Ika-5 ng Pebrero 2019, 7:00 PM
Muling lumusob si Kazuko at matapos ang ikalawang unday ay nasipa nya ang sikmura ni Ragnar. Medyo nainis ang lalaki at umatake ng mga suntok at sipa na nailagan din ni Kazuko. Gumanti ng hataw ang dalaga ngunit hindi nya iaasahang masasalag at mahahawakan ni Ragnar ang kanyang kaliwang kamay. Akmang susuntukin na sana siya ni Ragnar ngunit biglang pumulupot ang latigo ni Takara sa leeg ng kalaban. Nahila si Ragnar na agad ding bumitaw kay Kazuko nang makitang may isa pa itong punyal na inilabas. Sumirko at nanatiling nakatayo si Ragnar paglapag sa sahig. Isang sibat ang muntik nang tumusok sa kanyang mukha ngunit agad nya iyong nasalo ng kanang kamay at itinapon sa gilid.
"Not bad"
"Kazuko, ayon kay Susume maximum of 8 DME lamang ang inilabas ni Ragnar sa mga atake natin. ...wala pang 25%. Panahon na upang maging seryoso" ang sabi ni Takara sa kakampi gamit ang telepathy. Sumang-ayon naman si Kazuko.
Muling pumorma ang dalawang babae at sumugod.
Patuloy na umiilag si Ragnar sa magkasabay na atake ng dalawang babae at nang makakuha ng bwelo ay nagawa nyang patirin si Takara at masipa sa balikat si Kazuko. Kapwa napinsala ang dalawa at biglang umatras. Hahabulin pa sana ni Ragnar si Takara ngunit may tatlong sibat na humarang at muntikan siyang matusok. Agad nyang nailagan ang dalawa at nasalo at binali ang ikatlo.
Nagmasid si Ragnar sa paligid. Batid nya na mayroon pang kalabang hindi niya nakikita ang umaatake sa kanya gamit ang mga sibat. Nakatindig lamang si Ragnar samantalang nakapormang handang umatake pa rin ang dalawang babae. Kinausap ni Takara si Kazuko gamit ang telepathy
"Kazuko, mukhang kailangan na nating gamitin ang ating mga abilidad"
"Mabuti pa nga, Takara"
Tumindig nang tuwid ang dalawang babae, huminga nang malalim at itinutok ang kanilang kanang palad sa kalaban. Napansin iyon ni Ragnar
"Ano na namang kalokohan iyan? Maghanda kayo dahil gugulpihin ko na kayo!" pasigaw na sambit ng lalaki habang dahan -dahang naglakad papalapit kay Takara. Dalawang metro bago nya tuluyang lapitan ang puntirya, inangat ni Ragnar ang kanang kamao. Nananatiling nakatitig lamang nang masama sa kanya ang dalawa.
Sa kanyang ikatlong hakbang palapit pa sa babae ay biglang nahilo at napaluhod si Ragnar. Nanlabo ang kanyang paningin at nanghina nang bahagya. May tumulong dugo mula sa kanyang ilong.
"Ngayon na Kazuko!" hudyat niTakara. Narinig ni Ragnar ang sigaw at pinilit nyang lumingon sa kaharap na babae at tumayo upang labanan ang nararamdaman ngunit huli na ang lahat. Bago pa man makatindig ay naramdaman nya na may mainit sa kanyang likuran. Limang sibat din ang tumusok sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Mayroon magkabilang hita, isa sa tagiliran, at dalawa pa sa magkabilang braso. Nagliliyab ang katanang nakatusok sa kanyang likod at siya ay duguang napaluhod.
"Sino ba kayo?" naghihingalong tanong ni Ragnar
Nilabas ni Kazuko ang isa pang Katana at umatras palapit kayTakara
"Ilang mga insekto ang meron si Jaffar na kagaya nyo?" patuloy na pagsisiyasat ni Ragnar habang pinipilit tumayo.
