8-1 Pagbabalik sa Pagkabata

5 3 0
                                    

Ika-6 ng Pebrero 2019, 2:30 PM

Habag na habag si Patrice habang minamasdan ang kalagayan ng isang taong nakaratay at binubuhay na lamang ng makina. Halos butu't balat na lamang, mabaho, at naagnas na dahil sa ketong ang asawa ni Amaka na si Justine.

"Justine, eto nga pala si Patrice. Sasali sya sa seremonya upang matanggal ang mga bahid ng demonyo sa kanyang katauhan" ang sabi ng matandang babae habang hinihimas ang ulo ng asawa. Hindi na nakakapagsalita o nakakagalaw ang lalaki ngunit gumagalaw pa rin ang mga mata nito at nakatingin sa bisitang dumating.

"Magandang araw ginoong Justine. Nagagalak po akong makilala kayo. Isa po kayong bayani at dapat lang hangaan sa inyong katapangan at kabutihan. Maraming salamat sa pagbabahagi ng inyong istorya sa pamamagitan po ng kwento ni Amaka" pagbati ni Patrice. Pinipilit nyang maging positibo kahit sa loob nya ay lubos syang naawa sa kalagayan ng lalaki.

Dalawang segundong umungol nang mahina ang lalaki at pinakinggan ito ng dalawa.

"Oo, sa totoo lang ay balak ko siyang takutin tungkol sa seremonya subalit humanga pa sya sa iyo. Nakakatuwa nga dahil nagkaroon tayo ng bisita. Mabuti na lamang at mahusay siya magsalita ng Pranses. Isa pa la syang Pilipina" malumanay na wika ng matanda sa asawa.

Namasdan ni Patrice ang sakripisyo ng matandang babae upang panatilihing buhay ang asawa. Nabaling rin ang kanyang atensyon sa mga libro at computer sa silid ng nakaratay. May mga larawan din dito ng tribo na pinagmulan ni Amaka at mga misyonaryong nakasama ng Justine. Pansamantalang pinagmasdan nya ang mga iyon.

"Binibining Patrice, heto tanggapin mo ang papel na ito. Magsisilbi itong tiket na maari ka nang sumali sa seremonya. Maraming salamat sa iyong pakikinig sa aming istorya at nagagalak kami na napabisita ka"

Malugod na Tinanggap ng dalaga ang maliit na piraso ng kulay dilaw na papel na inabot ng matanda. Walang ibang laman ang papel kundi ang pangalan at Pirma ni Amaka.

"Maraming salamat po. Hindi ko po kayo makakalimutan. Pag-uwi ko at ikukuwento ko ang inyong istorya sa mga kasama ko sa Pilipinas" sagot ng dalaga.

"O siya, kailangan mo nang bumalik kay Seri. Malakas ang radiation sa makina dito at baka hindi kayanin ng pulseras mo ang matagal na pagbabad sa makina"

Mabagal na sinamahan ni Amaka si Patrice palabas ng bahay at doon ay muling nagpaalam.

"Ang ganda ganda mo. Nais ko sanang kumuha ng larawan kasama ka ngunit mahigpit na pinagbabawal iyon dito" natatawang sinabi ng matanda.

"Maraming salamat din po. Ibibigay ko nalang po ang aking donasyon sa hardinero para sa inyo po" wika ng dalaga.

"Salamat kung ganoon. Gayunpaman ay hinding hindi ka namin malilimutan. At nawa ay maging matagumpay ang iyong pagsali sa seremonya. Hangad namin ang iyong magandang buhay pagkatapos"

Lumabas na ng bahay si Patrice at sinalubong siya ng hardinero. Ibinigay nya ang sobreng may lamang pera upang makatulong sa gastusin sa bahay ng matanda. Lumabas ng bakuran si Patrice at huminga nang malalim. Pumikit siya at muling nakita ang van na nakaparada. Tinawag nyang muli ang hardinero

"Ginoo, gumagana pa po ba ang van? Pwede po ba akong humingi ng pabor sa inyo?"

Kinausap ni Patrice ang hardinero.

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon