Ika-22 ng Disyembre 2018, 6:10 PM
Kalalapag lang ng eroplano at hinayaan nang lumabas ang mga pasahero. Kanya-kanyang kuha ng bagahe at masayang naglabasan ang iba't ibang lahi. Nagpasalamat ang mga cabin crew at gayundin ang mga pasahero sa kanila.Napansin ng isang flight stewardess ang huling pasaherong babae na mistulang nahihirapang ilabas ang kanyang bagahe mula sa compartment. Tinulungan nya iyon at ngumiti.
"Thank you, Miss"
"My pleasure"
Paalis na ang babae nang muling bumaling sa stewardess
"Siguro eto na din ang huli mong araw bumyahe bago magbakasyon "
Nagtaka ang kinausap na attendant.
"Sorry Ma'am, Ano po ang ibig mong sabihin"
"Alam ko kung ano ka at batid ko na natanggap mo ang balita tungkol sa lockdown"
Sa oras na iyon ay nakaramdam ng pagkabahala ang stewardess.
"Tama ka eto na ang huli kong byahe. Kailangan ko sumunod sa lockdown" tangi nyang nasambit
"Mabuti naman. Mag-iingat ka ha" nakangiting sambit ng pasahero
Napansin ng isa pang flight attendant ang pagkabagabag sa mukha ng kasamahan. Lumapit siya upang makinig at alamin kung ano ang pinag-uusapan. Nakita siya ng dalawa na kapwa ngumiti.
"Ang ganda mo naman at mukhang disiplinado at mabait. Pangarap ko din maging flight attendant kaso mukhang hindi ako pinayagan ng height ko hahahaha"
"Ay salamat po. Naku, Ma'am. Ikaw nga po napakaganda mo rin"
"O siya, salamat ha. Mabigat kasi talaga ang bag ko. Thank you for the nice flight" muling sabi ng babaeng pasaherong si Patrice sabay lakad paalis. Tumungo na siya sa terminal upang kunin ang maleta.
Masaya siyang sinalubong ng ina at dalawang kapatid.
"Ate! Ang tagal mo naman! Kanina pa kami rito" sabik na sinabi ng nakababatang 14 anyos na babae
"Tara Ate ipapakilala kita sa bagong kong kaibigan" yaya ng 19 anyos na lalaki.
"Eto si Patricio pinagyayabang na naman yung kotseng regalo sa kanya ng daddy nya" sabat ng ina.
Isa-isang niyakap ng dalaga ang mga kapatid at ang ina.
"Kumusta ka na anak? Parang mas napapadalang na pagtawag mo samin ah. Siguro busy ka na sa mga manliligaw mo"
"Ay hindi po, madami lang po talaga trabaho. Alam nyo na buhay ng nars"
"Ang bait bait talaga ng anak ko"
"Siya nga pala alam ko magagaling kayo mag Japanese pero tagalog po muna tayo ah"
"Si Ate, talaga ang tali-talino mo pero hanggang ngayon di ka pa rin magaling mag Japanese" wika ng lalaking kapatid
"Hayaan mo na nga siya" sabat ng batang babae.
Hindi na sinubukan pang intindihin ng ate ang mga sinabi ng mga nakababatang kapatid.
"Tara excited na ako makita si daddy, lolo at si lola" yaya ng dalaga.
Pag-uwi sa bahay binitbit papasok ng dalawang kapatid ang mga gamit ng dalaga. Nakaabang ang lolo at lolang nakaupo sa wheel chair. Agad na Niyapos ni Patrice ang matandang nakaupo at hinalikan. nagmano din siya sa kanyang lolo.
"Lola masakit pa po ba mga sugat nyo?" tanong ng dalaga
"Ay eto mukhang kailangan ko na namang magpakunsulta bukas parang naimpeksyon na yung paa ko, may nana na " sagot ng matanda.
Tinignan ni Patrice ang mga sugat ng lola at kinilatis. Alam nya na malubha na iyon na dala na din ng diabetes ngunit may iba siyang binabalak.
