Ika-4 ng Pebrero 2019, 12:00 PM
Sa isang eleganteng opisina ng gusaling may malalaking bintanang salamin, paulit-ulit na pinapanood ng isang makisig at binatang lider na si Lee ang mga music Video ng tanyag na mang-aawit na si Stacy.May kumatok sa pintuan.
"Pasok"
Isang empleyadong nakacoat and tie at nasa eda 40 ang yumuko tanda ng respeto at pumasok. Nakita niya ang pinuno na nakadekuwatrong nakaupo sa isang silya sa harap ng isang mesang pinapatungan ng computer.
"Master Lee, nakausap na po namin ang manager ng mang-aawit. Hindi nya makumbinsi si Stacy na umalis sa bansa ngunit pumayag po siyang dumalo sa ating imbitasyon sa kundisyon na tayo ang sasagot sa lahat ng kanyang gastos sa pagpunta at pananatili sa Korea" ulat ng dumating.
"Wala pa rin ba kayong nakuhang impormasyon mula sa social media o sa mga fans?"
"Paumanhin wala pa rin po. Negatibo pa rin ang mga ulat mula sa ating mga miyembrong ipinadala sa Pilipinas upang humahagilap sa mga kasama nya sa music video"
"Walang problema, mukhang mahusay talaga ang ginawa niyang pagkukubli sa lahat ng mga naging kasama nya. Kung gayo'y mapipilitan tayong daanin sa puwersa ang mang-aawit"
Napalunok ang nag-ulat na miyembro.
"Paumanhin pinuno, batid natin na wala ring muwang ang kanyang manager sa misteryosong music video. Kung sakali po ba ay binabalak nyo siyang ipadukot sa oras na makarating siya dito?"
Napatingin ng masama si Lee sa miyembro ngunit makalipas ang limang segundo ay agad ding humalakhak. Lumapit siya at inakbayan sa balikat ang lalaking nag-ulat.
"Batid mo naman na hindi tayo kagaya ng grupo ni Ragnar. Hindi tayo gumagawa ng kahit anumang krimen o karahasan. Kailangan ko lang ang talento nila para sa negosyo natin."
"Maliwanag po"
"Medyo wala kasi akong napapala sa mga pinapagawa ko sainyo kaya ako na ang nag-iisip. Pero sa oras na may makaalam ng ginagawa nating ito lalung-lalo na mula sa grupo ni Ragnar, hindi ko kayo mapapatawad at may kalalagyan kayo at ang inyong mga pamilya"
Pagbabanta ng binata.
Nakaramdam ng labis na pagkatakot ang nag-ulat.
Samantala sa isang sikat at marangyang sugalan, bumibisita ang isa pang banyagang pinuno na si Ragnar. Tinitiyak nilang maayos ang pamamahala sa sugalan na isa sa kanilang mga negosyo bukod sa mga gym at underground fighting arena. Habang naglalakad, napansin ng lider ang isang maingay na sugarol habang naninigarilyo at may kasamang dalawang babae. Pinagyayabang nito ang mga perang napapanalunan.
"That is one of your members, right?" tanong ng lider kay Jungshik, 26 anyos , payat na malaki ang tiyan at kulay dilaw ang buhok na kanyang tagasalin ng wika.
Nagngingitngit na tinungo ni Jungshik ang kinauupuan ng miyembro. Walang kamuwang-muwang ang sugarol na nasa likod na niya si Jungshik. Tuloy pa rin siya sa pag-iingay habang nagsusugal. Maya-maya ay isang malakas na sampal sa pisngi mula sa kawalan ang kanyang tinanggap.
"Tara labas tayo" nakangiting sinabi ni Jungshik. Nawala ang yabang at ingay ng sinampal, animo'y naging maamong tupa na namumutlang sumunod papunta sa labas.
Isang miyembro ang yumuko at iniabot ang isang cellphone sa Banyagang lider.
"Master Ragnar, you have a phone call"
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Science FictionKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...