"Mag-ingat ka Kazuko" babala ni Takara na nakatutok ang dalawang palad sa lalaking kalaban. Napansin ni Kazuko ang mga pawis ni Takara. Batid nya na hindi na gumagamit ng telepathy ang kakampi upang maipokus ang enerhiya.
"Naiintindihan ko. Unti-unti syang lumalakas. Sa tindi ng atake ko, hindi ko pa rin lubusang naitusok ang aking katana sa kanyang malametal sa tigas na katawan"
Makalipas ang ilang segundo ay huminga nang malalim si Ragnar at pinilit makatayo sa dalawang paa, bakas sa kanya ang pinsalang tinanggap. Hinugot nya ang dalawang sibat na tumusok sa kanyang braso at itinapon. Lumiyad sya upang subukang abutin at hugutin din ang nakabaong espada sa kanyang likod. Ginamit na oportunidad iyon Kazuko upang umatake. Mabilis nyang sinugod at iwinasiwas ang kanyang ikalawang katana ngunit naiwasan lamang iyon ni Ragnar at sa halip ay naputol nya ang kanyang sariling katanang nakabaon sa likod ng kalaban.
"Thank you" nakangiting sinambit ni Ragnar sabay sipa .
Malaki ang kumpiyansa ni Ragnar na matatadyakan nya si Kazuko dahil sa pagkawala ng balanse ng dalaga ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay kinapos ang kanyang atake dahil sa animong pwersa na humila sa kalaban upang hindi tamaan. Matapos niyon ay apat na sibat ang muntik na muling tumusok sa kanya ngunit kanyang nailagan.
"Mga mandaraya!"
Nagsimula nang magngitngit sa galit ang duguang si Ragnar. Muli siyang tumindig habang binubunot ang tatlong natitirang nakabaong sibat sa kanyang katawan. Binali nya ang isa sa mga ito. Muli sana nyang lalapitan si Takara ngunit napansin nya ang isang babae na nagbabalak na muli siyang atakihin mula sa likod.
"Katapusan mo na!"
Bumwelo si Ragnar at nag-ipon ng lakas. Lumaki at tumigas ang kanyang mga masel na pumunit sa kanyang pag-itaas na damit. Nalaglag ang piraso ng katana na bumaon sa kanyang likod. Lumantad ang kanyang matipuno at mabalahibong katawan. Unti-unting naghilom ang kanyang mga sugat. Humaba ng kaunti ang kanyang pangil. Mas naging malakas ang kanyang awra pati pag-iisip. Hindi na sya lubusang naapektuhan ng kapangyarihan ni Takara. Hinawi nya si Kazuko na napatilapon ng halos tatlong metro. Naramdaman nya ang paparating na apat na sibat na imbis na kanyang ilagan, ay kumpiyansa nyang pinagsasalo.
Ihinagis nya ang isa kay Takara at tumusok iyon sa balikat ng dalaga. Napahiyaw sa sakit ang babae habang hinuhugot ang sibat. Mabilis na nakalapit si Ragnar at nagtangkang tapakan ang nakahigang kalaban ngunit agad na nakagulong at nakaiwas ang duguang si Takara. Bumuwelo ang dalawa, Iwinasiwas ni Takara ang sibat gamit ang isang kamay ngunit nasambot lamang iyon ni Ragnar at binali. Mistulang bata si Takara sa tindi ng lakas ng kanyang kalaban. Hindi nya kayang makipagsabayan kaya napilitan siyang umatras. Hahabulin pa sana siya ni Ragnar ngunit may tatlong espada ang sumugod mula sa kawalan. Animo ay may mga buhay ang espada na sinusubukang hiwain ang lalaki.
Sinubukang salagin ni Ragnar ang mga espada at nagkaroon ng hiwa ang kanyang mga braso. Bagamat hindi matindi ang mga pinsala, ikinagalit iyon ng lalaki.
Nakaramdam sila ng init at nakasilay ng liwanag.
Tumayo ang nagbabagang katawan ni Kazuko Natupok ang damit at bumungad ang metal na baluti.
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Science FictionKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...