"Hay naku lola, mukhang simpleng sugat lang po ito. Pakiramdam ko gagaling na din iyan ngayong lingo sa tulong ng antibiotic at makakalakad ka na nang maayos"
"Mukhang imposible naman yata iyang sinasabi mo apo. Sabi ng doktor baka malapit na dumating yung panahon na puputulin na nila paa ko.
"Naku lola, magpustahan pa po tayo. Nars yata itong apo nyo" kumpiyansang sambit ng dalaga
"Sana nga magkatotoo iyang sinasabi mo kasi natatakot din ako"
Mula sa kusina, sumigaw ang nanay na si MIla.
"Mga anak , maghanda na kayo, kakain na tayo, parating na ang daddy nyo"
Sinalubong ng mag-anak ang dumating na napakabait na padre de pamilya. Sabay-sabay silang nanalangin at kumain.
Tatlong taon nang naninirahan ang pamilya sa Japan at doon na din nagtrabaho ang ama. May negosyo din silang maliit na tindahan ng mga sabon. Bagaman marunong na silang magsalita ng wikang Hapon, Tagalog pa din ang ginagamit nila sa loob ng bahay.
Matatalino ang dalawang nakababatang kapatid ni Patrice na puro nangunguna sa klase. Isa o dalawang beses na lamang sa isang taon sila sama-samang nagbabakasyon sa Pilipinas kung saan nagtatrabaho ang dalaga bilang isang nars.
Alas nuwebe na ng gabi at naghahanda na matulog ang lahat. Tapos na maghugas ng pinggan ang bunsong babae at pumasok na sa kanyang kuwarto. Naroon ang kanyang ate at naghihintay sa kanya.
Inakbayan ni Patrice ang bunso.
"I am so proud of you, Jane. Nakita ko yung singing performance mo sa school . Eto regalo ko sa'yo" ang bati ng ate sabay abot ng isang bagong pink na wallet.
"Wow ate, Thank you. Ang cute naman nito. Alam mo kahit wala nang regalo basta kasama ka namin lagi masaya na ako" lambing ng bunso sabay yakap sa ate.
"Ang ganda ng kuwarto mo ha, dalagang dalaga ka na, mukhang hindi ka na mahilig sa mga pambatang manika puro anime cartoon nalang".
Napansin ng ate ang isang display na laruan sa may tabi ng bintana. Para itong nakaupong itlog na may mukha na nakataas ang kanang kamay.
"Ano pala iyon" agad niyang naitanong.
"Ah regalo yan sa akin ng kaklase ko Isang maliit na estatwa. Sabi nya gumagalaw daw ang kamay niyan kapag may anghel o demonyo sa paligid" sagot ng bunso.
"Eh totoo ba iyan? Nakita mo na ba iyang gumalaw?" muling tanong ng ate
"Minsan gumagalaw siya pero hindi mabilis"
"Hay naku, Jane, mabuti pa wag ka masyado maniwala sa mga ganyan".
Nagkibit-balikat na lamang ang bunso. Magkasama sa kuwarto na natulog ang magkapatid na babae.
Hating gabi at tulog na ang lahat. Hindi namalayan ni Jane ang pagbangon ng kanyang ate.
Nagtungo si Patrice sa silid ng kanyang lolo at lola na kapwa mahimbing na natutulog. Lumapit sya sa dalawang matandang mag-asawa. Kumuha sya ng isang kakaibang kendi mula sa bulsa. Tinanggal nya iyon sa pagkakabalot at ipinatong sa bandang ulunan ng mga matatanda. Agad na natunaw ang kendi na naging usok at kumalat sa buong kuwarto.
Ikinandado ni Patrice ang pinto mula sa loob ng silid at nagbantay. Makalipas ang 2 minuto, Hinawakan niya ang ulo ng lola at maya-maya pa ang napakagandang mga mata ng dalaga ay biglang naging kulay pula.
Ika-12 ng gabi, tulog na si Jane at hindi niya napapansin ang mabilis na paggalaw ng kamay ng maliit na estatwang malapit sa bintana.
![](https://img.wattpad.com/cover/274490895-288-k636810.jpg)
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Fiksi IlmiahKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...