6-4 Pagdukot sa mga Himura

6 3 0
                                    


Ika-5 ng Pebrero 2019, 10:45 PM

Nagkamalay at nanumbalik ang kaunting lakas ni Suzume. Napagtanto nya na dalawang oras pala siyang nakatulog. Sinilip nya ang mga kasamang babae sa likod at nakita ang kalunus-lunos nilang kalagayan. Inayos nya ang pagkakaupo ng mga iyon at kinabitan ng seatbelt. Mukhang aabutin pa ng mahigit isang linggo upang sila ay maghilom. Pinaandar nya ang kotse at nagsimulang bumyahe. Madalang daanan ang kalsadang kanyang binabagtas.

Makalipas ang dalawang minuto ay naaninag nya ang isang asul na ferari na nakaparada. Hindi maganda ang kanyang kutob ngunit mas mahalagang makaalis agad siya sa lugar na iyon kaya minabuti nyang huwag na lamang pansinig ang sasakyan. Nang malapit na nyang madaanan ang nakaparadang kotse, nilingon nya iyon. Isang lalaking nakashades ang sakay nito. Namukhaan nya ang lalaki ngunit kasabay ng kanyang pagkilala ay biglang nabangga ang kanyang minamanehong sasakyan sa kung anong pader na hindi nya nakita.

Bumaligtad ang kotse at bumangga sa puno sa gilid, Duguan at napinsala nang husto si Suzume. Bago muling mawalan nang malay ay naaninag nya na may lumapit sa kanila. Nandilim ang kanyang paningin ngunit naramdaman nya na hinihila sya palabas mula sa nasirang sasakyan.

Ika-11:30 ng umaga kinabukasan. Nasa kama na si Suzume at may dextrose na nakatusok sa kanya. Napansin din nya ang isang pamilyar na metal na pulseras sa kanyang kamay. Namasdan din nya sina Kazuko at Takara na nakaratay at nakadextrose sa dalawa pang kama. Nanghihina pa siya at hindi magawang makatayo gayunpaman napanatag siya dahil mukhang nasa maayos na kalagayan ang kanyang mga kasama. Waring nasa isang silid sa ospital ang tatlo ngunit nabahala siya sa pulseras at sa isang malaking papel na nakapaskil sa dingding sa harapan.

"Relax, Do not stress yourself. Do not release strong energy, else you will regret"

Napagtanto nya na ang pulseras sa kanyang kamay ay isang electricutor na ginagamit sa mga sundalong bampira ng WVO upang hindi makapaglabas nang malakas na enerhiya. Pinilit nyang makatayo at naglakad upang kumustahin ang mga nakaratay na kasamahan. May mga pulseras din sila at ligtas sa bingit ng kamatayan. Inusisa nya ang silid at sinubukang buksan ang pintuan ngunit nakakandado ito mula sa labas. Dumungaw siya sa bintana at nasilayan ang isang dagat.

"Ospital sa tabi ng dagat?" bulong nya sa sarili.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Lee. Nabahala si Suzume ngunit napanatag saglit nang makita ang maamong mukha ng lalaki. May dala siyang trey na may mga tubig at biskwit.

"Magandang umaga" sambit ni Lee.

"Nasaan kami? Anong balak mong gawin samin?" tanong ng dalaga na kahit nanghihina ay agad na dinepensahan ang mga nakaratay na kasamahan.

"Kalma ka lang. May electricutor ang mga pulseras na nasa kamay mo. Makukuryente ka pag pinuwersa mo ang sarili mo" wika ng ginoo habang inilalapag ang trey sa mesa. Naupo sya sa isang bangko habang minamasdan ang nababahalang babae.

"Nasa Cheon An kayo sa aking bahay bakasyunan. Nandito kayo kasi nakita ko ang pakikipaglaban nyo kay Ragnar. Ang tapang nyo ha. Sa ngayon, siya ang alam kong pinakamalakas na mandirigma dito sa bansa. Buti nabuhay pa kayo."

"Anong balak mong gawin samin?"

"Sa totoo lang balak ko kayong singilin kasi ang laki ng pinsala na dinulot nyo sa lugar na pagmamay-ari ko at alam kong kayo ang sumira ng sasakyan ko sa Gapyeong. Hayy! kinailangan ko tuloy maghintay ng isang oras sa bus dahil sa ginawa nyo. Kung kukwentahin mukhang aabot ng 24 milyung dolyar ang kailangan nyo bayaran. Huwag kayong mag-alala. Kung hindi nyo kaya ang presyo ay sisingilin ko din ang nag-utos sa inyo"

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon