Ika-5 ng Pebrero 2019, 12:00 PM
Sa isang mahaba at malaking mesa sa loob ng isang malinis na opisina sa Hokkaido Japan, nagpupulong si Jaffar at ang kanyang pitong pangunahing alagad.Isang lalaking may kutis na kayumanggi at may mahaba at tuyot na itim na buhok ang nakatayo at nag-uulat tungkol sa bilang ng kanilang mga nabiktima sa loob ng dalawang lingo. May mga numero at grap ang nakaprojek sa harap ng lahat.
"Ayon sa aming mga datos ay dalawang lalaki at apat na babae ang nawawala sa ating mga biktima at puro sila estudyante ang isa ay galing sa ...."
Hindi pa man tapos sa pagpapaliwanag ang nag-uulat ay bigla na sumabat si Jaffar
"Wala akong pake! Ang mahalaga ay mahagilap nyo kung saan matatagpuan ang mga test subject na iyon kahit ano pa man ang kanilang pagkakakilanlan. Hindi ko kailangan ang mga inutil sa grupong ito"
Natahimik ang lahat.
"Ano wala bang nakakaintindi sa aking mga sinabi? Bakit parang wala na akong kausap?"
"Yes Boss, Noted, Yes Chief" tanging naisagot ng bawat isa. Nagpatuloy ang pag-uulat.
Naudlot ang pagpupulong nang may natanggap na tawag si Jaffar sa kanyang cellphone. Kinailangan nyang magtungo sa kanyang opisina upang pribadong makipag-usap sa isang bampirang may mataas na katungkulan.
Nang marating ang pribadong silid ay agad siyang nagkulong sa loob at binuksan ang isang malaking monitor gamit ang remote kung saan makikita ang isang payat na babaeng waring edad 50, may maiksing buhok, at nakaitim at pormal na kasuotan. Nakasaad sa video call ang pangalang Boss Ebola. Agad naman silang bumati sa isa't isa at nag-usap.
"Magandang Gabi Miss E"
"Magandang gabi naman Jaffar. Balita ko ay binabalak ng iyong grupo na magtungo sa Korea upang doon hanapin ang pseudogen na iyong pakay"
"Oo Miss E, Siguradong patungo sa direksyong iyon ko naramdaman ang kanyang awra. Naroon na rin ang aking espesyal na alagad at nagawa naming masukat ang distansya at trend base sa enerhiyang aming nakalap "
"Kung gayon ay nagkakaroon na ng kaliwanagan ang iyong apat na taong paghahanap sa nilalang na wala kang ideya kung sino, ano ang itsura, at kung saan matatagpuan. Tanging pang-amoy at compass lamang ang iyong batayan" pangungutyang sinabi ng ginang. Napataas ang kilay ni Jaffar.
"Wala akong magawa dahil ipinagkakait nyo sakin ang bangkay ni Doktor V. Kung matagal nyo na siyang ibinigay sa akin ay malamang nakumpleto ko na ang virus at kapwa tayo nagdiriwang ng ating tagumpay"
"Pasensya na kamahalang Jaffar Shah, masyadong matayog ang iyong pangarap para sa isang hindi tunay na bampira. Hindi ko masisisi ang awtoridad na pagdudahan ang iyong pagiging sakim at kung anumang motibo ang mayroon ka. Malamang ay nais mong sakupin ang buong mundo kasama na ang mundo namin gaya ng pagsakop na ginawa mo noon sa ibang kaharian noong ikaw ay tao pa lamang .... na puro pumalpak".
"Miss E, 26 taon lamang ako namuhay bilang tao sa kaharian ng aking ama samatalang mahigit 400 taon akong nakisalamuha sa mga bampira. Hindi ko lubos maisip bakit hanggang ngayon ay pinagdududahan nyo pa rin ako at tinuturing na kriminal"
"Alam mo kamahalan ang mga numerong iyong binanggit ay walang saysay lalo na at kinain mo lamang kamay ng Doktor na tumulong sa iyo"
"Ginawa ko iyon dahil gusto kong ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan! Inutil na ang doktor at nakapanghihinayang ang kanyang talino kung hindi natin magagamit"
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Sci-fiKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...