ang aking boss"

Mukhang tapos nang mag-imbestiga ang nakamaskarang lalaki. Pinasok nya ang silid na may mga gamot at kemikal at kumuha ng ilan sa mga iyon. Binalikan nya ang dalawang nag-uusap.

"Kukunin ko ang mga ito. Siguro sapat na bayad na ang pagligtas ko sa iyo. Kilala mo ba ang umatake sa inyo?"

"Opo, ginoo. Apat sila. Ang kanilang lider ay nagngangalang Jaffar"

Nakita ng nakamaskara ang ID ng empleyado.

"Jaffar? Sige, pakiulat lahat ng nangyari sa WVO at pakilinis ang gulo dito. Pwede pang mabuhay ang mga guwadya na iyan. Ikulong at patulugin nyo muna sila. Iwasan nyong makagat dahil apektado sila ng virus. Kailangan na naming umalis"

Napatango na lang ang ginang.

"Halika na! Zephyr" anyaya ni Wiwat. Sumunod ang binata.

Naglakad sila palayo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, Itinutok ni Zephyr ang baril sa ulo ni Wiwat habang to ay nakatalikod at ito ay kinalabit. Tumagos ang bala at nag-iwan ng butas sa ulo ni Wiwat at natumba ang kanyang katawan.

Labis na nagulat at nabagabag si Hyejin sa nasaksihan.

"Nababaliw ka na ba? Anong ginawa mo? Magpaliwanag ka!" nanginginig na tanong ng ginang at itinutok ang hawak na baril kay Zephyr.

"Alam ko na ang maitim nilang balak. Isa sya sa mga dumudukot sa mga tao at bampira upang gawing alipin. Hindi ko akalaing nagpaloko ako sa kanila" sagot ng binata at muling pinaulanan ng tatlong bala ang nakahandusay na katawan ni Wiwat.

"Mayroon siyang tinurok na serum sa aking katawan upang maitago ko ang aking enerhiya at hindi basta-basta madetect ng vampire scanner. Pinagtrabaho nya ako at niloko para sa kanilang balak. Ngayon magbabayad silang lahat!" Punong-puno ng galit ang mga mata ni Zephyr.

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon